CHAPTER 2

3.6K 190 35
                                    

Chapter 2

Mark Lawrence Pov

Bilang isang ulirang ina at single mom, hindi madali para sa akin ang buhayin mag-isa ang anak ko. Lalo na't napakamahal ng mga bilihin ngayon. Pero syempre entry ko lang 'yan. Ang totoo ay 'yan ang nafe-feel ng mother ko ngayon. Hindi man sabihin ni Mama pero alam kong mahirap magpalaki ng tatlong anak na puro lalaki ay wait may nag-iisang binibini pala at ako 'yan.

Hindi ko maintindihan ang self ko. Kanina ay handa na naman akong iwan itong si Zion doon sa gubat. Okay lang naman sa akin na ipakain siya doon sa mga lamok. At least doon makaka-donate pa siya ng blood sa mga lamok. Libreng inom pa ang mga lamok doon sa fresh blood ni Zion. Kidding! Ngayon na tinitingnan ko si Zion na mahimbing na natutulog at nakayakap sa unan ko. Nahahabag ako sa sinabi kanina ni Mama Aubrey. Ayaw ko ng pakawalan ang bubwit na ito.

Kagaya nga ng sabi ko kanina single mom na si Mama Aubrey, isang ulirang ina at mahirap lang kami. Naghihirap kami sa everyday life namin kaso ayaw kong pakawalan ang bata na 'to. Alam kong dagdag palamunin itong si Zion pero kasi... nafe-feel na ng powerness ko na may pinagdaanan ang bubwit na ito.

Noong pauwi kami dito kahit na nag-aalala ako kung makakauwi pa ba kami o hindi dito ni Zion sa amin. Nararamdaman ko ang takot ng bata, parang ayaw niya bang mawalay sa beautyness ko. Sa pamamagitan ng hawak niya sa akin, alam kong ayaw na akong pakawalan nitong si Zion kanina.

Humiga ako at tumabi kay Zion na may malaking tshirt, parang whole dress na niya iyon sa laki at haba noon. Hinaplos ko ang pisngi nito. Tama nga si Mama Aubrey, tingin ko hindi talaga tinapon itong si bibi Zion. Ang kinis ng mukha niya. Ang puti at may pagka-pink pa ang face niya. Nakakainggit naman ang mukha nito. Matanong kaya ito kung ano ang skin care nito at para ma-apply ko sa self ko.

Kanina nang sinabi ni Mama Aubrey na ihahatid namin bukas sa presinto si Zion ay nalungkot ako bigla. Siguro dahil nangulila ako ng kapatid. Mahirap kaya ang bunso. Ikaw lagi napag-uutusan sa bahay.

Sa pag-iisip ko ng mga bagay na maaring mangyari bukas kapag hinatid na namin si Zion sa presinto ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napagod din yata ang brain ko kakaisip.

Kinabukasan, naalimpungatan ako na may nararamdaman akong mainit na hangin na tumatama sa bandang dibdib ko. Naka-sleeveless shirt lang kasi ako at pj kapag natutulog.

Kahit na ayaw ko pang idilat ang mata ko o gumising ay napilitan ako kasi nakikiliti ako doon.

Nang maimulat ko ang mata ko, nakita ko si Zion na mahigpit na nakayakap sa akin at ang mainit na hangin pala na naramdaman ko ay nagmumula sa kanya. Ang hininga niya pala iyon.

Naramdaman siguro ng bata ang titig ko sa kanya at napamulat ito.

"Good morning, mami!" bati nito sa akin. Nagulat naman ako nang bumangon ito at matunog na humalik sa pisngi ko.

"G-good morning, dong." bati ko dito. Infairness nagulat ang beautyness ko doon sa ginawa ni bibi Zion sa akin. Ang sweet nitong batang ito.

Muli itong humiga sa tabi ko. Sumiksik pa sa akin. Feel na feel niya na anak ko siya. Gosh!

"Mami," binaba ko ang tingin ko dito. Nakatingala siya sa akin.

"Yes, dong?"

"You like that guy, mami?" anito saka tinuro ang mga poster ni Xavier Faleiro na nakapaskil sa dingding ng buong kwarto.

Tumingin ako doon sa mga poster ko kay Xavier. Idol na idol ko talaga si Xavier. Siya ang lang ang ultimate celebrity crush ko. Kapag nga tatanungin ako kung sino ng crush ko. Di ako nagdadalawang isip sa pagsagot ng Xavier Faleiro. Hindi ko lang siya crush at idol dahil sa kanyang hitsura. Magaling kasi siyang artista, singer, at model pa. He have the beauty, the talent and the brain. Nabalita kasi noon nang grumaduate siya na latin honor. Umiyak pa nga ako noon, e. Ganyan ako kabaliw kay Xavier. May mga bago na namang dating sa industriya na mga artista kaso para sa akin number 1 talaga si Xavier. Hihihi! Kapag nakita ko siya sa personal ay baka gumulong-gulong ako at ngumuwa. Nakakainis kasi dahil di ko afford ang mga concert niya. Hanggang tingin lang ako sa mga video clips na napapadpad sa Facebook.

El Grande Series 4: Xavier FaleiroWhere stories live. Discover now