Chapter 16

267 11 0
                                    

- The next day -

Pagkagising ko bumangon na kaagad ako para maligo at magluto na ng breakfast. Pagkatapos kong magluto hindi kona hinintay si Kendric dahil alam kong mas magiging awkward lang pag sabay ba kaming kumain. Pagkatapos kong kumain ay tinakpan ko nalang muna yung breakfast na niluto ko para kay Kendric. Nagbihis na din kaagad ako para makaalis na ako dahil 10:29 am ang flight ko.
Pagkatapos kong magbihis at paalis nadin ako, nag-iwan ako ng letter sa dining table para kay Kendric. Hindi ko na sya ginising dahil baka pagmakita namin ang isa't isa ay baka magbago pa ang mga isip namin. Niyakap ko ng mahigpit sina Maggie, Gideon and Oreon para magpaalam na sakanila.

"Wag kayong magpapasaway kay daddy, okay? Gigisingin nyo lagi si daddy para hindi sya male-late sa work ha" paalala ko sakanila "mahal na mahal kayo ni mommy, wag nyong kakalimutan si mommy ha? Pag magkaroon na ulit kayo ng bagong mommy wag din kayong makulit sakanya ha? Naiintindihan nyo ba ako, sweeties?" Sabi ko sakanila habang tumulo ang luha sa mga mata ko

Niyakap ko sila ulit isa isa bago umalis papunta sa airport.

- Kendric's POV -

Nung nagising ako wala na sa tabi ko si Yeonah, pagbangon ko naligo na kaagad ako at bumaba na para mag breakfast. Hindi ko akalain na nakaalis na pala si yoenah. Pinagluto nya padin ako ng breakfast bago sya umalis at katabi nung pagkain, merong letter doon alam kong kay yoenah galing yon kaya binasa ko kaagad yung letter na yon.

"Hi Ken! Kung binabasa mo na 'to alam kong wala na ako jaan, .. You know what Ken I'm still thankful na nagkakilala tayo at napang-asawa kita kahit sa kunting panahon lang napasaya mo ako ng sobra ipinaramdam mo sakin ang feeling na mahalin, I'm gonna miss you, thank you for all  the memories. mag-iingat ka palagi, tandaan mo yung mga sinabi ko sayo. You can now love someone else, Ken.. but I want you to find a girl that will love you the way you deserve to be loved, a girl that will never leave you, a girl that will stay by your side forever and a girl na mamahalin din ang mga babies natin kagaya ng pagmamahal nya sayo. Continue your story without me, just keep turning the pages in your story even though I'm not gonna be in the next chapter anymore. We have written so many pages together in our book, but now it's time to create another chapter without you and me. Kahit hindi na ako basta mapunta ka lang sa tamang tao. Pag pagod ka sa work or pag stress ka, makipaglaro ka kina maggie, gideon and oreon, promise sila ang pinaka effective na stress reliever. Tapos wag kang masyadong magpapagod sa work minsan mag-unwind ka din and wag na wag kang magpapalipas ng gutom, masama yun sa health mo. Always take care my love. yun lang hon, always remember that i love you so much. I'm sorry again for leaving you, please forgive me."

She wrote.

Nanghina ako bigla at napaluhod ako sa sahig nilapitan naman ako kaagad ni Maggie at mukhang nagtataka sya kung bakit ako umiiyak. Parang unti-unting gumuguho yung mundo ko habang binabasa ko yung sulat ni yoenah para saakin.

"mommy has left us, maggie." Sabi ko kay Maggie na nagaalala saakin

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Hindi na ako nakapasok sa office dahil pakiramdam ko nanghihina padin ako at hanggang ngayon wala padin ako sa sarili dahil hindi padin ako makapaniwala na nangyari na ang pinaka-kinakatakutan kong mangyari noon, ang iwan ako ni Yeonah.

- Yeonah's POV -

Habang nakasakay ako sa eroplano parang pati isip ko lumilipad din nakatingin lang ako sa bintana ng eroplano habang walang tigil na tumulo  ng tumulo ang mga luha ko. Iniisip ko kung kamusta na si Kendric, ano na bang ginagawa nya ngayon? Kung kumain na ba sya? O kung nakapasok na ba sya sa work, and kamusta na din ang mga babies namin.

Paglapag ng eroplano sa Australia nagbabaan na din ang mga passengers kaya bumaba na din ako. Paglingon ko sa likoran ko nakita ko doon si Bella, flight attendant nga pala sya.

"Uy! Yeonah! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya na saakin nung makita nya din ako

"Hay nako, mahabang kwento, Bella." Sabi ko sakanya

"Oh sige, usap nalang tayo mamaya ah!" Sabi nya saakin habang unti-unting naglalakad papalayo saakin.

Nag taxi nalang ako papunta sa house ni mommy-la.

Pagdating ko doon may maid na agad na lumapit saakin.

"Goodmorning ma'am Yeonah" bati nya saakin

"Goodmorning po" bati ko din sakanya

Maya maya pa may apat na maids pa ang lumapit saakin at dinala nila ang mga gamit ko.

"Halika po ma'am, nandito po sa taas yung kwarto ninyo." Sabi nya saakin

Sumunod lang ako sakanya hanggang sa marating na namin yung magiging kwarto ko ibinaba ang inayos na nila ang mga gamit ko doon. Dumiretso na kaagad ako sa ospital kung saan naka-confine si mommy-la ngayon para dalawin at kamustahin na sya.
Pagdating ko doon nakita ko agad si ate Liza na naghihintay saakin.

"Ate Liza!" Tinawag ko sya

"Oh Yeonah, nandito kana pala." Lumapit sya kaagad saakin
"Kamusta ang flight mo?" Tanong nya saakin nung makalapit na sya saakin

"Maayos naman po ate Liza, eh si mommy-la po nasaan na po sya?" Tanong ko kay ate liza

"Halika dadalhin kita sakanya" sabi ni ate liza

Sinundan ko lang si ate Liza hanggang sa marating namin yung room kung saan Naka confine si mommy-la. Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto at pumasok.
Nakita ko kaagad doon  si mommy-la na nakahiga at natutulog ang daming mga aparato ang naka kabit sa katawan nya habang papalapit ako ng papalapit sakanya unti unti ring tumutulo ang mga luha sa mata ko.

"Mommy-la? Si yoenah po 'to.. kamusta kana po?" Kinausap ko sya dahil alam kong naririnig nya kami

"Paggaling kana po, please. Pag okay kana po ulit ipapasyal po kita, mamasyal po tayo lagi at hindi na po ako aalis sa tabi ninyo ulit. Promise po yan, kaya mag paggaling kana po please mommy-la.." sabi ko sakanya habang umiiyak

- A few minutes later -

"Yoenah.." kinalabit ako ni ate Liza.

Nagising ako bigla, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa upuan.

"Mabuti pang umuwi kana at para makapagpahinga kana.." sabi saakin ni ate Liza

"Hindi ate Liza.. okay lang po ako, ako nalang po muna ang magbabantay kay mommy-la." Sabi ko kay ate Liza

"Sige basta pag inaantok or pag nakakaramdam kana ng pagod tumawag kalang saakin ha? Oo sya sige na uuwi na muna ako ha.." sabi saakin ni ate Liza

"Sige po, ingat ka po ate Liza." Sabi ko

Pagalis ni ate Liza inayos ko ang mga gamit ni mommy-la sa ospital at binabantayan ko sya. Pagkatapos nun ay kumain na muna ako, nagpa-deliver nalang ako ng food para hindi na ako lalabas. Iniisip ko padin si Kendric, kung ano na kaya ang ginawa nya ngayon at kung kumain na ba sya. Masakit para sa aming dalawa ito pero kailangan. Sana sa susunod naming mga buhay ay kami padin  ang itinadhana para sa isa't isa at sana hindi na kami maghiwalay.

Maya maya biglang nag ring ang cellphone ko, tumatawag pala saakin si mommy kaya sinagot ko kaagad ito.

My Husband In LawWhere stories live. Discover now