Chapter 28

10 0 0
                                    

" Grabe ka naman sa honeymoon! Ang sama! Caius!"

Sigaw ko kay Caius habang naglalakad kami papasok ng hotel room namin. Hindi talaga ako makapaniwala na sinabi niya iyon mismo sa mga kasama niya kanina sa ibaba, hindi ko din alam kung anong irereact ko sa kanila kaya umalis nalang ako at hinila ko si Caius.

" Hindi kasi nila ako tantanan, kaya sinabi ko na iyon." Inosenteng sambit niya habang nakatingin siya sa salamin at may tinitignan sa kaniyang leeg.

" Anong mayroon sa leeg mo?" Tanong ko kay Caius habang papalapit sa kaniya. Nakikita kong nagiitim ang perlas niya doon, kaya nagtaka ako at nakaramdam ako ng takot.

Tinitigan ko ang nasa leeg niya.

" Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng takot." Aniya. Napalunok ako sa sinabi niya. Tinignan ko si Caius na nakatingin nang maiigi sa leeg niya at sa perlas na nagiitim nang kaunti.

Hinawakan ko ang kamay ni Caius.

" Caius, ano iyan?" Mahinahong tanong ko.

" May sakit ang isa sa magulang ko, kapag ganitong nagiitim ang ilang bahagi ng perlas ko, at sa oras na magitim itong lahat ibig sabihin lang niyon ay patay na ang isa sa mga magulang ko." Laglag ang panga ko siyang tinignan. Naupo ako sa harapan ng salamin para aluhin si Caius. Hinawakan ko ang kaniyang mukha.

" Caius.."

" Natatakot ako.." Sambit niya sa akin. Napakurap kurap ako.

Umiling ako sa kaniya at saka ko siya nginitian.

" Maayos lang ang lahat. Kung isa man ang may sakit sa kanila, alam kong hindi sila pababayaan ng mga kasamahan mo doon, huwag kang matakot, nandito naman ako e." Ngumiti akong muli, kaya lang ay wala siyang reaksiyon sa akin, talagang nakakaramdam nga siya ng takot kaya hinayaan ko nalang muna siya.

Hinayaan ko siyang mapag isa at aluhin at pakalmahin muna ang sarili niya. Ako na muna ang nagpresinta na aayos ng mga gamit namin, at saka ang ibang pagkain na dala namin sa byahe na hindi naubos ay inilagay ko na din sa kusina. Naroon lang si Caius sa maliit na swimming pool, at saka siya nakamasid sa bintana.

Ako ang naaawa kay Caius. Malamang ay grabe ang pag aalala niya sa kaniyang mga magulang, lalo na at hindi niya ito kasama at malayo siya sa kanila. Ang masaklap pa ay hindi niya alam kung nasaan ang mga ito. Napailing ako sa mga naiisip ko. Naririnig ko ang buntong hininga niya kahit na nasa malayo siya.

" Caius, magpalit ka na. Tama na iyan." Pag aaya ko sa kaniya. Hindi siya lumingon sa akin, nanatili ang tingin niya sa bintana.

" Caius..." Naglakad ako palapit sa kaniya. Doon ko na nakuha ang atensiyon niya.

" Mamaya na muna. Ayos lang naman ako dito." Aniya. Umiling naman ako.

" No, Caius I'm worried. Nag aalala ako sayo, kanina ka pa tahimik diyan, tumayo ka na riyan at kumain na tayo." Aya ko ulit sa kaniya.

Naganahan ako nang gumalaw na siya at saka na siya tumingin sa akin nang may ngiti sa mga labi. Tumakbo na ako kaagad palabas para makapag palit na siya. Tumawag na din ako ng maghahatid ng pagkain namin, hinanda ko nalang ang lamesa. Naramdaman kong may humigit sa beywang ko mula sa aking likuran.

Si Caius.

" Xandra, kahit saglit lang. Yayakap muna ako." Paalam niya sa akin, nilingon ko siya nang saglit at saka ako tumango.

Naiiling man pero kailangan niya ng attention, kaya pumayag na ako.

" Caius, nag aalala din ako sa kalagayan ng mga magulang mo, kahit hindi ko pa sila nakikita. Pero kalahati niyon ay panatag ako dahil alam kong may nag aasikaso at kumakalinga sa mga magulang mo ngayon. Alam kong hindi madali sayo, pero sana huwag mo ding hahayaang lamunin kalang ng lungkot, baka ikaw din ang magkasakit. Ako naman ang mag aalala sayo." Mahabang litanya ko sa kaniya. Gumalaw ang mga kamay niya at mas hinigit niya ako palapit sa kaniya.

Kumalabog nang matindi ang puso ko.

" Alam ko, hindi ko lang alam ang gagawin ko at hindi ako mapakali kaya ganito ako, pasensiya na kung pinag aalala kita." Ngumiti ako sa kaniya. Pinaglaruan ko ang buhok niya, nakasandal ang uluhan niya sa leeg ko.

" Alam kong gagaling kaagad ang mga magulang mo, Caius. Pero sa ngayon, kakain muna tayo kasi nagugutom na ako." Humarap ako sa kaniya. Agad kong nakagat ang labi ko nang muntik nang magtama ang aming mga labi dahil hindi pala siya umatras lang ng kaunti sa pagikot ko.

Ito nanaman ang malakas na kalabog ng puso ko.

" Caius.." Banta ko sa kaniya nang maramdaman kong inilalapit niya ang mukha niya sa akin.

" Xandra-"

Ding!

Nakahinga ako ng maluwag nang tumunog ang pintuan, hudyat na naroon na ang room service at dala na nila ang pagkain naming dalawa. Ngumiti ako at saka ako tumakbo palapit sa pintuan para pagbuksan sila kaagad.

" Ito na po ang pagkain niyo, Ma'am." Ani saakin ng isang lalaki.

" Salamat po."

Inayos ko na ito sa lamesa at saka ko hinila si Caius para kumain. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang lumingon sa perlas na nasa leeg niya, may kakaunti nalang na itim doon, kaya alam kong baka gumagaling na paunti unti ang kaniyang magulang na may sakit. Sana nga, para hindi na magalala pa ng ganito si Caius. Nag aalala ako.

" Hey.." Nalingon ko si Caius dahil sa tawag niya sa akin.

" Hmm?"

" Hmm?" Turo niya sa pagkain ko.

" Anong iniisip mo?" Tanong niya.

Umiling naman ako sa kaniya at saka ako sumubo ng pagkain ko. Kunwari ay inililihis ko ang paningin ko, pero hindi ko talaga matiis na tignan ang perlas sa kaniyang leeg.

" Nasarapan ka ba sa pagkain na ipinadala ko?" Tanong ko kay Caius. Tumango naman siya, natawa naman ako nang bigla siyang dumighay, ibig sabihin niyon ay nabusog nga talaga siya.

Si Caius na ang nagpresintang maghugas, kaya hinayaan ko na siyang gawin iyon, pinanood ko nalang siya na ayusin ang mga plato.

" Hello?" Sagot ko sa malapit sa pintuan.

" Ma'am, may napansin po kasi kami sa CCTV." Agad akong kinabahan.

" Ano po iyon?"

" Mermaid portrayer po ba kayo? O ang lalaking kasama niyo?"

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now