Kabanata 27 (Part Two)

47.4K 2.1K 1K
                                    

Kabanata 27 (Part Two)

"Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sa 'yo! Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap! Na ako'y hindi bigo!"

We are singing our lungs out, hawak ko ang kamay ni Eunice at nasa gilid kami.

Tumutugtog ang isa sa paborito naming kanta noon, Alaala Na Lang ng Sagpro Krew sa stage habang inaayos ng mga SSG officers ng High School Department ang sound system para sa ibang program nila ngayong araw.

Dito kami nanggugulo ngayon at hindi naman masyadong bet ang mga ganap sa college department. Dito sa high school masaya, may mga batang dugyot na nanghaharana.

Harana first, hygiene later.

Natawa ako pagkaalalang gano'ng-gano'n sina Junard dati.

Throwback was the theme of their Valentine's week; I even saw students dancing near the stage, I heard my flash mob ata silang inaayos.

Ang bongga naman! I also heard some teachers freed their students from activities to celebrate the week of love.

Sana all. Noon kasi walang Valentine's-Valentine's! Klase kung klase! Kilig now, may surprise quiz ka sa Math later!

"Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to! Kung ikaw ay alaala na lang! Paano na ako?!" nagkatinginan kami ni Eunice at emosyonal pang pumikit at kasunod no'n ay nagsalitan ng rap si Jere at Junard na todo bigay.

I laughed loud but vibe with them.

Ibang-iba na ang usong mga kanta noon sa ngayon pero iba pa rin talaga ang hatak ng mga kantang tinuturing nang jejemon ngayon. They didn't know those songs are so good they defined my childhood.

Kahit gaano pa katagal ang mga 'yan at 'di ko na masyadong pinapakinggan ngayon, we know the lyrics by heart and soul. Nakaukit na sa aming kaluluwa ang lyrics ng mga kanta sa clear book namin na may lyrics noon.

Corny and cringey, thinking we were in that phase before but I didn't regret it. I was happy because right now, we have something good to look back and laugh about. Things kids these days didn't have anymore.

Mas lumaganap ang teknolohiya ngayon kaya ang kabataan ay nakamukmok na lang sa phone nila at 'di na nakakapaglaro sa labas. They're lucky to have easier and better access in computers and research, noon kasi'y kung gusto mong mag-com shop, rerenta ka pa sa piso net o per hour at titiisin na mabantot at maasim na headphone.

Kung gusto mong magbasa ng libro o Wattpad, papapasa ka ng softcopy dahil 'di touch screen ang phone mo o 'di kaya'y sa com shop ka mismo magbabasa, natatakot at palingon-lingon sa gilid at baka may nakadungaw at makibasa kapag nasa SPG part ka na.

Noon, kung hindi Tetris ay face off ang pinag-aawayan namin ni Eunice. Tapos todo accept pa kami ng friend requests ng mga arabo noon kasi paramihan kaming Friends kaya ayon, ang hirap tuloy mag-unfriend! Kaya nag-deactivate na lang ako ro'n para tapos kaagad.

Right now, things changed. For the better, I hope, but not entirely for sure. I was glad because as years passed by, people evolved with it, too. Mas lumawak ang mindset ng mga tao, mas naging open sa mga bagay at mas naging considerate but I noticed some people became extra sensitive kaya minsan ang hirap mag-joke kasi nakakatakot at baka may mali akong masabi.

Pero that's life, we should be mindful of things and consider others, too, to not hurt them. There are things you might find funny but others don't and vice versa.

You just have to evolve with the world, be mindful and open to every possibility. Hindi naman natin hawak ang utak ng isa't-isa. But I hope that kind of happiness we had before will remain, somehow.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon