Chapter 6

18 1 0
                                    

" Be careful, ladies."

Paalala saamin ni Zyne habang pasakay na kami sa bangka namin. May isang bangka pa, kung saan naroon naman ang mga gamit na dala namin, ang van naman ay inilagay sa isang private parking lot, bago kami nagpunta dito kanina.

" Liries, hold me." Napaubo ang mga kaibigan kong babae nang makita nila ang ginawa ni Zyne sa kamay ko.

Hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko, namumula man ang aking pisngi ay hindi ko ito hinayaang makita at mahalata ni Zyne. Panay na ako kuha ng litrato habang nasa bangka kami at papunta na sa Isla kung saan kami titira for 3 days. Kinukuhanan din ako ng mga kaibigan ko ng aking litrato, at saka sila din ay kinukuhanan ko.

" Smile everyone!" Sigaw ni Charlie, at saka kami kumuha ng litrato naming lahat. Sa byahe palang, napakasaya na, may kalayuan daw ang Isla, pero masaya naman.

Kumakain na din ako ng chocolate na dala ko habang nasa byahe kami. Nakatitig lang ako sa paligid, napakaganda ng tanawin, may mga bundok sa hindi kalayuan, kaya naman mas lalong gumanda ang tanawin. May bato bato din na malalaki dito.

" Liries?" Lumingon ako kay Charlie.

" Hmm?" Tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin, at saka siya kumuha ng aking chocolate. Hinayaan ko siya doon.

" Wala. Gusto lang kitang kausap." Tumango ako.

" Bakit? Nandito ka lang kasi gusto mo lang ng chocolate ko e. Bakit ba nandito ka?" Pangungulit kong tanong sa kaniya. Kumuha nanaman siya ng chocolate ko, pinalo ko ang kamay niya, pero kumuha parin siya.

" Tignan mo si Zyne. Kanina pa nakatingin sayo, hindi mo ba napapansin?" Takang tumingin ako kay Zyne. Nakatingin nga siya sa akin, pero umiwas siya ng tingin saakin nang magtama ang mata namin.

" Hindi e. Hayaan mo lang siyang tumingin sa akin, wala namang problema, hindi ba?" Tanong ko sa kaniya.

" Wala. Saamin. Saamin na nakakakita. Pero sa kaniya, at sayo, mayroon."

Umalis na siya sa kaniyang upuan. At saka siya muling kumuha ng chocolate ko. Sumimangot ako sa ginawa niyang iyon. Bigla akong napalingon sa balikat ko nang may umakbay doon, si Zyne lang pala.

" Can I have some?" Tanong ni Zyne sa akin. Tumango ako.

" Here." Inilahad ko sa kaniya ang chocolate ko.

Kumain siya doon, at saka niya ibinalik saakin ang aking chocolates. Naglabas siya ng camera niya, ang mga kaibigan ko ay panay kuha parin ng litrato nila.

" Let's have a photo together." Aniya.

Kumuha kami ng litrato naming dalawa. May pagkakataon na nakaakbay siya sa akin, at minsan naman ay nakasandal ako sa dibdib niya. May iba naman na panay kalokohan ang kuha namin, kaya naman malakas ang tawanan naming dalawa. Nagtatawanan na kami at nakailang kuha na kami ng litrato namin, hindi na namin napansin ang oras. Ang mga kaibigan namin ay hindi na namin napapansin pa.

" May tatlong kwarto tayong na-avail. Kaya ang isang kwarto ay tatlo ang nasa loob, at isa ay apat ang laman, at ang isa ay dalawa lang ang laman." Agad na nag usap usap na kami kung sino sino ang makakasama namin sa kwarto.

" Kami nalang nina Charlie, Haist, at Jake sa isang kwarto." Nagtaas si Charlie ng kamay at iyon ang sinabi niya, kaya naman tumango si Zyne sa sinabi niya sa amin.

Nagtaas ng kamay si Trixsy.

" Kami nalang nina Ari, ako, tsaka si Liries?" Nagtaas ng kamay si Zyne.

" Kaming dalawa ni Liries sa isang kwarto. Iyong mga natira, magsama sama na kayo." Nanlaki ang mata ko kasama ang mga kaibigan ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Zyne at saka ko siya binulungan.

" Zyne, hindi pwede-"

" Pinaalam kita sa Mommy mo, iyan ang pinag usapan namin bago tayo umalis." Sambit ni Zyne sa harapan ko. Halos manlambot ang tuhod ko dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako nagooverthink kung para saan ang bilin na sinasabi ni Mommy, iyon lang pala?

Magsasama kami sa isang kwarto?!

" Wow." Puri naming lahat nang makababa na kami sa bangka na sinakyan namin kanina. Hawak ko na ang camera ko, at kumukuha kami ng litrato.

Nakikisama ang panahon saamin, tirik na tirik ang araw at kulay asul ang langit, bilang lang ang ulap at masarap at malakas ang hangin. Hindi din maalon ang dagat, at kulay asul iyon. May mga malalaking bato malapit saamin, at may kweba pa akong nakita sa hindi kalayuan, mukhang maganda doon. May ilang tao din lang na narito at nandito din ang tutulugan naming lahat, nilagay na doon ang mga gamit namin.

" Kuhanan kita ng litrato." Alok ni Zyne habang kinukuha sa kamay ko ang camera ko, ngumiti naman ako at ibinigay ko iyon sa kaniya.

" One, two, three."

" Amin na iyan, kami na! Kuhanan namin kayo ng picture!" Sigaw ni Trixsy, kinuha niya kay Zyne ang camera ko, at saka niya ito tinulak palapit saakin.

Ngumiti at nag ayos ako ng sarili at tindig ko, para maganda ang kuha naming dalawa. Nakashades ako dahil tirik na tirik ang araw at masakit sa mata. Maya maya pa ay ramdam ko ang kamay ni Zyne sa beywang ko, naglalakbay ito para mahawakan ang beywang ko nang maayos. Napalunok ako.

Shit.

" Magpahinga muna tayo, mamaya na tayo lumabas. Kakatukin ko nalang mga pintuan niyo isa isa mamaya." Ani Zyne. Kinuha niya din ang bag ko, siya na ang may hawak niyon, at saka hawak niya ang palapulsuhan ko.

Bakit iba ang ikinikilos ni Zyne sa akin?

Nang makapasok kami sa magiging kwarto namin ni Zyne ay agad na naupo ako sa kama. Doon ako nagpahinga saglit. Bago ko inayos ang mga gamit namin. Kailangan naming ayusin, dahil may mga cabinet naman dito, kaya doon namin ilalagay ang mga damit namin.

" Liries, sorry for my actions awhile ago. Ayaw ko lang mabali ko ang promise ko sa mga parents mo." Napangiti ako sa sinabi ni Zyne. Hindi ko siya tinapunan muna ng pansin, gusto ko lang kiligin dito sa gilid.

Kidding.

" It's fine, Zyne. Salamat kasi inaalagaan mo ako." Ngumisi siya.

" If you want me to take care of you forever, then I will."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now