Chapter 7

362 13 0
                                    

Habang nilalakad namin ang mga aso ay tahimik lang kami. Napatigil kami nang biglang nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko kaagad 'yon sa bag ko. Pagtingin ko tumawag pala si mommy, kaya sinagot ko kaagad.

"[Yeonah anak, mag d-dinner kami jan sa bahay nyo mamaya kasama namin ng daddy mo ang Daddy Marcus at Mommy Reese mo, pakisabihan mo nalang din si Kendric.]" sabi sakin ni mommy

"[Okay po mom..]" sagot ko kay mommy

"[Okay bye iha]" paalam sakin ni mommy bago ibaba ang cellphone.

"Sa bahay daw mamaya mag d-dinner ang mga parents natin." Sabi ko kay Kendric

"Okay." Sagot nya sakin

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sakanya

"Bakit pagod kana ba?" Tanong nya din saakin

"Hindi pa naman, pero kasi sa tingin ko kailangan na nating umuwi dahil mag luluto pa ako ng dinner eh," sabi ko "Or mauuna nalang muna akong umuwi, mag t-taxi nalang ako.." dagdag ko pa

"No. Okay fine, let's go home." sagot nya sakin.

Sumakay na kaagad kami sa kotse at ang mga aso. Nakahiga sa hita ko si Oreon dahil naka tulog na sya, antukin kasi si Oreon.

"Gutom ka na ba?" Tanong nya saakin habang nag d-drive.

"Oo eh, kaya nga bibilisan ko nalang yung pag luluto para makakain na agad ako." Sabi ko naman sakanya

Hindi na sya sumagot sakin  pagkatapos no'n. Nagtaka nalang ako nang biglang tumigil yung kotse sa drive thru ng Mcdo.

"let's eat first." sabi nya sakin sabay abot nung Paper bag na may lamang dalawang burger at dalawang fries at may kasama din 'yon na drinks.

Maya maya pa nakauwi na din kami. Pagpasok ko umakyat kaagad ako sa kwarto ko para maligo at magbihis ng damit. Tapos bumaba na din ako kaagad para mag luto na ng dinner namin. After kong magluto at mag prepare ng dinner umakyat ako ulit sa kwarto ko para mag bihis na ng damit na susuotin ko.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na din kaagad ako. Pagbaba ko nakita ko si Kendric sa sofa. He's typing something on his laptop. Naka pag bihis na din pala sya, he's wearing above knee shorts and a white polo.

"Are you done?" He suddenly asked me

"Yep!" I answered him

He closed his laptop and put it down on the small table. I sat on the couch next to Kendric. Maya maya pa lumapit saakin sina Maggie, Gideon and Oreon.

"Aww, my babies.." malambing at nanggigigil kong sabi sakanila.

"I'm sure our parents will sleep here tonight." Kendric suddenly talk

"Oh it's okay for me." i said and give him a small smile.

"It's okay for you that we're going to sleep in the masters bedroom together, tonight? Huh?" He raised a brow

I blink twice and my lips parted when i realize that.

Hindi na din ako nakasagot sakanya dahil biglang may nag doorbell kaya binuksan ko na agad ang pinto.

"Oh good evening, Yeonah!" Pagbati agad saakin ni Tita Reese

"Good evening din po.." i smiled at her and Kissed her on cheeks

"So where's Kendric-" hindi na natapos sa pagsasalita si mommy nang makita nya si Kendric sa likod ko.

"Oh there he is. Good evening Ken!" mommy greeted Kendric

"Good evening too, Tita carmilla." he greeted mom too

"Can we go in now?" Tanong naman ni Tito Marcus

"Sure po tito.." i answered him and give him a smile

Pagpasok namin sa loob kumain na kaagad kami at syempre mag katabi kami ni Kendric habang kumakain.

"Yoenah iha, kamusta ka naman dito?" Tita Reese asked me while eating

"Okay naman po kami dito tita, don't worry po." i genuinely smiled at her

"Oh iha, please just call me mommy." she told me

"O-okay po," Medyo naiilang kong tugon

"So what brings you here, Mom? Dad?" Kendric suddenly asked his parents

"May pag uuspan lang kami ng Tito Alfred at Tita Carmilla mo." Tito Marcus said

"Pwede ko po bang malaman kung ano po 'yon?" I asked them

Nagtinginan muna sila bago sumagot saakin.

"Yeonah anak.. napag usapan namin ng daddy mo na kung hindi kana mag trabaho para mas makapag focus ka sa pag a-asikaso sa fiancé mo anak. Sana maintindihan mo." pagpapaliwanag saakin ni mommy

"Pero mom, saan ako kukuha ng panggastos ko!?" Gulat na gulat kong tanong kay mommy

"Iha kayang kaya namang i-provide yan ni Kendric eh.." sabi naman saakin ni mommy Reese "Hindi ba, Ken?" Tanong nya kay Kendric

"Of course, mom." sagot nya sa mommy nya

"Excuse me po.." paalam ko sakanila

Pinunasan ko lang muna ng tissue ang labi ko at tumayo. pag akyat ko pumasok ako kaagad sa masters bedroom.

Umupo ako sa kama at hindi ko mapigilang umiiyak ng umiiyak dahil pakiramdam ko wala na akong karapatan na mag desisyon para sa sarili ko. Nakakapagod na ring intindihin sila minsan.. 

Hindi pa ba enough lahat ng sacrifices ko?

Kulang ba pa?

Ubos na ubos na ang pasensya ko..

10:34 pm na nang pumasok si Kendric sa master's bedroom kaya alam ko na na tulog na din ang parents namin. Pagpasok ni Kendric pinunasan ko kaagad ang luha ko pero alam kong halata pa din na umiyak ako dahil namumula ang mata at ilong ko.

"How are you?" Tinanong nya agad ako

Umupo sya sa tabi ko.

"To be honest hindi ko rin talaga alam if okay pa ba ako.. kasi ang bigat bigat ng pakiramdam ko eh.." sagot ko sakanya at hindi ko na napigilan na mapaluha nanaman.

"Umiyak ka lang hangga't gusto mo, para kahit papano mabawasan ang bigat na nararamdaman mo." sabi pa nya saakin

May mga bagay pala talaga na hindi natin kontrolado o sadya bang napaka komplikado lang ng sitwasyon ko? Ayokong suwayin ang parents ko dahil mataas ang respeto at pagmamahal ko sakanila. Hindi ko sila kayang biguin.

My Husband In Lawजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें