Chapter 30

11 0 0
                                    

" Kaunting usog pa, Caius."

Utos ko kay Caius dahil hindi tumatama ang perlas sa sinag ng araw. Gusto ko ngang magreklamo sa kaniya na bakit kailangang kung tirik na tirik ang araw ay saka namin ito gagawin, pero hayaan na nga lang.

" Tama na ba ito?" Tanong niya sa akin, nag thumbs up naman ako nang maiayos na namin ang perlas.

" Ayos na! Simulan mo na!"

Umupo ako sa malaking payong na may upuan, at saka ko pinagmasdan si Caius na gawin ang ritwal niya upang mahanap at ma-contact ang kaharian nila. Nakashades pa ako dahil napakatirik ng araw at ang sakit niyon sa mata. Hinayaan ko siyang gawin ang ginagawa niya, sumisipsip naman ako ng fruit juice na galing pa sa hotel namin kanina. Dala dala ko hanggang dito sa Isla.

" Xandra!" Tawag saakin ni Caius. Nagulat ako sa biglaan niyang pagtawag kaya agad akong tumayo.

" Ano?"

" Tignan mo!" Natakpan ko kaagad ang aking bibig nang makitang napakasilaw ng perlas na hawak ni Caius at saka lumulutang ito nang kusa kahit na hindi na siya hawak ni Caius. Napalunok ako.

Nandito ba sa Isla na ito ang kaharian nila?

" Anong ibig sabihin niyan?" Tanong ko kay Caius. Kinuha niya na ang horn niya at handa na niya itong patugtugin.

" Nandito ang kaharian namin, Xandra! Makakauwi na ako sa amin!" Hindi maalis sa labi niya ang isang matamis na ngiti, ako naman ay ganoon din ang nararamdaman para sa kaniya, narito lang pala ang hinahanap naming kaharian nila.

Masaya ako para sa kaniya.

Pinagmasdan ko siyang patunugin ang horn, at saka siya naglakad papunta sa tubig at may inilagay siya doong bulaklak, humarap siya sa akin at kinuha niya din ang bulaklak na nasa tabi ng tainga ko, sabay niya itong ipinaanod sa tubig, kasama ang perlas na kanina ay lumulutang sa ere.

" Caius.." Tawag ko sa kaniya. Nang humarap siya sa akin ay agad ko siyang niyakap, hindi na ako nagpaalam sa kaniya.

" Why?"

" I'm happy for you, makakauwi ka na at makakasama mo na ang mga magulang mo sa inyo. Masaya ako na natulungan kita." Malungkot na saad ko. Bakit bigla akong nalungkot? Bakit hindi ako masaya para kay Caius?

Anong nangyayari saakin?

" Xandra, makakauwi na ako sa amin, makikita ko na ang mga magulang ko, at makakasama ko na ulit sila. Hihintayin ko lang na bumalik ang mga pinaanod ko kanina at pwede ko na silang mapuntahan." Tumango ako sa sinabi niya. Sa sobrang saya niya ay nabalewala niya ata ang sinabi ko kanina, pero hayaan ko na nga lang, masaya siya, kaya ganyan ang kaniyang reaksiyon, masaya ako na nalulungkot para sa kaniya.

Naupo akong muli sa kinauupuan ko kanina. Si Caius naman ay pasulyap sulyap sa dagat at inaabangan niya ang pagbabalik ng mga bulaklak at perlas na ipinaanod niya kanina sa tubig. Anong oras pa kaya babalik iyon?

" Caius, may tanong ako." Ani ko.

" Hmm?"

" Bakit kinuha mo ang bulaklak sa buhok ko kanina at isinama mo sa tubig?" Takang tanong ko sa kaniya. Nagtataka talaga ako at kinuha niya ang bulaklak sa akin at isinama niya sa bulaklak at perlas niya.

" Isinama ko ang sa iyo para malaman nila na kasama kong babalik sa kaharian ang nakatadhana para sa akin, at para malaman nila na may kasama akong Prinsesa." Lumingon si Caius sa kinaroroonan ko, pero hindi ko siya tinignan pabalik, nakatingin lang ako sa tubig.

Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya. Isasama niya talaga ako sa ilalim ng tubig? Paano ako makakahinga doon?

" Kapag ba bumalik na ang mga pinaagos mong mga bagay kanina ay agad kang babalik sa kaharian ninyo?" Tanong kong muli sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay naglakad na siya palapit sa akin, at saka siya ngumiti.

" Oo, sabik na sabik na akong makitang muli ang kaharian namin, kaya gusto ko na ulit bumalik." Malungkot akong tumango sa kaniya.

" Paano ang mga ibang kasama mo sa dating Isla? Babalikan mo ba sila?" Tumango siya.

" Babalikan ko sila bukas. Sa ngayon, ako na muna ang babalik sa amin, kasama ka-"

Umiling ako.

" Hindi na muna ako sasama. Ikaw nalang muna. Tutal ay ikaw na mismo ang nagsabing sabik na sabik ka nang bumalik, mas maigi na ikaw na muna magisa para sa iyo nila ibaling ang buong atensiyon nila." Tumabi saakin si Caius sa upuan ko, umusog ako para magkasya kami.

Hindi ko sinasalubong ang mga titig niya sa akin, kumikirot ang dibdib ko tuwing naaalala kong babalik siya doon. Alam ko naman na sinabi niyang isasama niya ako, pero paano kung hindi ako magtatagal doon, at iiwan ko nalang doon si Caius, mas magandang kasama niya ang mga magulang niya kaysa sa akin.

" Sigurado kang hindi ka muna sasama?" Paulit ulit na tanong ni Caius nang makabalik kami sa kwarto namin, naghahanda na siyang umalis, palubog na din ang araw, kaya kailangan niya nang bumalik doon sa dagat.

Tumango ako.

" Dito lang naman ako sa kwartong ito hangga't hindi ka pa bumabalik, kaya sige na, magpunta ka na doon." Pagtutulak ko sa kaniya. Nanatili ang tingin niya sa akin.

Paano kung hindi siya bumalik? Paano kung hindi niya na ako balikan?

" Kanina ka pa nakasimangot. Anong problema?" Lumapit siya sa akin, niyakap niya ako.

" Nag iisip lang ako."

" Ng?"

" Paano kung hindi ka na bumalik? Paano kung hindi mo na ako balikan dito?" He chuckled. Sa tapat pa talaga ng tainga ko, kaya naman nakaramdam ako ng pananayo ng balahibo sa aking katawan, bumilis din ang tibok ng puso ko.

" Babalik ako mamaya. Tatabihan kitang matulog. Saglit lang ako doon." Tumango ako.

Hinaplos niya ang mukha ko, dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa akin, hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Kung anong pumasok sa utak ko, at ako na mismo ang kusang humalik sa kaniya. Ako na ang unang humalik sa kaniya. Sumagot naman siya sa mga halik ko. Hinawakan ko ang kaniyang braso, at saka ko ipinikit ang aking mga mata.

" Bumalik ka. Hihintayin kita. Masaya ako para sayo." Ngumiti siya.

" Babalik ako, Xandra. Pangako."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now