Kabanata 29

51.4K 2K 776
                                    

Kabanata 29

After finding out the truth about Damon and Mindy, umiwas ako. Hindi dahil sa galit ako sa kanya. Galit ako sa feelings ko, dahil naguguluhan ako. Dahil hindi pa rin talaga ako sigurado sa lahat-lahat ng 'to.

Damon did whatever he think was good for me before. They all did. Si Mama, ang mga kaibigan ko. Para sa 'kin pero wala namang masamang isipin munang mabuti, 'di ba?

Isa pa, Damon didn't have the chance to look for someone else—but what if he chose not to? What if it was really me from then and now?

It hurts seeing the pain on his face seeing me having lunch with Nolan but not with him yet he didn't force me or anything. He just let me.

I excused myself, exhausted and sleepy. Kukulitin ko si Nurse Anna para patulugin ako sa clinic at sabihin sa maghahanap na natatae ako or something.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," she chuckled and brushed my hair. "Gusto mo ba ng gamot sa sakit ng tiyan mo?"

"Ay, 'di na, Nurse. Tulog lang katapat nito," I wiggled my brows and we both chuckled.

"Oh, siya, expert ka, ah! You can rest at that bed." Tinuro niya ang dulo, "para walang istorbo at medyo maingay ngayon at may bisita."

"Bisita?" Kumunot ang noo ko.

"Oo, kausap ng coach n'yo," turo niya sa kung saan. "Si Atlas, kilala mo, 'di ba? Kapatid ni Damon?"

Umawang ang labi ko at mabilis na napatango.

"Nandito siya?"

"Oo, bumisita. Galing sa Mama nila tapos dumiretso dito, gusto mo makita?"

I blinked and thought of it. May karapatan ba ako? Ayos lang ba? After I rejected his brother, ang kapal naman ng mukha kong—

"Ate Revel!" I jumped, my eyes widening upon seeing his familiar face.

"Atlas?" My mouth parted, "ikaw na 'yan? Ang laki mo na, ah! Dati mukha ka lang lampa?" I exaggeratedly lowered my hand to show him his height—na hindi naman talaga gano'n at sabay-sabay kaming nagtawanan.

"Mapanlait! Ate ko nga 'to!" Sabay lapit niya't yakap sa akin.

I chuckled and hugged him back; his massive body made me feel like I'm a figurine.

Lumayo siya't hinanap ang mukha ko.

"Ang ganda mo na 'te, ah? Naalala mo dati mukha kang tambay sa court?" He smirked.

Bumusangot ako, inambahan siya ng sapak sabay tingkayad at abot sa buhok niya. He lowered his head and let me mess with his hair.

"Ang yabang, oh! Ikaw nga bumabaldog lang sa putikan noon, 'di ka na ba lampa?"

"Oh, nahulog sa putikan?" ani coach, "akalain mo 'yon, dati ka pala lampa, Atlas? Akala ko kapag nandito lang si Lia—"

Biglang malakas na umubo si Atlas na pinanlakihan ng mata si coach.

"Ohhh...don't tell me she was there—" nagpabitin siya na ipanagtaka ko pero 'di na nagtanong. The latter just smirked and offered the sofa, "upo muna kayo."

Habang nauupo ay nagpatong ng baso si nurse sa lamesa at si Atlas na ang nag-refill sa 'kin ng juice at inabot.

"Salamat, bata," I mumbled.

"Bata pa rin?" Ngumuso siya. "Ang tangkad ko na nga, Ate! Mas pa sa 'yo tapos bata pa rin tawag mo sa 'kin?"

"Oh, anong gusto mo, Totoy?" I asked. Mas bumusangot siya.

"Joke lang, okay na pala 'yong Bata. Kay Kuya Hunter na lang 'yong Totoy," tumango-tango siya at habang naka-side view ay pinagmasdan ko siya.

He looked a lot like Damon. His intense black eyes, his hair, even his height. Mas matangkad nga lang si Damon sa ngayon kaysa sa kanya ng kaunti pero 'di rin naman pansin kung 'di mo sila kilala't kabisado.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon