Chapter 15

286 11 0
                                    

- Fast Forward -
(2 months ago)

"[Hello, who's this? may i know who i am talking to?]" Tanong ko kaagad ko sa caller

"[Si Ate Liza mo ito, yoenah]" sagot nya saakin

"[Oh ate Liza, napatawag ka po? May problema po ba?]" Tanong ko kay ate Liza sa cellphone

"[Ang mommy-la mo kasi yoenah, isinugod namin sya sa hospital]" natatarantang sabi saakin ni ate Liza

"[Po!? A-ano p-pong n-nangyari ate Liza?]" Hindi ko alam ang gagawin ko sa nalaman kong 'yon

"[May stage 3 lung cancer kasi ang mommy-la mo, yoenah hindi namin alam ang gagawin dahil sabi ng doctor mukhang malubha na daw talaga ang kalagayan ng mommy-la mo eh..]" sabi ni ate Liza

"[Please ate Liza wag mo po syang pababayaan, mag b-book po ako kaagad ng flight papunta jan.]" sabi ko "[kamusta na po ba si mommy-la unconscious padin po ba sya?]" Tanong ko pa kay ate liza

"[Natutulog sya iha, pero sabi ng doctor 20% nalang daw ang posibilidad na mabuhay pa sya.. pagkatapos ng operasyon nya]" pagkwe-kwento ni ate Liza

Para akong sinasaksak ng paulit ulit ng marinig ko yun napa upo nalang ako sa sahig dahil hindi ko na talaga mapigilang umiyak ng umiyak. Simula nung tumira si mommy-la sa Australia bihirang bihira nalang kaming magkasama at magkita kaya parang hindi ko kakayanin pag nawala sya katulad ng sabi ko kahit kaunti lang ang pinagsamahan namin pero siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, si mommy-la din ang kaunaunahang tao na pinagsabihan ko nung nakapag decide ako na medicine course ang kukunin ko sa college, sya din ang nag motivate saakin na magtapos ng pag-aaral pag may problema ako lagi lang akong tumatawag sakanya kasi sya lang yung nagpapagaan ng pakiramdam ko.

Binaba ko na ang tawagan namin ni ate Liza dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang paghagulgol ko dahil sobrang sikip na ng dibdib ko.

- Fast Forward -

6:35 pm nung umuwi si Kendric kaya kumain na din kaagad kami ng dinner pagkatapos nyang mag bihis tahimik lang akong kumakain dahil parang wala pa din ako sa sarili kakaiyak ko kanina halos mamaga na ang mga mata ko kakaiyak.

"What's wrong? Did something happened, hon?" Tanong saakin ni Kendric nung napansin nyang namumula ang mga mata at ilong ko.

"H-huh?" Nanginginig ang boses ko

"Please tell me." Sabi nya saakin

- fast forward -

After naming kumain hinugasan kona kaagad ang mga pinagkainan namin at lumabas ako saglit sa pool area para magpahangin.

"Honey I'm here, you can talk to me. What's wrong?"

Napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun mula sa likoran ko.

Yumakap ako kaagad sakanya dahil pakiramdam ko hindi ko na talaga kayang itago yung nararamdaman ko.

"Shhh" pagpapatahan nya sakin habang nakapulupot ang mga braso nya sa bewang ko habang ang mga braso ko naman nakapulupot sa leeg nya.

"Ken, i think.. we need to talk" sabi ko kay Kendric pagbitaw ko sa kanya

He nooded at me.

"Bukas pupunta na ako sa Australia. May sakit si mommy-la, lung cancer, stage 3. Gusto kong ako ang personal na mag aalaga sakanya hanggang sa gumaling sya." Pagtatapat ko sakanya

"W-what?" Nagulat sya sa sinabi ko

"Hanggang dito nalang Ken, I'm sorry." Humagulgol na naman ako "until the universe let us meet again and continue our story, i love you so much Ken." Sabi ko pa habang tumulo ng tumulo ang luha ko "until our paths collide again" pagtutuloy ko pa

" No. No, yoenah please" pagmamakaawa nya saakin

"Thank you for everything Ken, if we only know how to escape reality." Napayuko nalang ako at tuluyan nang pumatak ng pumatak ang mga luha sa mga mata ko

"You said you love me, right? Pero bakit ganito? Pwede ka namang pumunta ng Australia kahit hanggang ilang taon pa, hihintayin ko ang pagbalik mo, pero please lang wag naman ganito, Coleen.." pagmamakaawa nya saakin

"Hindi ako sure kung makakabalik pa ako.. baka doon na din ako tumira para makasama ko pa ng mas matagal si mommy-la.. I'm really sorry Ken." Sabi ko sakanya habang patuloy padin sa pagtulo ang mga luha ko.

"Sasamahan nalang kita, doon nalang tayo tumira, wala namang problema yun saakin eh, pero wag mo lang akong hiwalayan.. kasi hindi ko kaya yun, hindi ko kayang wala ka" walang pag-aalinlangang sabi nya saakin

"No ken. Pano yung company ninyo? Huh? Pano na ang lahat ng maiiwan mo dito? Hindi pwede ken.." pagtanggi ko sakanya

"Fuck.. Coleen kaya kong iwan ang lahat para sayo, kaya kong ipagpapalit lahat ng meron ako ngayon para sayo." Seryosong sabi nya saakin

"No ken. Ayokong masira ang lahat ng pinaghirapan mo." Pagtanggi ko padin sakanya

"Tapos ano? Anong kapalit? Huh? Yung pinagsamahan naman natin ang masisira? Hindi, ayoko." Pagmamatigas pa nya

"Ken please.." sabi ko sakanya
"I want you to find a girl that will love you the way you deserve to be loved" sabi ko pa

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Tanong nya saakin

Hindi ako makasagot sakanya.
Yumuko nalang ako ulit at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko, habang umiiyak ng umiiyak.

"Okay. Kung yan ang gusto mo. Finally letting you go, thanks for all the memories and lessons hon, I'm always here supporting you silently. my love." Sabi nya saakin

Kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya habang sinasabi nya saakin lahat yon.

"You can now love someone else, my almost.. someday magiging okay din ulit ang lahat sayo, alam kong dadating ang araw na makakalimutan mo rin ako at gusto kong malaman mo na masaya akong naging tayo sa maikling panahon. Mahal na mahal kita..." pagpapaalam ko na din sakanya

"I love you to the moon and back hon." nalulungkot na sabi nya

"We have written so many pages together in our book, but now it's time to create another chapter without you and me" paos nasabi ko

Niyakap ulit namin ang isa't isa. Hindi ko alam pero sobrang sakit ng dibdib ko. Para akong sinasaksak ng paulit ulit.

Dahan dahan kong hinubad ang wedding ring namin sa kamay ko at binigay 'yon sa kanya.

"Can you just please keep it, for me?" Sabi nya saakin

"Okay." Sagot ko sakanya

"Sa tingin ko kailangan ko ng mag-empake ng mga gamit ko." Malungkot na sabi ko sakanya

"Tulungan na kita." Huminga sya ng malalim bago hawakan ang kamay ko para ayain na akong simulan ang pag eempake.

Habang inaayos namin ang mga gamit at mga damit ko walang kakibo-kibo si Kendric alam kong masakit din ito para sakanya pero mas pinili nya na palayain ako para sa kagustuhan ko.

Pagkatapos naming mag empake ng mga gamit ko natulog na din kaagad kami wala paring nagbago sa posisyon ng pagtulog namin, kahit ito na ang huling beses na magkakatabi kaming matulog.

Meeting him was like a dream but it's time to wake up..

My Husband In LawWhere stories live. Discover now