Chapter 19

11 0 0
                                    

" Uhmm..."

Pag iinat ko nang magising ako sa kung anong amoy na galing sa labas ng kwarto ni Caius.

" Oh, god.." Mura ko nang makita ko si Caius sa tabi ko. May damit na siya at tuyo na din ang buhok niya. Nakangiti siya sa akin.

Nasaan na kaya si Ari? Nakauwi na kaya siya?

" Ayos ka na ba? Pasensiya na, ginamot ko ang sugat mo sa tuhod habang tulog ka. Wala naman akong ginawang masama sayo habang nakatulog ka." Tumango ako sa kaniya, at saka ko tinignan ang tuhod ko, may bandaid nga ito. Naupo ako at saka tumulala sa harapan ng pader.

" Nasaan na ang kaibigan ko?" Tanong ko sa kaniya.

" Nakauwi na. Nakausap ko na siya. Babalik nalang siya kung maayos ka na. Binalaan ko siya, kaya sana huwag siyang magsasalita, magkakaroon siya ng parusa kapag nagsalita siya." Lumingon ako kay Caius na nakatingin pala sa akin, bumusangot ako, naalala ko nanaman ang sagutan namin kanina.

Sana nalinawan siya sa pagpapaliwanag ni Caius sa kaniya. Ayaw kong maulit ulit ang naging away at sagutan namin kanina.

" I'm sorry, nalaman na ng isang kaibigan ko. Hindi ko sinasadya." Hingi ko ng tawad sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin.

" Ako din naman ang gustong magpakita ng totoong uri ko. Kung hindi ko sinabi sa kaniya kanina ay mas lalo kang nasaktan." Tinignan ko nanaman ang bandaid na nasa tuhod ko.

" Sorry. I'm sorry.." Umiling siya.

" It's fine. Ayos lang sa akin. Magpahinga ka muna. Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain?" Agad na pinakiramdaman ko ang aking tiyan, medyo nakakaramdam na nga ako ng gutom, kaya nahihiya akong tumango sa kaniya.

" Gusto mo bang mag try na kumain ng ibang putahe galing sa labas? Pwede kitang dalhin sa ibang mga kainan, para makatikim ka ng bagong mga putahe." Agad na nangunot naman ang noo niya sa biglaang pag aaya ko.

" Sige. Subukan natin." Tumango ako sa sinabi niya. Agad na nagpalit ako, maging siya ay nagpalit din.

Kinuha ko ang bag ko, at saka ko iniabot sa kaniya ang susi. Siya na daw ang magmamaneho. Tinuturo ko sa kaniya ang daan habang nagmamaneho siya hanggang sa makarating kami sa isang restaurant na paborito naming kainan ng mga kaibigan ko. Iba iba ang ibinibigay nilang putahe doon at talaga namang masasarap ang pagkain nila.

" Pipilian nalang kita ng walang galing sa dagat na pagkain. Dito ka muna." Bilin ko sa kaniya. Agad akong kumuha ng menu at nagpunta na sa cashier, doon ko na sinabi ang pagkain na kukunin ko, at para din kay Caius.

Nakita kong tahimik lang siyang naghihintay doon, kung minsan ay may lalapit na mga kababaihan at magpapakuha sila ng litrato sa kaniya. Napatawa naman ako nang makitang iritado na siya.

" Boyfriend niyo po ba siya, Ma'am?" Tanong saakin ng babae sa cashier, nilingon ko siya, umiling naman ako.

" Hindi." Simpleng sagot ko bago kunin ang reciept, at saka bumalik sa upuan ko at hihintayin nalang doon ang pagkain namin ni Caius.

Tinignan ko si Caius na namumula na. Siguro ay naiirita na siya sa lumalapit sa kaniya. Hindi naman siya mahilig sa tao, dahil sirena nga siya. Tumingin ako sa kaniya.

" Ayos ka lang?" Tanong ko.

" Bakit ba nila ako nilalapitan?" Medyo pagalit na tanong niya sa akin.

" You look handsome, gwapo ka sa paningin nila-"

" Bakit sayo? Gwapo ba ako? Para sayo?" Tumawa ako sa tanong niya, nakaramdam ako ng kung ano sa puso ko, ang cute naman ng reaksiyon niya.

" Gwapo ka. Kahit sa malayo, gwapo kang tignan. Mas gwapo ka kapag malapitan." Umiwas siya ng tingin sa akin, nakita kong umilaw nanaman ang mga mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko tinignan ang kaniyang mga mata.

" Caius, umiilaw ang mga mata mo." Sambit ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin.

" Umiilaw?"

" Oo." Pag uulit ko.

Napakagat siya sa kaniyang mga labi, at saka niya ako tinignang muli. Agad akong nagtaka sa nangyari, bakit biglang umilaw ang mga mata niya, kanina din ay nakita kong umilaw ang mga iyon nang hawakan niya ang aking beywang nang muntikan akong malaglag sa pool.

" Anong ibig sabihin niyon?" Takang tanong ko sa kaniya. Sakto na dumating ang pagkain namin kaya agad nawala ang atensiyon ko sa kaniya. Kinuha ko ang mga pagkain, at tinulungan ang naglalagay sa lamesa namin.

" Caius, sagutin mo ako, akala ko ba gusto mong magpatulong? Bakit ayaw mong sabihin sa akin lahat ng tungkol sa iyo." Tumikhim siya bago siya tumingin sa akin.

" Kaya umiilaw ang mata ko ay dahil nagugustuhan kita. Kapag may nagugustuhan akong bagay ay umiilaw ang mga mata ko." Binitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak hawak ko.

" What?"

" I like you." Pag amin niya.

Tahimik akong naglalakad at nauuna kay Caius nang matapos kaming maka alis sa restaurant na iyon. Hindi niya din ako iniimik, kaya wala din akong mahanap na topic na pwede naming pag umpisahan ng usapan. Kung magkakasalubong ang aming tingin ay agad kaming iiwas sa isa't isa.

" Nagustuhan mo ba ang pagkain na pinili ko sayo?" Tanong ko sa kaniya nang makababa kami sa sasakyan, nasa parking lot na kami.

" Oo, masarap sila. Gusto kong bumalik doon, at sumubok pa ng ibang kainan sa susunod." Ngumiti ako sa sinagot niya sa akin, mabuti naman at nagustuhan niya ang pagkain kanina.

" Uuwi na nga pala ako, maghapon na akong kasama ka, baka hinahanap na ako nina Mom at Dad. Babalik nalang ako bukas at may ibibigay na rin pala ako sayo." Binuksan niya ang pintuan ng driver's seat, at saka niya ako hinintay na makaupo doon.

" Salamat. Hihintayin kita ulit bukas."

" Mag iingat ka diyan. Ang mga bilin ko sayo, huwag mong kakalimutan. Maaga ulit ako bukas para may kasama ka diyan." Hinawakan niya ang tuhod ko, nilingon ko ang bandaid doon.

" Ikaw din."

Nagumpisa na akong nagmaneho pauwi sa bahay. Nasa byahe na ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Ari. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Bahala na.

" Xandra, pwede ba tayong mag usap?"

" Sa susunod na mga araw nalang, Ari. Masama ang pakiramdam ko."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now