Chapter 27

29 2 0
                                    

Nagpaalam muna ako kay Moana na ibibili siya nang makakain. Hindi pwedeng wala siyang kainin lalo na't buntis siya. Si Rowan naman ay mamaya pa ang balik dahil siya ang humarap sa mga pulis. Binabalita naman niya kay Moana ang mga update galing sa mga pulis.

Pabalik na ako sa private room ni Tita nang makasalubong ko si Trey. Oh, hindi ko sila nagpakakamali ni Troy. Maliban sa ayos ng buhok ay sa tindig din. Though, pareho naman silang matangkad at matipuno. Kay Troy kasi ay parang kabisado na ng mata ko. Kaya kahit likod ay alam kong si Troy iyon. Sa tagal ba naman naming magkasama noon ay talagang kabisado ko na iyon.

"Ganda," bati nito sa akin. Napangiwi ako. Hindi pa rin niya binabago ang tawag sa akin. Napansin ko lang sa lalaking ito ay mahilig magbigay ng pangalan sa ibang tao.

He surveyed my face before shaking his head.

"Kaya pala sunod nang sunod ang asong 'yon." Rinig kong sabi nito.

Lumingon ako sa likuran ko. Imposimbleng may sumusunod sa aking aso. Wala akong napansin kanina.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Aso?"

"Wala," he chuckled. "Long time no see, mukhang busy na sa buhay ah?"

"Yeah, ngayon na lang ulit nakabisita ng Pilipinas." I said the matter of fact, but I know to myself na hindi naman talaga ako uuwi kung walang nangyaring masama. Ayaw na ayaw kong bumalik dito. Mas gugustuhin ko pang manatili sa Hawaii kaysa rito. Though, dinadalaw ko naman ang puntod ni Mama pero hindi ako inaabot ng week dito, siguro 3 days na ang pinakamatagal.

He nodded before smiling at me. "I hope you're doing well. Pakumusta na lang ako sa kaibigan mo."

I nodded and smiled at him. "Sure. Duty mo ngayon?"

"Yes, actually papunta ako sa isang pasyente. So," he tapped my shoulder. "it's nice seeing you, again. Mauuna na ako."

Tumango ako at hinayaan na siyang umalis. Napabuntong hininga ako. Hindi siya galit. Alam kong alam nila ang ginawa kong pag-iwan kay Troy. Alam nilang sinaktan ko si Troy. Pero bakit...parang hindi sila galit? Trey and Sunshine, mukha namang hindi sila galit.

Napailing-iling ako bago tinuloy ang pagpuntang room. Pinakain ko kay Moana ang binili ko. She's calm now.

Kaso hindi pa rin kampante sa sinabi ng doctor na magigising pa si Tita, 20% ang tansiyang hindi siya magigising at 80% sa tansiyang magigising pa siya. Malaki nga ang percentage pero...hindi pa alam kung gaano katagal ang coma niya. Parang wala lang din daw ang percentage na 'yon ani Moana dahil nakaratay pa rin si Tita. Ang sabi ko'y magtiwala lang siya sa mga doctor, I, once a doctor kaya alam ko ang sinasabi nila.

"You can go home now, magpahinga ka muna. You can't cancel your appointment."

Natigilan ako. Nakalimutan kong hectic nga pala ang schedule ko. Napatitig ako kay Rowan.

I shook my head. "I can meet them online, ipapahatid ko na lang dito 'yong laptop ko."

He stares at me before nodding. "Ikaw ang bahala, aalis ako kaya wala ring makakasama si Moana. Ngayon lang ito nakapagpahinga nang matagal. Pasuyo na lang ako na pabilhan ng pagkain sa isa sa mga guard." Habilin nito sa akin.

I nodded. "Sure, mag-iingat ka."

Naiwan kami ni Moana sa room, syempre kasama si Tita. Tinext ko si Manang kung pwede bang ipasuyo sa apo niya ang laptop ko kaya naman habang hinihintay ko kinuha ko ang cellphone ko at kinausap na si Tisha. Habang tulog si Moana ay inasikaso ko na ang mga kailangan kong gawin para naman hindi siya mastress na pati rito ay trabaho ang inaatupag ko. Ayaw ko naman maging pabaya sa kanya. She needs me. She needs a friend.

Napasandal ako sa couch habang hinihilot ang sentido. Mahabang diskusyon ang nangyari dahil pina-adjust ko ang schedule ko sa isang brand na i-eendorse ko sana bukas. Mabuti nga at naintindihan naman nila. Tiningnan ko si Moana, natutulog pa rin ito. Gabi na rin at kailangan na rin sanang kumain pero ayaw ko namang istorbohin siya dahil ngayon lang ito nakamahabang tulog.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta ng IG ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at sinearch ko ang pangalan ni Troy. Hindi ko alam anong nakain ko ngayon at sa tinagal-tagal ko sa social media ngayon ko lang naisipang i-stalk siya...kung meron man siyang account. At hindi nga ako nagkamali, meron nga. Wow, lowkey lang sa social media ah. May 100k+ followers tapos walang following, tapos iilan lang ang post niya. Wala pang mukha niya! Tiningnan ko sa tags...oh wow, ayon meron.

Oh wow...

Natigilan ako nang may makitang tag sa kanya. He's with a pretty woman. If I am not mistaken, nakasama ko ito sa modelling. Pinindot ko ang post bago ini-swipe. Napapangiwi ako tuwing nililipat. Siguro mahigit sampu iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at para bang may bumabara sa lalamunan ko tuwing tinitingnan ang maayos nilang pictures. Wala namang malisya ang mga kuha nila. Parang magkakilala lang na kinuhaan ng litrato, parang magkaibigan. Pero sino bang tanga ang mag-iisip nang ganoon kapag nakita ang isang babae at isang lalaki sa iisang litrato? Wala syempre. They looked like a couple. An engineer and a model...wow, cute couple.

Napabusangot ako nang makitang may isa pang tag na post sa kanya. Marami naman sila ngayon habang may katabi siyang babae. I don't know what's their score but this woman is different from the latter. Ito mas malapit ang katawan nila...mas nakikitang higit pa sa magkakilala ang status nila. Natigilan ako kaka-swipe nang makitang nakakapit ang babae sa braso ni Troy. Zinoom ko pa para sure nga na kamay iyon ng babae and totoo nga. She must be Troy's girlfriend...

Sumama ang timpla ko kaya napagpasyahan kong magcheck ng messages. Napakunot noo ako nang magscroll ako sa request, andito na naman 'yong batang nakikipag-away sa comment section ko noon. This kid has a lot of time spending in social media.

Hindi naman makikitang naseen kapag hindi ko in-accept ang message niya so I read it to entertain myself. Nakakatuwa kasi ang batang 'yon, puro kalokohan ang pinagsasabi sa comment section ko.

:You must be so tired from your work in Canada.

:I hope you're doing well, eat at the right time.

:You're so gorgeous with your swimwear...

:But I don't like how my employees are feasting on your pictures. Damn, gotta fire them right away.

Natigilan ako. Oh hell, he's an adult?! Why would I think that this is a kid? Napatampal ako sa noo ko. Gusto ko pang magscroll down pero hindi ko na nagawa dahil why would he fire his employees just because they are feasting my pictures? Ano naman sa kanya? Die hard fan ko ba siya? And he must be rich...he has an employees?

I was about to accept his message for no apparent reason when he has another message for me, recent messages.

:I missed you...so fucking bad. I can't get over you after years, Primrose. I can't get fucking over you...

:An idiot messaging his popular baby is me! Damn it, I'm so drunk right now...miss you...so much.

:I can only see you from afar...follow you...pero gusto kong maging akin ka ulit, Primrose...

:This is so fucking funny, I hope you won't open your message box! This is ridiculous. I'm so hopeless...

:Baby...

:Why are you doing this to me?! I'm fucking crying right now like a baby...and I want to fucking hug you like how you would hug me before whenever I have a problem...

:Baby...

:Please...come back to me...kahit hindi mo na ako mahal. Please...just come back to me...

:Damn drunkard!

:I love you, my Rosas...

Habang binabasa ko 'yon ay para akong binabalik sa nakaraan. Parang may bumubulong sa akin na pangalan...na siya ito. Napagtanto kong siya nga 'to nang mabasa ang huling mensahe. Rosas.

Suminghap ako, ngunit iyon ang naging rason para maiyak ako nang mahina. No...oh my Troy...

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora