Kabanata 14

37.9K 1.8K 650
                                    

Ayan naaa! Malapit na tayo sa exciting part! HAHAHA! Anywayyy, posted na ang Page 4 ng HN Files: Behind the Notes Podcast! Let's talk about Mikmik boys!

--

Kabanata 14

Eunice M. Panada is feeling happy with Junard Macho and Jeremiah Legazpi at Basilica De Nuestra Señora

GuD äfTieeee...! MxtA kAu...? ^___^

TämaNq pRäy lNq keii bhösZx J b34öre exAmzz...!🙏🙏🙏 SaNäH mHatäaZ äNq gRädesz sa 4th gRädInq. Pr4y p3rS, ärAL laTurxz.

#TiW4l4Lnq #LOrD #Pr4y

Sa ibaba no'n ay picture nilang tatlo na naka-peace sign, ang background ay ang kulay brown at maganda pero pinaglumaan ng pader ng Basilica of our Lady of Piat.

Bumuntonghininga ako at mabilis na nagtipa.

Revel Santo (cH1kaH_Loc4H_24): iNqqiT aKuüuü....

Eunice M. Panada (LhAdy_m4sqüeRad3_cüTiee): bHüsy kHa käxii eiii....! SäYaNq daMi foGiii d2. XD

Jeremiah Legazpi: ÜÜ nqAh....

Eunice M. Panada (LhAdy_m4sqüeRad3_cüTiee): äftEr NhA Lnq nq exAm! GaLA täu...

Revel Santo (cH1kaH_Loc4H_24): Okiie XD

Junard Macho: BhOszx @Revel mHaii kTa kMinq estAtWa ni MöJojojö..! aLaLa kHa nMin... :DDDDD

Lumabi ako. Mga gagong 'to, kakalabas pa lang ng simbahan, demonyo na kaagad!

"Number 8, magta-time na!" sigaw ng nasa counter. Humugot ako ng hininga at mabilis na nag-log out. Tumayo ako para kunin ang pina-print ko sa counter.

Bagsak ang balikat habang papasok pabalik sa CSU, wala sa mood.

Nag-aya sila kaninang uwian dahil half day lang kami na magsimba sa Piat at magti-third grading na next week. Magdadasal para gabayan kami ni Boss J sa isasagot sa exam na naging ritwal na namin noon pang sophomore.

Kung hindi sa Tuguegarao Cathedral ay sa Piat kami at itong grading na ito lang akong pumalya. Excited pa naman ako, lalo na nang i-announce ni Ma'am Aquino ang tungkol sa half day dahil may meeting daw ang Teachers ngayon at pasahan ng final examinations papers.

Handa na akong sumama pero papalabas pa lang ako ng room ay dinaanan ako nina Alan na may meeting daw ang SSG. Wala si Dame dahil naroon sa Dean's office at si Mindy ang nag-meeting sa amin tungkol sa arrangement sa examination week next week.

As usual, ako ang nautusan mag-print ng mga materials para sa planong junior at senior school year-end party after ng exams namin.

Nitong mga nakaraang linggo ay napaka-busy ko bilang secretary ng SSG. Ang productive ko rin naman at naniniwala akong effective din. Sa ilang buwan kong pagiging secretary ay naisulong ko ang wash day namin para magpa-cute kay crush.

Nga lang, hindi ako pinayagan do'n sa kulay ang buhok, dalawang Nutribun at water fountain na Milo ang lumalabas.

Madaya...

Pero at least may isa, hindi ba? P'wede ko namang ilaban na lang ulit ang mga 'yon sa 4th year, hindi ba?

Kung walang meeting at gagawing program, aantayin ko si Dame matapos ang training sa M.O.C.C. at sabay kaming uuwi o 'di kaya'y nasa library para mag-aral ng recap sa mga nahirapan akong subjects sa araw na iyon.

Ilang lakad na ang hindi ko nasamahan sa mga barkada ko, miski nga bilyaran 'di ko na nabisita. Ni mismo ang Sims ko hindi ko na nalaro, baka namatay na ang character ko ro'n at naangasan na 'ko sa rank ko sa Tetris.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon