Kabanata 7

41.8K 2.4K 1.3K
                                    

Kabanata 7

Sino bang p'wedeng bayaran para saksakin na lang ako at mamatay? Sino?!

Tuod na ako kanina matapos marinig ang sinabi niya. Natulala ako. Napanganga. Baka nahimatay pa nga ako kung 'di ko lang narinig ang yieee ng mga kaklase at naramdaman ang hampas ni Eunice sa braso ko.

"Naku, Pres., iba na 'yan," sipol pa ni Eunice.

Nanatiling nakatitig sa akin si Damon at tinitigan ko rin siya pabalik nang narinig ko ang boses.

"Dame," malambing na tawag ni Mindy at hinawakan ang braso niya. Nahulog ang tingin ko ro'n at umiwas, pumipintig ang ulo.

"What?"

"Tawag tayo ni Dean," ani Mindy.

Naramdaman ko ang sulyap pang muli ni Damon bago tumayo at sumama sa kanya at nang mawala na sila sa paningin ko ay hinila ko pabalik ang upuan ko kay Eunice at sumandal sa balikat niya.

"Oh, bakit?" mahinang tanong ng kaibigan, "okay ka lang? Masakit ulo mo ba?"

Nagkibit-balikat lang ako at tahimik na nanuod sa stage.

"Boss?" ani Jere at Junard.

"Oh?" ngumisi ako nang nilingon sila, "galingan natin mamaya, ah? Dapat 'di tayo papatalo sa mga ibang seksyon!"

"Weirdo mo, Revel," ani Eunice, "'di ka ba kinilig sa sinabi ni Pres.?"

"Kinilig?" mahina akong tumawa at sinapak ang braso niya, "baliw, sinabi niya lang 'yon kasi nand'yan si Mindy."

"Ohhh... paano kapag hindi?" tinaasan niya ko ng kilay.

"Impossible," nagkibit-balikat ako sabay baling sa dalawa, "wala ba kayong gagawin mamaya? Piso net tayo?"

"Ayon!" humalakhak sila, "'yan gusto namin sa 'yo, boss, eh. H'wag nang piso net. Sa com shop na lang tayo. Daanan ko mamaya si Ate do'n sa computer, pa-reserve ako."

"Reserve, may pambayad ka ba agad?" busangot ko kay Junard.

"Sus, wala ka bang tiwala sa 'kin, boss?" tumawa siya at pinalo ang braso ko, umangil ako. "Nagagwapuhan sa 'kin ang nagbabantay ng com shop kaya papayagan ako no'n. Isang kindat, isang reserve."

Ngumisi ako at sinapak siya pabalik.

"Tang ina naman, boss, ang sakit mong manghampas! Boksingera ka ba?"

"Para sa 'yo, sige," muli ko siyang sinapak at nagkatawanan kami.

"At nagwre-wrestling na naman sila," iling ni Eunice.

"Aray!" reklamo ni Junard at ginantihan ako ng palo pero nahuli ko ang ulo niya't inipit ang leeg na parang sa wrestling. Lumangitngit ang upuan ko.

"Students in front, quiet," muntik na akong mapatalon at mahulog sa upuan nang marinig iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Damon sa stage, hawak ang mikropono at malamig na nakatitig sa amin.

"Sorry, Pres.," ani ng mga taong nagdadaldalan din sa may pwesto namin pero bakit parang 'di sila ang sinasabihan?

Saglit kaming nagtitigan. Nakaigting ang panga niya at tumaas ang kilay ko bago nag-iwas, humahalukipkip at pinagkrus ang hita, isinasandal ang likod ko sa upuan.

Problema nito? Masama ba maging masaya?

"May regla ba jowa mo?" bulong ni Eunice.

"Anong jowa?" iritado ko siyang siniko, "hindi ko 'yan jowa."

"Edi crush?" Sinimangutan ko siya. Mas ngumisi siya at kinindatan ako. "Sige, hindi na. Hindi na. Pero ang moody, ah? Sweet kanina tapos tignan mo, suplado na naman ngayon."

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon