Kabanata 30

54.4K 2K 681
                                    

Finally! This is MaMon's last chapter in Boss Revel's P.O.V.! This story is really special to me. I enjoyed writing every second of it and thank you, for patiently waiting at tamad ang author ng story ni boss. Actually kung 'di niya 'ko inabangan sa kanto baka sa 2024 ko pa 'to matatapos HAHAHA! Wakas will be in President's P.O.V.! Hopefully, by next week. Enjoy!

--

Kabanata 30

"Hoy, Damon, anong ginagawa mo? Lowkey lang dapat, 'di ba?!" bulong ko kay Damon nang i-corner niya 'ko sa library ng school.

Hindi ko siya nakita buong araw. Tapos na ang work ko sa site at nasa library ng high school lang ang boyfriend ko...

Naks, boyfriend! Ang yabang ni Revelia, oh? Buti na lang talaga mahal ako no'ng author no'ng story ko!

Kahit inalipusta niya ako, inulanan kapag nagda-drama at pinagkaitan ng glowstick no'ng una pero nabawi naman niya. Ayoko na mag-comment pa at baka kung totoong may gumagawa nga ng story ko baka gawin pang tragic!

Ganito mga plot twist sa Wattpad, eh! 'Yong akala mo happy ending na tapos tatawid siya tapos nasagasaan tapos boom! Amnesia!

"Saan na naman lumilipad ang utak mo, Princess?"

I snapped and glared at Damon. Ibinaba niya ang ulo niya para ipantay ang tingin namin.

"Why are you sneaking around, love?" he said in a low voice.

"Busy ka, eh," sagot ko at inangat ang kamay para abutin ang eyeglasses niya at tinanggal.

Busy siya kakatapos ng Finals Examination nila this semester sa college. Nagsusunog ng kilay at seryosong nagta-type sa laptop niya, suot ang salamin at walang nakikita sa paligid kaya naglakad ako patago para kunwari maghanap ng libro at silipin siya.

Then a student came to ask me the location of history books at dahil hindi naman ako huwarang estudyante noon, 'di ko alam kaya tinuro ko ang librarian.

"Pasensya na, be," I told the kid, "nagla-library lang talaga ako dati para matulog."

Nagkatawanan kami at nang umalis na siya'y muli kong ibinalik ang tingin kay Dame pero wala na siya.

My forehead creased.

Nasaan na 'yon?!

I looked around when I got pulled somewhere from the back and ito na nga kami. Nahuli ako ni Sir na pasilip-silip sa kanya!

Nakasandal ako sa may bookshelf at nakatayo sa harapan ko si Dame, nakatungo. Ang isang palad niya'y nasa itaas ng ulo ko at napapikit sa ginawa kong pagtanggal ng salamin niya.

"Kanina ka pa nakaharap sa laptop mo, 'di ba sumasakit ang mata mo?"

"A bit," he mumbled, still with his eyes closed.

I tiptoed and kissed his closed eyes. I caught the small smile escaping his lips as he tugged my waist closer to him to plant a gentle kiss on my cheek.

"I love you," he breathed.

Nag-init ang mukha ko bago tumango at niyakap siya, "I love you, too. Uuwi na ba tayo?"

He was staring at me when I lifted my head up.

"I have to pass a hard copy within this day so..." he sighed and rested his forehead against mine. "Where will you stay tonight? Your place or ours?"

My heart jumped.

"Ours?"

"My house's yours, too." He smiled, "and my pretty girlfriend's been planning renovations at para buhay na raw ang bahay so yes, it's ours."

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon