Chapter 34

243 7 0
                                    

Day off ngayon ni kendric kaya nagyaya syang bumisita sa house ng parents nya. Nung last day off nya kasi sa house naman ng parents ko kami pumunta.

White long skirt and dark blue blouse, partnered with flat korean sandals ang suot ko. Dark blue polo and black trouser naman ang kay Kendric. A bit messy ponytail naman ang style ng hair ko then i just put light make up on my face. Handbag lang ang dala ko ngayon dahil hindi naman kami gaano magtatagal sa house ng parents ni kendric. Excited na din akong makita ulit si mommy reese and daddy marcus.

"Can we go now, hon?" Kendric asked after i got inside the car

"Yeah! Let's go na." I answered with a smile

Bumaba na kami sa ground floor sa parking area dahil nandon ang kotse. Pinagbuksan ako ni kendric ng pinto tapos pumasok na ako.

Pilit kong inaayos ang seat belt ng upuan ko pero nahihirapan ako hilahin 'yon. Habang pinipilit kong inaayos ito ay nagulat ako nang biglang inilapit ni kendric ang katawan nya saakin at inayos ang seat belt ko.

Hindi ko alam kung bakit nakadikit padin sya saakin at nakatitig sa mga mata ko, 'e tapos naman na ata nyang ayusin ang seat belt ko.

"Uhm.. okay na ba?" Tinanong ko sya

Hindi sya sumagot ngunit ikina-bigla ko nang walang sabi-sabi nyang inilapat ang labi nya sa mga labi ko.

"Honey.." Itinigil nya na ang paghalik saakin

"Ken, i think it's time for us to go now.." Sabi ko sakanya dahil baka sa'n nanaman mapunta 'to

"Can i just have a cuddle for now?" Maamo nyang sabi

I grinned "Bry.. our parents are waiting for us na. We should get going now." I smiled at him

"Okay, my wife." Pumayag na sya

Ini-start nya na ang car engine at nag drive.

"How's the investment that you're in?" He asked while driving

"Maayos naman. And I'm happy for that. Successful na sya." Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naiisip kong involve ako sa successful project na 'yon.

Natutuwa ako dahil ngayon masasabi ko na sa sarili ko na hindi nasayang ang tiwala ni dad and daddy marcus na binigay nila noong sinabi ko na interesado akong subukan ang pag-invest sa mobi project. At hindi naman din ako binigo ni Aira. I'm so happy for her. Hindi ko din naman ito magagawa kung wala ang tulong nina dad, lalo na si bry. Sya kasi ang pinagtatanungan ko sa tuwing may hindi ako maintindihan sa mga business plans noong nag s-start palang akong mag invest sa mobi. D'on ko na-realize na ganon pala kagaling si kendric pagdating sa business at investment, sobrang expert nya. And totoo nga ang sabi nina mommy about him, sobrang talino nya nga.

Noon panay ang kwento saakin ni mommy tungkol sa mga achievements ni kendric, ever since highschool. Top 1 sya palagi sa klase. He's always a Valedictorian from elementary to highschool.

"I know you can do it, Mrs. Cabrera." He said while driving

"My dad and dad in law helped me. I can't do this without their help and support." I said while smiling

Imbis na magsalita sya bilang sagot saakin ngunit tumitig lang sya sakin.
Inisip ko tuloy may dumi ba 'ko sa mukha or magulo ba yung buhok ko.

"Is there something wrong with my face?" Tanong ko "Why are you staring at me like that?" Dagdag ko pa

"How can you be so pretty like that?" Nakatitig padin ito saakin

Nambola pa.

"Nako, tigilan mo 'ko." Natatawang sabi ko "Eyes on the road." Sabi ko

Binalik nya na ang tingin nya sa daan.

"Okay, okay." Sabi nya na parang napipilitan pa

'Yan, masunurin naman pala 'e. Nakakatawa talaga sya minsan.

Nang makarating kami sa house ng parents ni kendric ay pumasok na din kaagad kami. Sinalubong naman ako kaagad ng yakap ni mommy reese. Nakangiti naman saamin si daddy Marcus.

"I've miss you, iha," Masayang bati saakin ni mommy reese

"I've missed you so much din po, mom" nakangiting sagot ko naman

"Oh hi, son" Bati din ni mommy reese kay Kendric

"Nice to see you again, mom, dad." Sabi naman ni kendric sa parents nya

Nagyaya sina Mommy reese at daddy Marcus na mag lakad lakad kami sa garden habang nag kwe-kwentuhan. Sumang-ayon naman kami agad ni Bry. Malawak ang garden nila. Akalain mong 1 hectare ang kanilang garden. Ang ganda din at maaliwalas ang pagkaka-landscape rito, sobrang fresh ng hangin. Naka kapit sa braso ko si mommy reese habang si dad naman at bry naka sunod lang saamin.

"How's the both of you?" Daddy Marcus asked

"We're doing.. great po, dad." I answered

"That's good, iha. Kendric always take care of your wife." He told his son

"Of course, dad." Tugon naman ni bry

"Mabuti at napasyal kayo," Napatingin saakin si mommy reese nang nakangiti

"We want to spend some time with you po" Nakangiti kong sambit

"Kamusta ka sa bahay nyo, iha? Kapag na-bo-boring ka, pumunta ka lang dito ha." Mommy reese told me while we're walking "Mag shopping tayo nina mommy carmilla mo" She added

"Sure po, anytime mom." Sabi ko naman

"I also want to say thank you po, dad. Thank you for helping and trusting in me for the mobi investment po." Pagpapasalamat ko naman kay daddy Marcus

"Alam ko naman kahit kailan ay hindi ako mabibigo sa'yo iha. Makakaasa kang naka suporta kami parati sainyo." Sabi ni daddy marcus saakin

"Nandito lang kami parati ng parents mo, iha." Tinapik naman ni mommy reese ang kamay ko

Pagkatapos naming mag ikot ikot sa garden at magkamustahan at magkwentuhan narin ay nag aya na si mommy reese na magtanghalian. At pagkatapos namin magkainan ay tinulungan ko na sina manang Lynette at mommy reese na magligpit ng pinagkainan namin sa lamesa. Pagkatapos no'n ay nagpaalam nadin kami sa isa't isa.

"Thanks for today, Mrs. Cabrera." Bry said while driving

We're on our way home now.

"No need to thanked me. I enjoyed our time together with your parents. I also love being with them." Nakangiting sabi ko

Kahit naka long skirt ako ay gumawa padin ito ng paraan para makahawak sa legs ko. Mannerism nya na ata 'to.

Nang makarating kami ay nag elevator na kami paakyat sa unit namin. Kaming dalawa lang din naman ang nandito sa elevator ngayon.

"Loveyou." He whispered

Huminto na ang elevator sa unit namin .

"Let's get inside na." Natatawang sabi ko dahil naglalambing nanaman ito

Nauna na akong pumasok sa unit tapos sumunod naman sya.

Agad naman kaming sinalubong ng mga babies namin pagpasok palang namin.

"Hi, my sweethearts.." Malambing kong sabi habang niyayakap si Oreon and Gideon

Si Maggie naman ay lumapit sa daddy nya. Kinuskus naman ni bry ang palad nya sa ulo ni Maggie.

"Gusto mo bang magluto pa 'ko ng dinner natin?" I ask bry

"Is it okay?" Tanong nya saakin

"Yeah, I'm not that tired naman 'e." Sabi ko

"Are you sure?" Naninigurado pa ito

"Of course i am." Sagot ko naman

"Meryenda nalang kaya ang gawin ko?" Sabi ko sakanya

4pm palang naman kasi.

"Yes, please.." Sabi nya

"Okay!" Nakangiting sabi ko

Turon ang naiisip kong gawin ngayon.

My Husband In LawWhere stories live. Discover now