Chapter 2

18 1 0
                                    

" Hindi din naman tayo basta basta makakapunta doon, kaya tatawagan ko muna ang bangkero na magdadala sa atin sa Isla."

Paliwanag ni Charlie habang nakaupo kami sa isang restaurant sa paborito naming kainan for almost a year na.

" Kailan tayo bibili ng dadalhin natin?" Tanong ko kay Charlie.

" Bukas. Or iyong iba, bilhin na natin ngayon, para bukas, kaunti nalang ang bibilhin natin." Tumalon naman si Haley sa saya kaya hinila niya ang aking braso kung saan napadaing ako.

" Aray.."

" Are you okay?" Tanong saakin ni Zyne. Tumango ako sa kaniya at saka ako umiwas ng tingin, napakalapit namin sa isa't isa.

" Oo. Ayos lang."

Dumiretso kami sa isang store para mamili ng mga dadalhin namin. Nag aaya nga si Haley na magpunta sa isang clothing brand pero mamaya nalang daw pagkatapos namin dito. Pagkain muna ang bibilhin namin, bago kami bibili ng gagamitin naming mga damit pagpunta namin doon. Nakahawak ng malalaking cart sina Zyne at Charlie, at Jed. Kami namang mga babae ay nasa unahan nila at kami ang namimili ng aming dadalhin.

Apat kaming babae, at lima silang lalaki. Makikilala niyo ang iba sa susunod.

" Liries, be careful when walking. Madulas daw ang sahig." Paalala saakin ni Zyne habang naglalakad kami. Nakita ko naman ang sign na madulas nga ang daan, kaya nag iingat akong maglakad kanina pa.

" Thank you, Zyne." Ngiti kong sambit sa kaniya at saka ko siya nilingon mula sa likuran ko.

Namili kami ng mga pagkain na kailangan at gusto kong kainin habang nasa isla kami. Namili din kami ng malalaking marshmallows para sa bonfire na gagawin namin doon at mga karne na iiihaw daw doon. Marami kaming pinamiling pagkain dahil tatlong araw kami doon, kahit na may tindahan at kainan daw doon, mas maganda na may sarili kaming dala para hindi kami gaanong gagastos kapag naroon na kami.

" Can I have some of this?" Turo ko sa chocolate na nakita ko out of nowhere. Tumango ang mga lalaking kasama namin, at saka ko ito dinagdagan bago inilagay sa cart namin. Lumibot pa kami sa buong store at saka namin inilalagay ang mga pagkain na makikita namin, ang mga lalaki nalang ang pumila para magbayad at naghintay nalang kami ng mga iba ko pang kaibigang babae sa parking lot.

" Kakain ba tayo o hindi na? Uuwi na ba kayo?" Tanong ni Trixsy sa amin, tumingin muna ako sa ibang mga kaibigan ko, bago ako sumagot.

" Yes. Sana. Kain muna tayo bago tayo umuwi." Sagot naman ni Godwin, kaya naman tumango na din ako sa kanila at pumayag na ako.

Buffet ang napili nila, kaya kailangan ay marami akong makakain dito. Hindi naman siya katulad ng eat all you can na kapag hindi naubos ang kinuha sa plato ay magbabayad kami ng additional fee sa kanila. Dito, basta kakain ka lang, at magbabayad, bahala ka nang kumain at kung anong klaseng pagkain ang gagawin mo.

" Liries, tabi kayo ni Zyne, para magkasya kami dito." Pang aasar sa akin ni Trixsy na may tanging alam na may crush ako kay Zyne. Wala na akong nagawa nang hawakan ni Zyne ang duluhan ng skirt ko, at saka niya ako inalalayang maupo sa tabi niya.

" Tabi ka na dito sa tabi ko." Sabi ni Zyne na ikinapula ng mga pisngi ko.

Nagsimula kaming kumain, masasarap ang pagkain nila kaya hindi ko napigilang kumain ng marami, at saka nakailang kuha ako ng dessert nila dahil talaga namang masarap ang mga luto niya. Ang saya saya ng tiyan ko.

" Kahit hapon na tayo bukas mamili. O kaya iba sa inyo mamili na. May gagawin kasi ako." Sabi ni Charlie. Tumango naman kami sa kaniya. Nagtaas ng kamay ang ilang kaibigan namin, kaming dalawa lang ni Zyne ang hindi.

" May gagawin kaming lahat. So basically, sina Zyne at Liries nalang muna ang mamili ng mga ibang gagamitin para bukas." Sabi ni Trixsy na sinang ayunan nilang lahat, napakapit ako sa upuan ko, grabe na ang pamamahiya at pang aasar na ginagawa saakin ni Trixsy, baka mamaya ay hindi ko na alam ang magawa ko sa babaeng iyan.

" Okay, fine. Ililista nalang namin ang iba naming ipapabili at saka isesend ko nalang sa inyo, para bukas, kayong dalawa na ang bibili ng mga iyon, ayos ba?" Hindi ako kaagad nakasagot sa kaniya. Tumango na si Zyne, ako naman ay nakatulala lang sa ice cream na kaharap ko.

Nilingon ako ni Zyne, at saka siya nagsalita sa tabi ko.

" Ayos lang ba sayo?" Tanong niya.

" Yeah. It's fine with me." Halos maging kamatis na ako nang magtama ang tingin naming dalawa ni Zyne. Ngumiti siya sa akin, at saka siya tumingin sa iba naming kaibigan.

Dahil napapayag na nila kaming dalawa, wala na akong nagawa kaya kaming dalawa ni Zyne ang magsasama bukas para mamili ng mga gamit na dadalhin para sa Isla.

" Alright. Tara na. Sa video calls nalang tayo mag usap usap mamaya kapag nakauwi na tayo." Ani Charlie.

Tumayo na kaming lahat para makapunta na kami sa parking lot. Wala nga pala akong dalang sasakyan, nagpahatid lang ako kanina dahil tinatamad akong magmaneho. Bumusangot ako nang mapagtantong hindi ko kaagad natawagan ang driver namin, kaya maghihintay pa ako sa parking lot mamaya.

" Bye. Ingat kayo!" Paalam ko sa mga kaibigan ko. Yumakap sila sa akin, at saka nila ako nginitian at kinawayan bago sila umalis.

" Bye, Liries! Ingat ka." Kumaway ako pabalik sa kaniya at saka sila tuluyang umalis.

Tinignan ko silang isa isang nagmamaneho palabas ng parking lot at paalis sa kinatatayuan ko. Bumubusina pa sila sa akin bago sila umalis palayo, kumakaway lang ako sa kanila. Madilim dito sa parking lot dahil nasa underground ito.

" Hindi ka pa uuwi?" Napahawak ako sa dibdib ko nang makita sa gilid ko si Zyne na nakatayo pa pala at nakatingin sa akin. Napalunok ako.

" Wala akong dalang kotse. Tatawagan ko pa muna ang driver namin para sunduin ako." Sagot ko sa kaniya.  Pinatunog niya ang alarm ng sasakyan niya, at saka siya ngumiti saakin.

Nagtaka naman ako sa ngiti niyang iyon.

" Sabay ka na sa akin."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now