Chapter 13

9 0 0
                                    

" Mami-miss ko ang Isla!"

Sigaw ni Ari nang inilalabas na namin sa mga kwarto ang mga bagahe na dala dala namin. Aalis na talaga kami, naging masaya ako dito dahil kasama ko ang mga ibang kaibigan ko, ang mga Sirena at syempre sina Zyne.

At ang halik niya.

" Aalis na ba tayo? Teka lang." Paalam ko sa kanila.

" Sige."

Tumakbo ako papunta sa loob ng kuweba, at agad kong hinanap sina Caius at ang mga kaibigan ko. Napalunok ako nang hindi sila lumalabas mula sa tubig. Ganoon din si Caius.

" Caius? Iniwan mo na ba ako?" Malungkot na tanong ko, wala man lang sumasagot saakin. Napalunok ako, nasaan kaya sila?

Maya maya pa ay may nakita akong lumulutang na mga perlas sa ere. Umiilaw ang mga iyon habang palutang lutang at saka iba't ibang ang sukat ng mga ito, may malalaki, at may maliliit. May katamtaman din lang ang sukat nila.

" Xandra, mag iingat ka sa paglalakbay, hihintayin namin ang pagbabalik mo." Lumingon ako sa paligid, nakita ko si Caius na nagta-transform ang buntot at nagiging paa na ito, pumikit ako bigla.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga ibang Sirena.

" Caius, akala ko iniwan mo na ako, galit ka ba sa akin?" Tanong ko parin habang nakapikit sa harapan niya. Napalunok ako.

" Hindi ako galit sayo, Xandra. May ginawa lang ako, pagpasok mo palang kanina naamoy ko na ang bulaklak mo, talagang hindi lang ako kaagad nakalabas. Pasensiya na." Yumakap ako sa kaniya. Tinaas niya ang mga kamay niya para hindi ako mahawakan sa kahit anong parte ng katawan ko.

" Sorry." Hingi ko ng tawad sa kaniya.

" Ayos lang. Aalis ka na ba?" Tumango ako, nang buksan ko ang mga mata ko, may mga paa na siya at may mga damit na siya. Ngumiti ako.

" Aalis ako ngayon, pero mamayang gabi ay babalik ako dito, susunduin kita. Kaya mo bang magpunta doon sa pangpang? Para hindi na ako babyahe ng gabi at sasakay sa bangka?" Tumango siya sa sinabi ko.

" Kaya ko naman. Hihintayin kita doon, maaamoy naman kita kung malapit ka na." Ngumiti ako sa kaniya. Lumapit ako sa mga kaibigan kong Sirena, mas marami sila ngayon, kaya masaya akong makita sila bago ako aalis.

" Babalik ako dito. Pansamantala, dito muna kayo, pero sa susunod na mga araw, makakabalik na kayo sa kaharian niyo, pangako ko iyan sa inyo." Pumalakpak sila. Tumawa ako nang makitang nagsisilaglagan ang mga bulaklak sa kamay nila, tuwang tuwa akong makita sila at mga bulaklak. Kumuha ako ng mga bulaklak sa mga tubig. Ang bango talaga nila.

Tumingin ako kay Caius na nakatingin din sa akin, ngumiti kami sa isa't isa. Lumapit ako sa kaniya at saka ko ibinigay sa kaniya ang bulaklak na nakuha ko sa tubig at saka ko inilagay sa mga buhok niya. Tumawa ang mga kaibigan kong Sirena.

" Mahal na Prinsipe, ang cute niyo pong tignan diyan." Asar nila sa kaniya.

" Aalis na ako, Caius. Babalik ako mamaya. Magsasalita nalang ako sa mga perlas na suot ko para malaman mo kung malapit na ako. Ingat kayo." Kumaway ako sa kanila, at saka ako ngumiti, umilaw ang mga perlas na suot ko sa daliri at leeg ko.

" Ingat ka, Xandra!" Sigaw nila sa akin.

Namataan ko sina Zyne na pasakay na sa bangka. Agad akong tumakbo sa kanila para makasakay na din ako doon. Inalalayan ako ni Zyne. Bago ako tuluyang makaupo ay nakita ko pa si Caius na nakasilip sa akin, kumaway ako sa kaniya nang pasimple bago umandar ang bangka na sinasakyan namin.

" Babalik tayo doon, hindi tayo nakakita ng Sirena, sayang!" Halos matawa ako sa sinabi nila. Nakita nila akong natatawa kaya lumingon sila nang masama sa akin.

Niyugyog ako bigla ni Ari.

" Nakakita ka, ano?" Tanong niya sa akin. Umiling kaagad ako sa sinabi niya, at saka ako tumawa.

" Hindi a. Natatawa lang ako, akala ko ba nandito tayo para magsaya? Bakit parang ang goal niyo ay makakita lang ng sirena?" Masungit na tanong ko sa kanila. Umiling sila sa akin, at saka na kami kumuha ng mga litrato namin.

Mabuti nalang pala at ako ang nakakita. Baka mamaya kapag nakakita sila ay ipagsabi nila kaagad sa mga tao, at saka mas lalong dudumugin ang mga kaibigan ko doon, ayaw kong masaktan sila. Sapat naman na siguro ang hirap na naranasan nila noon. Kawawa naman sila. Lalo na si Caius. Siya pa naman ang Prinsipe.

" Kita tayo ulit sa susunod na mga araw. Magpapahinga ako maghapon mamaya tsaka bukas." Tumingin si Zyne sa akin, ngumiti ako sa kaniya. Napaka awkward talaga kapag kasama namin ni Zyne ang mga kaibigan namin, hindi kami makapag focus kapag may iba kaming kasama.

Tumingin ako sa paligid. Naaamoy ko ang mga bulaklak na kasing amoy ng mga bulaklak doon sa kuweba. Nararamdaman ko ang prisensiya ng mga kaibigan kong Sirena. Pakiramdam ko ay napakalapit nila sa akin at saka binabantayan nila ako. Kaya napangiti ako.

Sana makita ko pa silang lahat mamaya. Hahanapan ko din pala ng bahay si Caius na matutuluyan niya kapag nakatapak na siya sa siyudad namin.

" Ang lalim naman ng iniisip mo." Sumandal ako sa dibdib ni Zyne. Habang nakatingin sa paligid. Ang sarap ng hangin, nakaka relax.

" Hindi naman. Inaantok lang ako, at saka napagod ako." Ngiting sagot ko sa kaniya.

" Mommy! I missed you!"

Tumakbo ako palapit kay Mom at Dad at saka ko sila niyakap na dalawa. Ako ang una nilang binaba sa bahay.

" Zyne, ingat ka." Paalam ko sa kaniya. Hinalikan niya ang aking pisngi.

" I will. Thank you."

Kumaway ako nang makaalis na silang lahat. Bumusina naman sila sa akin bago umalis. Pumasok na kami sa loob. Paano pala ako magpapa alam na pupunta ako doon ulit? O kaya magpaalam kaya ako na may pupuntahan saglit?

Tama!

Iyan nga ang gagawin ko.

" Mom, magpapahinga po muna ako, may pupuntahan po kasi ako mamaya e." Paalam ko, nangunot naman ang noo nila sa sinabi ko.

Kinabahan ako kaagad.

" Saan ka pupunta, Anak?" Tanong ni Mom.

Ngumiti ako.

" Sa new friend ko po, Mom. Si Caius."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now