CHAPTER 10

2.6K 150 30
                                    

Chapter 10

Mark Lawrence Pov

Kung iguguhit lang ang mukha ko ngayon, kahit siguro ang pinakamagaling na pintor sa buong mundo ay 'di kayang iguhit ang aking precious face.

Matapos kong ibunyag kay ultimate crush ang gusto kong gawin niya upang tanggapin ko ang sorry niya ay tinawanan niya lang ako. Ang halakhak ng isang Xavier Faliero ay nag-echo ata sa buong silid.

"Tapos ka na?" matabang kong wika rito nang unti-unti nang humina ang tawa nito.

Naging speechless lang siya kanina ng isang segundo at saka pinakawalan ang kanyang tawa. Tawang-tawa ang crush ko sa akin pero hindi ko iyon kinatuwa 'ni katiting.

"Seriousness ako." I crossed my arms, ngumiwi ako nang masagi ng kamay ko ang mga kalmot ni Bruhildang Kyline sa aking braso.

Napalunok ako ng walang sa oras ang mapatitig sa akin si Xavier. Parang pinag-aaralan niya ng face ko— pinag-aaralang mahalin at halikan. Eme!

Tinitigan ko rin ito. Baka kasi akalain niya wala akong guts?

Minsan talaga ay natutulala na lang ako at napaisip kung paano naging posible ang ganito ka gwapong mukha ni Xavier. Hulmadong-hulmado ang kanyang makapal na kilay. Tsk! May pagdududa ako rito sa kilay ni ultimate crush. Baka peke ito. Artista pa naman ito.

Napalabi ako nang dumapo ang mata ko sa kulay rosas na labi ni Xavier. Umiling ako nang pumasok sa isip ko ang isang kissing scene ni Xavier. Kahit kasi kulay rosas iyon ay namumula iyon kapag... eherm, kinakagat. Nang kumurap si Xavier ay lumipat ang mga mata ko sa kanyang mahahaba na pilik mata. Akala ko talaga noon extension lang iyong pilik mata niya kaso dalandan pala iyon, real na real. At kaya maraming humihimlay na babae at mga bakla rito kay Xavier dahil iba rin talaga ang mata nitong kulay asul. Parang pacific ocean lang. Tsk! Tsk! Kaya yataps na yataps ako rito, eh.

Namatay ang pagpantasya ko sa mukha ni Xavier nang walang ano-ano'y lumagapak ang daliri nito sa aking noo. Pinitik nito ang noo ko!

"Aray! P*ta-"

Nalunok ko ang aking sasabihin nang isampak ni Xavier ang sarili kong kamay sa aking bibig.

"French kiss in your dreams, Lawrence. I would never do that." Pagpatay nito sa aking pangarap na ma-french kiss siya.

Pinahid ko ang aking basang kamay sa sariling laway sa kobre ng kama ko.

"Ang damot! Ang sabihin mo nandiri ka lang sa tulad ko," saad ko na at inaawan ko ng todo ang boses. Kulang nalang ay lumabi ako sa kanya.

"Tulad mo?" Maang-maangan ng mahal ko. Eme lang ulit.

"Na... bakla... ako."

Umiling ito at huminga ng malalim. Itinuko ni Xavier ang dalawang kamay sa kama at saka tumingala.

Kita ko ang pag-alon ng kanyang Adam's apple. Bumaba naman ang mata ko sa kanyang malapad dibdib na tumataas-baba. Ang lapad no'n at ang sarap yakapin! Pagtalaga ako mainis dito 'di niya masisi kung makagat ko iyong dibdib niya. Sobrang lapad!

Papaanong nagawang pakawalan ito ni Kyline? Binuntis na siya ni Xavier, nagkaanak na sila, magiging pamilya na sana sila pero, bakit nasira pa ito? Bakit hinayaan niyang masira ang kanilang pamilya?

Aaminin kong hindi talaga maganda ang ugali ni Xavier. Yes, hindi siya mabait for me. Plastik si Xavier. Charoot! Alam kong may kabaitan din si Xavier kahit papaano at masungit lang talaga siya tingnan dahil sa palagiang pagtaas niya sa kanyang kilay. He looks intimidating and proud man. Parang hindi siya ang tipo na lalaking nagpapauto at madaling madala.

El Grande Series 4: Xavier FaleiroWhere stories live. Discover now