Chapter 26

24 3 0
                                    

This is our last day here in Canada. I don't know if it was a relief to me or not. After what happened between me and Troy, hindi ko na ulit siya nakita. And I think that's good...mukha namang nagkataon lang talaga ang lahat ng iyon.

"I'm really sorry, Prim. Pwede ka namang sumunod sa amin. I forgot to call you before our flight dahil sa sobrang pag-aalala ko."

"It's fine, Moana. Okay na ba si Tita?"

I heard her sobs in the other line. "S-she's in critical condition. I don't know what to do anymore. Hindi pa siya gumigising mula kagabi, baka raw mauwi sa coma ang sitwasyon niya."

Natahimik ako. Sa mga ganoong kaso, kung hindi patay agad ay ganoon naman ang kahahantungan. Swerte na lang at buhay pa si Tita. Nakakatakot nga naman kapag parte ka ng politika, your safety is at risk, lalo na at Presidente si Tita. Napakalaki nang ginagampanan niyang role sa Pilipinas, napakalaki nang responsibilidad, maraming makakabangga na hindi naman dapat.

Tita has a strong security from the government and from her own family, but those aren't enough to protect her from the ambush. Her armoured car was ambush...hindi pa natutugis ang suspect. Tita's in critical condition. Nalaman ko lang sa balita kanina ang nangyari. Moana called me to inform me that they flew back to Manila earlier this evening.

Malalim ang iniisip ko habang naghihintay ng announcement na tatapusin na itong photo shoot. Nagpaalam na rin ako na hindi na sasabay sa private plane na sasakyan sana namin pabalik. I have to leave first dahil sa Manila ang deretso ko. I need to go there. Ayaw ko namang pabayaan si Moana roon. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon, dahil ganoon na ganoon din ang naramdaman ko dati kay Mama. Sobrang sikip sa dibdib.

"Oh no, you don't have to." I said while shaking my head. "Tisha, Kisha, you should enjoy the remaining hours here. Mamayang madaling araw pa ang uwi niyo, sumabay na kayo sa private plane. Ayaw ko namang sayangin niyo 'to, minsan lang tayo magkataong makapunta rito sa Canada. Don't worry, alam ko ang pauwi sa Pilipinas." I joked and they are still looked not convince to let me leave first.

"Paano po 'yong mga gamit niyo po? Dadalhin na lang po namin?"

"I'll give you my exact location tomorrow morning, just text me if you two arrived in Manila already. Isang maleta lang naman ang iiwanan ko, I'll bring my other luggage."

Iyon nga ang nangyari. The earliest flight for Philippines is 5pm, mabuti nga at nakaayos naman na ako kaya pagkakuha ko sa mga importanteng mga gamit ko na dala rito sa Canada ay tumungo na agad ako sa airport.

Ilang oras din ang byahe kaya naman nang makarating ako sa Pilipinas ay bagsak na bagsak na ang mga mata ko. Para akong binugbog sa pagod at puyat. Idagdag pa ang pag-aalala ko kay Tita.

Tinawagan ko si Moana na uuwi na muna ako sa bahay namin bago pumunta sa hospital...

Natigilan ako habang nakatitig sa kawalan. Nag-aabang ng taxi.

I'll be alone in that big house again. Walang kasama.

Hinabilin ko sa care taker ng mansion namin noon ang bahay dahil wala naman akong mapag-iiwanan n'on dahil nasa Hawaii nga rin si Rowan. Ayaw ko rin namang ibilin pa kina Tita dahil alam kong marami rin silang inaasikasong negosyo. Kaya naman kinukumusta ko na lamang sa care taker namin ang mansion. Weekly ang sinabi kong paglilinis ng mansion dahil ayaw kong mabulok ang mga gamit namin doon, ayaw ko ring masira iyon dahil sa hindi nagagalaw.

"Primrose, hija," Bati sa akin ni Manang Rita, siya ang care taker ng mansion namin. Malaki ang ngiti niya nang salubungin niya ako. "Magandang umaga, mabuti na lang at natawagan ako ni Rowan na uuwi kayo. Inantay na lamang kita at nang maipaghanda kita ng makakain. Ano bang gusto mo?"

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingWhere stories live. Discover now