Chapter 11

306 10 0
                                    

Nag gala lang kami at kumain sa restaurant tapos umuwi narin kami agad dahil kailangan pa namin mag empake ng mga gamit namin dahil babalik na kami sa Pilipinas. Yung private jet ulit ang ginamit namin.

- The next day -

"Welcome back po ma'am, sir" bati kaagad saamin ni ate fhey

"Salamat ate fhey, nasaan nga pala ang mga dogs-?" Hindi na ako natapos sa pagtatanong dahil bigla nang nagtakbuhan papalapit saakin sina maggie, gideon at oreon.

Lumuhod ako sa sahig para yakapin at halikan sila. Miss na miss ko na talaga sila at halata namang miss na miss na din nila kami ng daddy nila.
Hinaplos haplos ni Kendric ang ulo ni Maggie.

Umakyat na din kaagad si Kendric dala ang mga gamit namin sa taas. Sumunod na din ako kay Kendric sa taas. Hinanap ko ang mga gamit ko pero hindi ko alam kung saan dinala yun ni Kendric kaya pumunta ako sa masters bedroom para tanungin sya.

"Nasaan nga pala yung mga gamit ko?" Mahinahon na tanong ko sakanya

Tinuro nya sakin ang mga gamit ko na nakalagay sa maleta. Nasa loob ng masters bedroom ang mga gamit ko.

"Ah p-pwede mo ba k-kong tulungan na dalhin yan sa kwarto ko? Okay lang ba?" Tanong ko sakanya

"No. Ililipat na natin ang mga gamit natin dito." Seryosong sabi nya

"Ha?! P-pero b-bakit?" Nagulat ako sa sinabi nyang 'yon

"You said, let's try to make our relationship work, right?" Sabi nya sakin

I blink twice. I bit my lower lip, I don't know what to say to him after I remembered that moment when i asked him that.

"Let's go, tutulungan kita sa pag dala ng mga gamit mo" hindi na nya hinihintay ang sagot ko at pumunta na sya sa kwarto ko.

Sumunod na din ako sakanya at nag ayos na ng mga gamit ko para ilipat sa masters bedroom. Habang nag aayos ako, nag iikot ikot lang sya sa kwarto ko at tumingin ng mga pictures na naka display sa kwarto ko. Biglang nag vibrate ang cellphone ko dahil may na-receive akong text message. Tiningnan ko kaagad kung sino yun.

From: Ate fhey

"Ma'am umalis na po ako, dahil tinawagan na po ako ni sir marcus. Sige po ma'am salamat po."

To: ate fhey

"Sige ate fhey, thankyouu din."

Dinala na namin ni Kendric ang ilang mga gamit namin sa masters bedroom at inayos na din namin yon. Naligo din ako at nag palit ng pajamas para matulog. Si Kendric naman naliligo pa. Humiga na ako sa kama at nag scroll lang ako sa Instagram feed ko, si Kendric naman nagpapalit pa ng damit sa walk in closet. Maya-maya humiga na si Kendric sa tabi ko mukhang busy sya sa ginagawa nya sa laptop nya mukhang sa trabaho nya yon. Nagulat ako ng nag ring yung phone ko tumawag pala saakin si Estelle sya ang college friend ko.

"[Huy alam mo na ba?]" Tanong nya kaagad saakin

"[Ang alin? Teka nga ano bang nangyari?]" Nagtatakang tanong ko kay Estelle sa phone

"[So hindi mo pa nga alam!? Si Natalie kasi nag pa-abort daw! Dahil tinakasan pala sya nung lalaki na naka one night stand nya. Kaya sya nag pa abort!]" Sabi nya saakin

"[Ha!?]" Umupo ako sa galing pagkakahiga ko ng marinig ko yon, napatingin saakin si Kendric.
"[Si Natalie yung classmate natin nung college?]" Tanong ko.

"[Oo, at ito pa naka 4 na beses daw syang nagpa-abort ng bata!]" Kwento nya pa saakin. "[Sige yoenah, sa sunod nalang ulit, tinatawag na ako ng boss ko eh]" binaba nya na ang cellphone

"Anong nangyari ba't ganyan ang reaction mo?" Tanong saakin ni Kendric

"Yung classmate ko kasi nung college nag pa-abort daw ng baby." Malungkot na sabi ko kay Kendric

"Tsk, bakit ganyan nalang yung reaction mo?" Tanong nya ulit

"Bakit ang dali dali lang para sa ibang babae ang abortion? Samantalang ako pangarap ko yun eh.. yung magkaroon ng baby.. tapos sila ganon ganon nalang 'yon? papatay sila ng batang walang ka muang-muang? pano nakakaya 'yon ng konsensya nila!?" Sabi ko kay Kendric

"Pangarap?" Sabi nya

"Oo, matagal ko ng pinag p-pray yan eh. Yung balang araw may tatawag saakin na mommy, yung bang balang araw maramdaman ko rin yung feeling na 'yon, magbuntis, manganak, magalaga at magpalaki ng bata. At bumuo ng sariling pamilya." Sabi ko

"Magiging mommy ka din someday, yeonah" sabi nya saakin

Ngumiti ako sakanya.

"And abortion is illegal according to the law. Pwede syang makulong for 2-6 years." Sabi nya

"Yes you're right, abortion is illegal here on the Philippines" pagsangayon ko naman

"Ilan ang gusto mong anak in the future?" Tanong nya saakin

"Gusto ko dalawa lang, okay lang kahit anong gender" sagot ko

Tumango sya saakin.

"Matulog kana may work ka pa bukas, diba?" Sabi ko

Bigla nyang pinulupot ang braso nya sa ang bewang ko at hinatak ako para pahigain. Yumakap sya saakin at natulog na. Hindi ko na din namalayang naka-tulog na din pala ako.

- The next day -

Nauna akong nagising kay Kendric para mag luto ng breakfast namin pagkatapos kong magluto naligo na din kaagad ako. Pag silip ko sa masters bedroom tulog pa doon si Kendric kaya doon nalang ako naligo sa kwarto ko.

After kong maligo nakipag-laro muna ako kay Gideon, si Maggie at Oreon kasi ginigising ang daddy nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After kong maligo nakipag-laro muna ako kay Gideon, si Maggie at Oreon kasi ginigising ang daddy nila.

- Kendric's POV -

It's 7:24 am. I woke up because Maggie and Oreon were licking my face. Yeonah was no longer by my side so I knew she was already downstairs, so I also went downstairs with Maggie and Oreon to have breakfast.

- Yeonah's POV -

"Hey, good morning!" Sabi ko kay Kendric nang nakita ko syang pababa na ng hagdan halatang kagigising nya lang. Nakita ko ring nakasunod na sakanya si Maggie at Oreon.

"Good morning." Sabi nya saakin

"Let's eat, because you might be late for work." Paalala ko sakanya

"Okay." Sabi nya

Kumain na kami at pag katapos naming kumain, pinakain nya na ang mga dogs, hinuhugasan ko naman ang pinagkainan namin. Pagkatapos nyang magpakain sa mga aso umakyat na sya para maligo at magbihis para sa pagpasok nya sa trabaho.

My Husband In LawWhere stories live. Discover now