CHAPTER 9

2.6K 180 71
                                    

Chapter 9

Xavier Pov

"May isa ka pang shot para sa TV commercial mamayang hapon, Xavier," Cesna stated as I sat on my chair.

Sinimulan na ng make-up artist ko na tanggalin ang konting make-up na nilagay sa akin kanina para sa shot ko sa ibang brand ng alak. It only takes a few shots and the director wraps it up.

"What particular TV commercial?" I asked, closing my eyes so that the make-up artist can do his job on my eyes.

"Para sa isang toothpaste. Kasama mo pala dito si Donna."

My brows knitted.

"Really?"

Donna was my love interest sa isang movie na aming niluluto ngayon. Alam kong kasama lang ito sa trabaho ko pero nakakapagod din. Nangangalahati na kami sa aming movie at sa ilang na-leak at behind the scenes na mga videos namin together ni Donna, people were already raving and pairing us up.

Nakailang loveteam na ba ako sa buong taong kong pag-aartista? Eight? Nine? I don't know. Wala man akong loveteam or meron, I already established my name in this industry. But this matter really was inevitable. Single man ako o hindi kapag may bago akogg nakakasama sa movie or TV series talagang pinagpapares ako.

Tinanguan ko na lang si Cesna sa mga sinasabi niya.

Ngayon ay nasa sasakyan na kami tungo sa sunod kong shot nang magising ako sa pagwawala ng aking telepono. Kinapkap ko sa aking bulsa ang telepono. Nakita ko na ang tumatawag sa akin ay ang number ng bahay. It must be important.

I scrolled up to answer the call.

"Yes," came my firm answer.

"S-sir..."

Kumunot ang noo ko at umayos sa aking pagkakaupo. I looked at Cesna acrossed me na may binabasa sa kanyang Ipad.

"Who is this?" Tanong ko. Kita ko ang pagkunot noo ni Cesna sa harap ko.

She mouthed 'who,' and I just answered her with a shrug.

"Sir, si Arianna po ito. Isa po siya sa mga kasambahay ninyo."

Napatango ako.

"Yes, I remember you. What's the matter? Is it Z? Ano na naman ang ginagawa nila ni Lawrence?"

"W-wala po sir. S-si ma'am Kyline po kasi sir sumugod dito at gusto niya pong kunin si Zion."

Mabilis akong napatayo. Umuntog pa ang ulo ko sa sasakyan. But that's the least I care about now.

Agad kong binuksan ang window shield na siyang naghihiwalay rito sa likod at sa diver's seat.

"Stop the car!" Turan ko sa aking driver. Lito man ito pero tumigil din.

"What's happening Xavier?" Cesna asked, confused.

Hindi ko binalingan si Cesna.

"Nakuha niya si Z?"

"H-hindi po sir kasi lumabas po sila ni Lawrence kaso... kaso mukhang hahanapin po ni ma'am Kyline si Zion, sir."

"Okay. Uuwi na ko. Please keep my son away from Kyline, Arianna."

"Okay po, sir. Hahanapin na rin po namin sila ni Lawrence."

Tiningnan ko si Cesna na gulong-gulo ang mukhang nakatingin sa akin.

"I need to go home, Cesna. I have an emergency at home. Zion needs me."

Walang pag-aalinlangan na tumango si Cesna sa akin. At nag-U turn kaagad ang van sa daan tungo sa bahay ko.

El Grande Series 4: Xavier FaleiroWhere stories live. Discover now