CHAPTER 4

3.3K 196 34
                                    

Chapter 4

Mark Lawrence Pov

Alam ng Dios kung gaano ko kagustong makita in person, in flesh itong si Xavier Faleiro. Ultimate idol. Ultimate crush. At ultimate asawa ko kasi itong si Xavier sa imagination ko. Saksi ang mga guardian angels ko kung papaano ko dasalan ang mga pictures ni Xavier sa kwarto ko. Saksi ang mga guardian angels ko kung papaano ko sinimba ang mga poster ni Xavier sa kwarto ko sa sobrang pagka-crush ko dito. Ultimo picture niya sa dyaryo noon ay ginupit ko nga para ilagay sa notebook ko. Halos kulamin at gamitan ko na nga ng gayuma maging akin lang siya! Charot lang ang huli. Zion's pretty Mami would never do such ridiculousness.

Kaso bakit ngayon na nasa harapan ko na siya ay wala akong maramdaman kahit na anong saya at kilig. Bakit imbes na gumulong ako ngayon dito sa sahig at umiyak sa tuwa ay nangangamba ako at nalukungkot?

Ito na Lawrence. Ito na 'yong dinadasal mo gabi-gabi na sana makita mo ang idol mo. Dapat nagpa-autograph at nagpa-picture na ako ngayon kay Xavier na nasa kabilang upuan lang.

"You are Mark Lawrence? The one who saved my child." anito at sumilip kay Zion na nagtatago sa likuran ko.

Niyayakap na ako ng bata mula sa likod ko at binaon ang mukha doon.

Bakit ganito Lord? Ang saya pa naman namin kanina ni Bibi Zion. Bakit wala ka namang pa-warning d'yan na ito na pala ang magiging last day namin together? Bakit ngayon na 'di ko na iniisip na may kukuha kay Zion ay saka pa dumating itong si Xavier Faleiro? At... anak niya si Bibi Zion. Lord, bakit wala sa Wikipedia na may anak na si Xavier? Ginoogle ko naman lahat ng infos ko kay Xavier pero wala namang nagbanggit doon na may anak na siya. Grabe namang surpises ito. Hindi yata kayang i-take ng brain ko.

"Nakita lang ng anak namin si Zion sa gubat, Sir." Kuya Camelot vouched for me when I cannot find the right words to say. I think my tongue just got tied inside my mouth.

Unknowingly, my tears started to fall like rain onto my cheeks.

"Ire-report naman sana namin si Zion sa mga awtoridad. Dinala na namin si Zion sa presinto para isuko at para na rin sana magreport kaso... umiyak ang bata at nagmakaawa na huwag iwan doon. Kaya... k-kaya binalikan ng anak kong si Lawrence doon." Paliwanag ni Mama Aubrey kay Xavier.

May kasamang isang lalaki at babae itong si Xavier. Ang isa, iyong babae ay alam kong manager niya at iyong isang lalaki naman na nakatayo lang ay parang bodyguard? Driver?

"We've been looking for Zion for two weeks now. I really don't have enough sleep, thinking that my child is gone. And seeing him very well in your abode somewhat makes me feel relieved." Ini-english niya kami. Akala niya ba hindi kami nakakaintindi noon? Fuckshiterist niya dahil naiintindihan namin siya!

"Bakit? Bakit napunta doon sa gubat si Zion? Saka ikaw ba talaga ang ama niya? Nasaan ang ina niya? H'wag mong sabihin na iyang manager mo ang ina?" I jabbed at Xavier, na kinagulat nilang lahat! Kahit si Xavier Faleiro ay nagulat na ang isang tulad ko na mukhang dalagang Filipina ay kayang magwala!

Lahat sila ay natahimik at kapwa lang nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ko!

Tumikhim si Xavier.

"Mr. Alipalo it's not what you think it is. Hindi ang manager ko ang ina ni Zion. And yes, ako ang ama niya. Zion can prove that to you." sagot niya sa akin nang makabawi sa pagkagulantang.

"Salamat, Lawrence. Salamat sa mga messages mo sa IG ko. Dahil doon nahanap ko ang anak ko. Salamat sa pagligtas sa kanya. Salamat sa inyo na inalagaan ang anak ko. Ngayon, kukunin ko na siya sa inyo."  sabi niya at nawala ang paki ko doon.

El Grande Series 4: Xavier FaleiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon