Kabanata 26

47.3K 1.9K 694
                                    

Kabanata 26

Nakaupo ako sa plastic chair sa loob ng university malapit sa may gate, pinapanuod ang malakas na ulan na bumalik na naman. Dinala ako ni Damon dito matapos kong maging tanga at nagtampisaw sa putikan na parang mga biik.

Iritadong pinunasan ko ng sleeves ng blouse ko ang pisngi kong nangangati.

I heard footsteps, the presence enough to make me stop breathing. Tumayo siya sa harapan ko kaya inangat ko ang tingin at lumabi.

"Edi ikaw na bagong hilamos," reklamo ko, pinapansin ang mukha at leeg niyang wala ng putik pero halata pa rin ang putik sa damit niya.

"I just washed a bit," aniya sabay haplos sa buhok ko na parang bata. Nang makita ko ang pagpipigil niya ng ngiti ay hinampas ko na ang kamay niya paalis.

"N-ngiti-ngiti mo r'yan?! 'Di ka ba aware na ginagamit ang putik sa mukha? Libreng facial 'to!" he remained watching me with amusement. I snorted. "Ano ngayon kung may putik pa rin ako sa mukha, maganda pa rin naman ako, 'no!"

He lowered his body, kneeling in front of me. Natulos ako nang mag-angat siya ng basang panyo at idinikit sa pisngi ko.

"I know," he gently wiped my cheek. "You've always been beautiful."

Lumunok ako at kinagat ang labi.

"Talaga?" maliit kong tanong, nag-iinit ang mukha.

"Hmm," he touched my chin and smiled a little. "Kahit minsan mukha kang mananapak—"

I smacked him on the shoulder. Ang hindi ko ine-expect ay ang madudulas siya kaya napaupo siya sa lapag. Umawang ang labi ko.

"Ang lampa naman!" ungot ko sabay tayo para tulungan siya pero basa pala ang flats ko kaya nadulas din ako at napasigaw nang mahulog sa lapag, bumagsak sa kanya at tumama ang noo sa noo niya.

He bumped his head on the floor but he still managed to touch my waist to not let me fall. Napasinghap ako at mabilis na sinakop ang ulo niya.

"Damon!" singhal ko na, "a-ayos ka lang?!"

"Y-yeah," sagot niya, ang mapupungay na mata ay nahanap ang akin.

Kung possible na may kuryente sa mga mata, baka nangingisay na ako ngayon.

I gulped and heard his deep breath and that's when I realize I can feel him breathing. I lowered my gaze and stilled upon realizing my breast was squeezed in between his massive chest. No'ng nadulas ako at nahulog, napunta ako sa...ibabaw niya.

I became so aware of my goosebumps and pounding heart. I know for sure he could feel it because I felt his, beating against my chest. Beating as if synchronized and in rhythm.

Heaven

Nasa heaven ako

His eyes fell on my lips. My mouth parted. His firm grip on my waist tightened.

'Pag ika'y kumindat

Ay walang binatbat

Si Leonardo sa'yo

The sound of raindrops stopped. The wind ceased from blowing. Parang tumigil ang mundo at sa ngayon ay siya lang ang nag-e-exist sa mundo. Miski ang paglunok niya'y naririnig ko at alam na bumagal na ang paghinga niya.

O babe na-in love ako with you

Tumataba ang puso ko

Chuva choo choo, Chuva choo choo

Bigla kong naramdaman na parang main character ako kagaya no'ng binabasa kong love story sa Wattpad.

Sana ako ang syota mo

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon