Kabanata 28 (Part One)

40K 1.5K 807
                                    

Kabanata 28 (Part One)

Sunod-sunod na hiyawan at mga matang nasa akin ang atensyon at gusto ko na lang magpalamon sa lupa kung hindi kay Damon.

He was still walking closer to me with his relaxed face and amused smile, as if tuwang-tuwa siya sa nangyayari sa 'kin ngayon.

I glared at him as I stood, striding closer to meet him halfway. His eyes glistened with a more amused expression as I held his arm and tiptoe to whisper.

"Ano 'yon?! Gago ka ba?!" I whispered, hissing.

I felt his palm pressing on my waist from the back, pulling me closer to him until his chest got slammed against mine and whispered.

"Payback time, love," he teased and I swear I felt his quick kiss on my ear before pulling away and placing his palm protectively on my waist.

Hinampas ko ang kamay niya. He chuckled and hid his hand on his back before I could slap it again.

Tumingin-tingin ako sa paligid at napansing sa amin pa rin ang atensyon ng lahat, ang ibang high school ay nagbi-video at picture pa! Panigurado para sa MaMon Lovers nilang fans club!

"Katuwa 'yon, huh? Montezides?" niliitan ko ang boses habang nakatitig sa mata niya at ipakitang seryoso talaga ako.

He smirked, lifting his palm to place a few strands of my messy hair at the back of my ear. I startled and breathed in his scent as his palm grazed my cheek.

"Ngayon alam mo na 'yong pakiramdam na nagpadala ka raw ng love letter pero 'di naman sa 'yo galing?"

Lumabi ako.

"Ibang usapan 'yon kasi bata pa tayo!" I growled, "immature pa! Aba, kasalanan ko bang masama ang ugali ni Mindy at ma-pride ako? S'yempre niyayabangan niya 'ko kaya 'di ako papatalo!"

"Then, you used me," he concluded.

"Grabe! 'Di naman!" nakagat ko ang labi, "uh, okay, sige! Edi medyo! Pero nagustuhan mo naman, ah? Kunwari ka pa, panigurado tuwang-tuwa ka kasi napansin kita! Crush na crush mo kaya 'ko! Patay na patay ka sa 'kin kaya gamit na gamit mo ang love! For sure pag-uwi mo sa bahay nagtatatalon ka tapos sinuntok mo 'yong pader sa kilig!"

Nanliit ang mata niya.

"Are you stalking me, Maria Revelia?"

"Huh?" nagkaroon ng question mark ang ulo ko.

"How the hell did you know I punch..." nakagat niya ang labi at biglang may natanto kaya tumigil sa pagsasalita at unti-unti'y lumaki ang ngisi ko.

Tinuro ko siya, "gago, sinuntok mo 'yong pader?!" sigaw ko.

"Fuck," lumunok siya sabay atras, namumula na ang mukha. "I did not—"

"Guys, patay na patay sa 'kin ang Sir n'yo!" I exclaimed, "hindi ako 'yong nag-send no'ng letter! Gawa-gawa—"

He covered my mouth with his large palm. I squealed and laughed. Hinila ko ang kamay niya papaalis pero ang laking tao ni Damon kaya kahit anong pilit ko'y 'di siya maalis. Siniko ko na ang sikmura niya pero matigas na abs lang ang na-feel ko!

He caged my stomach with his arms while covering my mouth at kahit 'di na maintindihan ang sinasabi ko'y sige pa rin. Tumawa ako kahit parang gago ang tunog at tumalon-talon para kumawala nang may marinig kaming mga boses.

We both stiffened.

"Hay, ang pambato ko, binata na. 'Di ka na torpe, Damon? Naalala ko dati 'di mo na-shoot 'yong bola kasi napa-office si Revel. Naalala mo 'yon, tumalbog sa mukha mo pabalik 'yong bola?" napunta ang tingin ko kay coach at namilog ang mata.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon