Chapter 25

229 8 0
                                    

"sasama ka ba bukas?" Tanong saakin ni kendric habang nasa kalagitnaan kami ng dinner

"Hm? Bakit saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko din sakanya

"There's a special event tonight in Costaphila capital and we're invited, and also our families" sabi nya

"Did you just say Costaphila capital!?" Gulat na gulat na tanong ko

"Yes, why? Is there a problem?" Kumunot ang noo nya

"I want to come!" ngumiti ako

"Okay." Sabi nya at kumain na ulit

Pagkatapos naming kumain nag hugas na agad ako ng pinagkainan at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag hanap na ng susuutin para bukas.

- At the event -

"Good evening Mr. and Mrs. Cabrera, natutuwa kami na makita kayo dito at maraming salamat sa pagpunta." nakangiting sabi ni tito Richard

Si tito Richard, kilala ko sya dahil sya ang business partner at bestfriend ni daddy at bukod pa roon ay bestfriend ko din ang unica ija nya.

"Thank you for inviting us tito." Sabi naman ni kendric

"By the way this is my daughter-" natigilan si tito Richard nang biglang yumakap saakin ang babae na ipapakilala nya sana saamin

Nagulat kaming lahat roon.

"Namiss kita ng sobra, avi!!" Mas nagulat ako roon dahil.. si amery lang ang tumatawag sakin 'non.

Bumitaw sya sa pagkakayakap saakin at nakangiting humarap saakin.

"Amy!? Teka kelan ka pa naka uwi? Ba't di ka nagsabi?" Tuwang tuwa na sabi ko

"Kahapon lang, ano kaba may nag so-surprise ba na nagsasabi ha?!" Loka loka parin 'tong bff ko

"Oo nga pala, yoenah kilala mo na nga pala itong si amery" nakangiting sabi nito Richard saamin

"Dad naman, lagi nga akong nandon dati sa bahay nina avi eh tumatakas pa nga ako minsan" natatawang sabi ni amy

Amy ang tawag ko sakanya at avi naman ang tawag nya saakin. Kami lang ang tumatawag n'on sa isa't isa.
7 years syang nawala sa Pilipinas dahil simula noong nag college kami ay pumunta na sya sa Europe para mag aral habang ako naman nasa England dahil doon ako nag aral at nagtapos. Kaya simula noon bihira na kung mag kita kami dahil sa tuwing may free time ako saka lang ako pumupunta doon sa europe para makita sya at ganon din sya, pumupunta sya sa England para puntahan ako. Nauna akong umuwi sakanya dito sa Pilipinas dahil nagtrabaho na ako sa hospital ng family ng mommy ko, ang Salvador Medical Center.

"Amery, this is Kendric. anak sya ni tita Reese at tito marcus mo" pakilala ni tito Richard kay Kendric

"Ah hello, I'm Amery Dorothy Ohalez. Bestfriend ni avi ay este ni Yeonah pala" pakilala nya naman kay Kendric

"I'm Kendric Cabrera, Yeonah's husband." Walang emosyong sabi ni kendric

"Ha!? Ikaw pala yung sinasabi dati ni avi saakin na ayaw nyang pakasalan dahil ang sama raw ng ugali at-" hindi na naituloy ni amy ang sinasabi nya dahil tinakpan ko na ang bibig nya para patigilin na sya.

Hay nako kahit kailan talaga napakadaldal nitong babaeng 'to

"Tama na nga 'yan, amery ang daldal mo talaga" awat na ni tito Richard kay amy

"Ay hehe sorry.." nahihiya syang ngumiti kay kendric

"Good evening everyone" napalingon kami sa likoran namin dahil narinig namin ang pamilyar na boses na 'yon.

My Husband In LawWhere stories live. Discover now