CHAPTER 11

3.4K 179 63
                                    

Chapter 11

Mark Lawrence Pov

I'm still in own? Owe? Awe? Aw? Aw? Awkward? Tsk! Gulat pa rin ako sa babaeng bumungad sa amin ng aking bibi Zion. At kagaya ko na may precious face at pang kabog na katawan. Bakas din sa mukha ng ate girl ninyo ang gulat at... pagkadisgusto nang makita ang aking precious face. Well, the feeling is mutual. Hindi ko rin siya feel na magustuhan.

Istrikta nitong pinagkrus ang braso sa harap ng kanyang dibdib na walang Mount Makiling. Hindi binayayaan ang inyong ate girl. Tinaas niya ang kilay at mata sa mata akong tiningnan bago niya pinasadahan ulit ang aking pang Miss Universe na katawan.

Pero in all fairness naman si Ate Girl ninyo ay... kagaya ko nga may precious face (maganda) rin. She has a slender body and really white skin. Bagsak ang kanyang maitim na buhok na hanggang balikat. Very natural ang kanyang hair! Ang kanyang suot na beige dress ay yumayakap ng husto sa kanyang maliit na katawan. Pero parang familiarization (pamilyar) ang kanyang mga mata.

Maganda ang ate girl ninyo pero never akong nakaramdam ng security (insecurities) dahil alam ko na mas precious pa rin ako kaysa rito. I know my price tag (worth).

"Ate Xaña!" sigaw bigla ni Zion sa aking tabi at bumitiw mula sa aking pagkakahawak.

Sinugod ni bibi Zion ang ate girl at saka mabilis na yumakap si Zion sa hita nito.

"Z!" Umupo si Ate Girl at niyakap si Zion.

Nagyakapan silang dalawa sa harapan ko and I feel betrayed.

"How are you?" tanong ni Ate Girl at yakap-yakap pa rin si Zion.

"I'm fine po, Ate Xaña."

Pinanood ko lang ang kanilang drama sa aking harapan. Naging invisible bigla ako sa kanilang mundo.

Kumalas sila sa kanilang yakapan. Sunuri ni Ate Girl ang katawan ng aking bibi Zion.

"Pinag-alala mo kami, Z. Sobra kaming nag-alala no'ng nawala ka. Ano ba ang nangyari, Z? Tell us." Batid ko ang pagsusumamo ni Ate Girl kay Zion na magsalita at sagutin siya kaso yumuko lang si Zion at umiling.

Ganyan din siya kapag tinatanong ni Xavier. Ayaw niyang magsalita. Nangangati na nga akong ipatingin na rin ang bata sa espesyalista para matulungan ito sa kanyang trauma kung meron man. Kaso kahit na gano'n ayaw ko namang pangunahan si Xavier sa kanyang mga hakbang na gagawin sa anak niya. Yaya lang ako. Siya ama.

"Pumasok muna—" natigil si Ate Girl nang mapansin na nakatingin pa rin ako sa kanila. "Who are you again?"

"Coming all the way from the Province of Cebu, Mark-"

"Si Mami Lawrence ko po, Ate Xaña. Mami, si Ate Xaña po, kapatid ni Daddy."

Natuptop ko ang aking labi. O.M.G! Ang dami ko nang mga naiisip tungkol kay Ate Girl kanina pero heto't kapatid pala ito ni ultimate crush! Kaya naman pala super precious niya! At kaya rin pala super familiarization niya kasi kapatid siya ng aking iniirog!

That means hindi nagbibiro sa akin si Xavier no'ng sinabi niya na may mga kapatid siya!? O.M.G! Dalandan talaga real na real!

"Pak! Pak! Ganern-ganern, dong?"

"Yes, mami! Pak! Pak! Ganern-ganern po!"

"I get it. Ikaw ang bagong yaya ni Z from  Cebu?" saad niya at napatango-tango. Huminga siya ng malalim.

Matagal bago nagsink in sa aking utak na kapatid talaga ni ultimate crush itong nakakausap at naharap ko ngayon.

Oh my god! Sister-in-law ko pala ito!

El Grande Series 4: Xavier FaleiroWhere stories live. Discover now