Chapter 15

11 0 0
                                    

" Akala ko ba galing ka sa airport? Bakit wala siyang dalang bagahe?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom. Dumaan muna ako sa bahay para malaman na kasama ko ang kaibigan ko, at para makita nila na hindi ako nagsisinungaling.

" Ah, nasa condo niya na po, Mom. Ipapakilala ko lang po siya sa inyo." Ngiting saad ko kay Mom at Dad na nakaharap sa aming dalawa ni Caius.

Naglakad palapit si Caius kay Mom at Dad, at saka niya hinalikan ang mga kamay nila.

" Ang bango naman ng mga kamay mo, Caius." Puri ni Mom sa kaniya.

" Masaya po akong makilala kayo. Napakaganda po ninyo." Mas lalong ngumiti si Mom kay Caius.

Nagpaalam na din kami nang matapos kaming nagpakita sa kanila. Nginitian lang ako ni Mom at saka niya tinuro si Caius habang naglalakad kaming dalawa palabas ng bahay.

" Bahay mo iyan? Ang laki naman. Kaharian ba ang tawag diyan sa bahay mo? Prinsesa ka ba dito?" Tumawa ako sa sinabi niya, at saka ko binuksan ang pintuan ng sasakyan ko.

" Hindi. Kapag mayaman ka, o kapag may kaya ang pamilya mo, ganiyan kalaki ang bahay mo, kapag naman kakaunti lang ang pera mo, maliit na bahay lang ang magagawa mo." Tumango siya sa sinabi ko. Nagmaneho na kami papunta sa napili kong hotel para tutuluyan niya, mas malapit ito, kaya naman doon na ang pinili kong pagtutuluyan niya.

" At kapag may sasakyan ka, katulad nito? Mayaman ka din o marami kang pera?" Tanong niya.

Tumango ako.

" Exactly."

Lumilibot libot si Caius sa buong kwarto na pinili ko para sa kaniya. Ako na ang bahalang magbabayad nito at ako na din ang nakapangalan sa kwarto na ito. Tinitigan ko siyang makita ang kabuuan ng tutuluyan niya. Ang kinuha kong kwarto ay may maliit na pool para makapag langoy langoy parin siya kapag mag isa niya lang.

" Ayos na ba ang ganito kalaki?" Tanong ko sa kaniya.

" Oo naman. Mag isa ko din lang naman, kaya ayos na ito. Salamat. Paano pala ang bayad dito?" Lumapit ako sa kaniya at saka ako naupo sa sofa na kaharap namin.

" Ayos na. Nabayaran ko na-"

" Kaya ko namang magbigay ng perlas, ipagbenta mo nalang ang mga iyon para magkaroon ka ng pera pambayad sa kwarto na ito." Nagkaroon ako ng ideya sa sinabi niya, kaya lang ay ayaw ko namang mawala lang at basta nalang ipagbenta ang mga perlas niya. Sayang naman.

" Iiwan muna kita dito mamaya. Tapos bukas ng maaga, babalik ako, kapag kumatok ako, ibig sabihin, ako iyon, kung may kumatok at hindi mo kilala, itanong mo muna kung sino sila, may pumapasok na room service dito." Nagtaka siya sa sinabi ko.

" Room service?"

" Room service, sila ang naglilinis at minsan nagbibigay ng mga kailangan mo dito sa kwarto mo. Itago mo ang buntot mo kapag may ibang taong papasok dito, ha? Magkakagulo sila kapag nalaman nila na may buntot ka, at huwag ka ding maingay sa iba na Sirena ka." Pagpapa alala ko sa kaniya. Tumango tango siya sa sinabi ko, Prinsipe iyan, matalino iyan, kaya naiintindihan niya naman siguro ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, at saka ko siya nilapitan.

" May tanong pala ako." Tanong ko sa kaniya.

" Ano iyon?"

" Ano palang bagay ang nakakapag palabas ng buntot mo?" Tanong ko sa kaniya.

" Wala. Kung gusto kong magka buntot, magagawa ko, kapag naman gusto kong magkaroon ng mga paa, magkakaroon ako."

" So wala?"

" Wala."

Namangha ako sa sinabi niya. Mas mabuti iyon, para hindi siya mabubuking kung sakali man na mabuhusan siya o matapunan siya ng kung ano ano. Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya sa akin.

" Dadalhan kita ng pagkain dito bukas. Sa ngayon, magrequest nalang muna ako sa ibaba ng pagkain mo, bukas, samahan mo akong mamili ng mga pagkain at gamit na magagamit mo dito, okay?" Nag thumbs up siya sa sinabi ko, ngumiti naman ako sa kaniya.

Nakita kong umilaw ang perlas na nasa leeg niya kaya lumapit ako doon.

" Bakit ka lumalapit saakin?" Lumingon muna ako sa kaniya bago ako mas lalong lumapit sa kaniya.

" Bakit umiilaw ang perlas mo?" Nilingon niya ang perlas na nasa kaniya.

" Umiilaw iyan kapag nagagandahan ako sa isang bagay o may kakaiba akong nararamdaman sa ibang bagay." Namilog ang aking bibig sa sinabi niya. Lumingon ako sa likod ko, tinuro ko ang view namin mula sa itaas.

" Ito ba? Maganda ba ang tanawin kaya nagilaw iyan? Maganda talaga sa amin, pero dahil sirena ka, alam kong mas maganda ang kaharian at lugar niyo, sana makapunta din ako doon." Umiling siya sa sinabi ko at saka siya tumawa sa akin. Nangunot naman ang noo ko sa ginawa niyang pagtawa sa sinabi ko.

" Hindi iyan ang dahilan." Aniya.

Tinuro ko ang kabuuang kwarto.

" Ito ba? Nagandahan ka ba dito sa kwarto na nakuha ko? Ang ganda ba ng pagpili ko ng kwarto mo? O iyong pool?" Turo ko pa sa pool, umiling din siya.

Napagod ako sa mga  sinasabi niya, kaya naman naupo akong muli, naupo din siya sa tabi ko.

" Hindi, Xandra. Wala sa tinuro mo ang bagay na kinahuhumalingan ko. Ibang bagay iyon." Bumusangot naman ako sa sinabi niya, at saka ako lumingon lingon sa paligid.

" Ano ba ang magandang bagay na iyon?"

" Ikaw."

Turo turo niya ako habang sinagot ang tanong ko. Napalunok ako sa sinabi niya habang nakatingin sa kamay niya na nakaturo sa akin. Umiling naman ako sa ginawa niya.

" Bakit ako? Niloloko mo ba ako o binobola?" Umiilaw parin ang perlas sa kaniyang leeg, kaya kaunti nalang ay maniniwala na ako sa sinasabi niya.

" Tignan mo ang perlas sa leeg ko, umiilaw siya habang kausap kita o habang nagsasalita ka, ibig sabihin ay ikaw ang magandang bagay na kausap at nakikita ko, hindi titigil ang ilaw niyan kapag nakikita kita o naririnig ko ang boses mo." Napatango tango ako sa sinabi niya, nagkaroon ako kaagad ng ideya, kaya naman tinakpan ko ang aking bibig, hindi nga iyon umilaw.

" Bakit mo iyan ginagawa?" Tanong niya. Umiling lang ako.

Tumawa siya.

" Ang cute mong tignan, Xandra."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now