CHAPTER 8

2.5K 156 39
                                    

Chapter 8

Mark Lawrence Pov

Ilang days na rin simula no'ng hot encounter namin ni Xavier. Eme! It's been five days since that night pero tandang-tanda ko pa rin ang sinabi ni Xavier sa akin. For the first time, tumatak talaga sa isip ko na si Xavier na ang the one ko. Char! Sa unang pagkakataon ay maayos ang sinabi niya sa akin. Walang keme pure intentions niya.

Well, hindi ko naman talaga kilala ang isang Xavier Faliero except sa mga napapanood at nababasa ko online. Mahirap naman kasing paniwalaan ang mga iyon, 'di ba? Baka scripted lang o pakitang tao lang. Forda views. Forda fans. Forda pa-famous lang.  At no'ng nakilala at nakita ko nga in personality (personal) si Xavier. Masasabi kong masama ang ugali niya. Ang gaspang at ang masakit niya magsalita. Nakakahurt sa pusong ligaw ko.

Artista si Xavier kaya naman magaling siyang makipag-plastikan doon kay Mama Aubrey no'ng sinundo niya kami ni bibi Zion sa Cebu. Nonetheless, ultimate crush ko pa rin siya. Ang hirap niya palitan dito sa pusong ligaw ko. Pero gaya ng lagi kong iniisip, landi-landi lang ako ng konti kay Xavier pero alam ko kung saan ako lulugar sa buhay ng tao. Saka, pang-two months ang ang beauty ko detey sa big brother house ni Xavier. Ang pinakaimportante kong role rito ay ang alagaan si bibi Zion. Ang aking precious biik!

"Mami?"

Tingnan mo nga naman, napaka-sweet nitong biik namin.

"Yes, dong?" sagot ko kay Zion na nagc-colors doon sa kanyang coloring book niya.

Tinuturuan ko siya para naman hindi na sabihin ni Xavier na kabaliwan ang tinuturo ko kay Bibi. Para may ambag ako.

"You keep sighing, mami. Is there a problem po?"

Madamdamin kong pinukol ng titig si bibi Zion.

"Iniisip ko lang dong kung papaano ko lalandiin ang daddy mo."

Bumilog ang mata ko at biglang ibagsak ni Zion ang crayons niya. Tumayo ito at agad na kumandong sa aking hita. Tinago niya ang mukha sa aking dibdib.

"No! No! Don't mami. You can't like my daddy. You can only like bibi Zion!"

Napangiti ako. Biro ko lang naman iyon.

"Desisyonavility ka sa buhay ko, dong. What if si papi Xavier mo ang like na like ko?" pagbibiro ko pa rito.

Napaismid na lang ako nang humigpit ang pagkakayakap nito sa katawan ko.

"Only like bibi Zion, Mami. Okay?"

Tingningnan ko ito at kita kong seryoso talaga siya. Namumula ang mga mata niya at umaamba nang tumulo ang mga luha sa mga mata.

Hinalkan ko ito.

"Jokeness lang, dong! 'No ka ba. Knows ko na na hindi ako ma-like back ng daddy mo. Hanggang fan lang ako. Hihi!"

Ngumuso si Zion. Sinapo nito ang mukha ko gamit ang maliit at malusog niyang kamay.

"Bibi Zion likes you, Mami. Okay na na hindi ka like ni Daddy dahil like at love kita, Mami ko."

Tinanguan ko ang bata at pinugpog ng halik. Napuno sa tawanan namin ni Zion ang buong sala. Kaya hindi na namin natuloy ang aming study session.

Dahil trip kong maligo sa malaking swimming pool ng big brother house ni Xavier. Sinama ko na rin si Zion sa akin. Inaya ko pa nga ang ibang mga maids kaso ayaw naman nila. Nakikipag-plastikan lang naman sana ako sa kanila. Si ateng Arianna naman ay busy sa kanyang boyfriend.

Masaya kong pinanood si Zion na nakasakay sa malaking duck float.  Syempre, meron ding sa akin pero 'di pa kasi ako sumakay kay Xavier muna ang byahe ko. Charz!

El Grande Series 4: Xavier FaleiroWhere stories live. Discover now