CHAPTER 1

5K 203 55
                                    

Chapter 1

Mark Lawrence Pov

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng batang lalaki na dala-dala ko. Nakaharap na kaming dalawa ngayon sa pintuan ng aming bahay. Hindi ko alam kung anong oras na pero nakikita ko pa na bukas ang ilaw namin sa sala. Hindi naman kalakihan at kagandahan ang bahay namin, e. May tatlong kwarto ito na maliliit lang din tapos may maliit na sala, kusina na konektado lang sa aming sala tapos maliit na balkonahe. Oh diba puro maliliit ang porsyon ng bahay namin. Hindi naman talaga tao ang nakatira dya-an, mga dwende talaga! Biro lang pinapatawa ko lang sarili ko, pinapalakas ko lang ang loob ko, oo.

Sa maliit na bahay na iyan ay nagkakasya kaming tatlong magkakapatid. Iyong kuya Cardo Dalisay ko, char! Iyong kuya Carl ko, si kuya Camelot at ako. Share kami ng kwarto ni Kuya Carl kasi noong bata pa ako tinuruan ako ng lolo ng tango. Char ulit! Noong baby pa raw kasi ako ay matatakutin ako at di ako nagpapaiwan mag-isa sa isang kwarto kaya naman hanggang sa lumaki ako ay share kami ng kwarto ni kuya Carl. Pero ngayon si kuya Carl ay nasa Manila na at ang naiwan nalang dito ay si kuya Camelot. Kaya ngayon solo na namin ni Kuya Camelot ang mga kwarto namin. Wala na ang papa namin dahil namatay ito sa isang insidente sa kanilang pinagtatrabahuan. Construction worker ang papa ko at sa kasamaang palad nang gumuho ang ginagawa nilang building ay isa ang papa ko na natabunan doon.

Matagal na iyon at nasa grade 8 ako noong nangyari iyon at ngayon ay magti-third year college na ako sa pasukan kung papalarin at kung papalarin na makapasa. Mediocare, char! Mediocre learner lang naman ako na may pagkatamad at mareklamo sa buhay. Char!

"Mami is this your house?" Pagpukaw sa akin ng tiyanak na kasama ko.

Tinapunan ko ito ng tingin at nakita kong namumungay ang nga mata nito at parang kinakausap akong pumasok na sa loob. Di niya ako madadala doon. May crush akong mas maganda pa ang mata kaysa sa kanya. Kahit anong pungay-pungay niya doon ay di niya ako mauuto. Minsan na akong nauto at ayaw ko na. Tama na ang isang beses. Pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ako. Oh, sige bilangin n'yo 'yang pagod ko.

"Oo, dong." sagot ko dito.

"Let's get inside ma--"

"Hanapin mo ulit iyong kapatid mo Camelot! Kanina pa iyon umalis sa bahay upang kunin ang pera na pinadala ng kuya Carl mo pero hanggang ngayon ay wala pa rin." Pati ang batang kasama ko ay napatalon doon sa malaking boses ng mama ko. Tabang Ginoo!

Ayaw ko na sumisigaw pa si Mama kaya naman ay hinila ko na ang bata sa akin at pumunta na kami doon sa pintuan.

Itinaas ko ang kamay ko upang kumatok nang tatlong beses. Kaso...

Bumukas ang lagusan tungo sa mundo ng mga namic! Char! Bumukas ang pintuan at sumalubong sa saan ang naiinis na mukha ni Kuya Camelot. Nang makita ako nito ay lumaki ang mata ni Kuya at sumugat ang ngiti sa labi nito.

Tsk! Kita mo nang di talaga nag-alala itong kapatid kong ito sa akin. Kapatid ko ba ito? I need a confirmation. Manghihingi ako ng DNa test kung kinakailangan. Paki-notif nalang ang writer nito kung sino man siya. Eme lang.

"'Ma, andito na si Lawrence!"

Sabay na lumaki ang ilong at mata ko nang isang kabig lang ni Mama Aubrey ay lumupaypay ang kuya Camelot ko sa tabi. May kalakihan kasi ang mother ng prettyness ninyong bida-bida. O-uhm!

Nanubig ang mata ko at yumakap kay Mama Aubrey. Humagulhol ako sa gitna nang yakapan namin ni Mama dahil ang baho niya. Char! Akala ko kasi made-deads na ako kanina. Akala ko prologue palang at papatayin na ako ng sumulat ng story ko. Hindi ko pa nga kilala ang male lead ko may balak nang papatayin na ako. Eme lang!

El Grande Series 4: Xavier FaleiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon