Kabanata 15

43.2K 1.7K 1.2K
                                    

Kabanata 15

Maraming magagandang babaeng kaedaran ko sa internet pero kahit kailanman ay 'di ako na-insecure o na conscious sa sarili kong itsura kaya bakit ako nakatulala sa salamin ngayon at pinoproblema ang kilay ko?

Makapal ba o tingin ko lang ay makapal?

Bumuntonghininga ako bumagsak ng upo sa kama, nakatitig pa rin sa mukha sa salamin.

Monday na Monday pero pinoproblema ko ang mukha ko!

Umalis na si Mama papuntang trabaho at naiwan akong nag-iisip tungkol sa kilay ko nang napatitig ako sa salamin.

Wala kaming pasok ngayon. P'wede kaming pumunta sa school para mag-library kung gusto naming mag-aral para sa 4th grading examination bukas dahil nausog ang exam sa halip na ngayon dahil napaaga ang graduation nila sa Damon sa M.O.C.C.

Nitong weekend lang nag-announce ang Dean na kailangang mag-asikaso ng graduating students ng requirements nila para sa college ngayong linggo. Mas nauna rin silang mag-final exam sa amin, no'ng nakaraang linggo pa at ngayon, nagmamadali na ata silang magpasa ng posisyon nila sa mga bagong officer.

Sa totoo lang ay p'wede akong h'wag pumasok at mag-aral na lang dito sa bahay pero bakit ako 'di aattend? Graduation nila Dame! Ang tagal din nilang nagpakahirap sa training para maging officers! Maagang pumapasok para mag-training at jog! Maraming natanggal at naiwan ang mga deserving. Kasama na roon sina Junard at Jere.

Kung 'di na lang kaya ako pumunta?

Mas nahila ko ang buhok at inihilamos ang mukha.

Kasama nga pala sa mga ga-graduate ang dalawang maasim kong barkada! Edi nando'n din si Eunice?

Naramdaman ko ang hapdi sa sikmura ko at pilit na ibinalik ang atensyon sa kilay kong nakakapalan ako pero pilit pa ring bumabalik sa nangyari nitong nakaraang mga araw. No'ng umalis sila at 'di ako inimbita.

Bakit ba nga raw ako iimbitahin kung sigurado silang 'di ako sasama?

Oo nga naman, Revelia. Ilang lakad na ang hindi mo nasamahan dahil sa busy at nag-aaral ka! Tapos ngayon masasaktan ka't 'di ka inimbita?

Pero... kung ako, kahit abala ang mga kaibigan ko, kung aalis ako aayain ko sila kahit 'di makakasama... at least, inaya, hindi ba?

Isinasama ko sila kapag nag-re-review kami ni Damon. Kapag 'di sila abala'y sumasama pero kapag may gagawin sila, hinahayaan ko. No'ng sa study group nina Mindy, tinanong ko siya kung p'wede ko bang isama 'yong tatlo at pumayag siya pero no'ng tinanong ko naman sina Eunice may gagawin daw sila kaya ako lang.

Gusto kong gumanda ang grades ko at gusto kong kasama sila ro'n. Kung tataas man ang section ko, A man o sa B, kahit C! Wala akong pakialam basta kasama ko sila. Masaya lang naman ang high school ko dahil sa mga 'yon kahit puro kami kagaguhan at maaasim sila.

Pero sa kabila no'n, gusto ko kasama ko sila.

Sa kagaguhan, pagka-cutting at pangongopya kasama ko sila pero ako ba...ako ba ayaw na nilang kasama?

"Tang ina ka naman, Revel," tumawa ako sabay punas ng mukha sa sleeves ng uniform ko. "Bakit ka umiiyak, ah?"

Kung h'wag na lang kaya akong pumunta?

Pero si Damon ko...

Siya ang dahilan kung bakit gumaganda ang grades ko, kung bakit sumaya ang Mama at Tita Riza sa performance ko. Miski ang faculty nga'y mabait na sa akin dahil sa mga grado at effective daw akong officer ng SSG.

Lahat 'yon ay nagawa ko dahil tinulungan ako ni Damon. Kung hindi dahil sa kanya baka tumatalon-talon lang ako sa pader na may suot na jogging pants sa ilalim ng palda dahil 'di ako pinapasok ng guard at walang ID.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon