Chapter 40

13 0 0
                                    

" I love you.."

Pulang pula ang pisngi ko at ilong ko dahil sa nangyari. Hindi ako makatingin kay Caius, nahihiya ako sa ginawa namin, lalo na sa mga ingay ko kanina.

" Bakit hindi ka nagsasalita? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong sa akin ni Caius, ngumiti ako bago tumango.

" Oo, nahihiya lang kasi ako." Tumawa siya. Hinalikan niya ang aking pisgi, at saka siya ngumiti.

" Mahal na mahal kita, Xandra."

Hinatid ako ni Caius sa bahay, siya na ang nagpresintang magmamaneho, kaya pumayag na ako. Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming binati ni Mom, agad na namula ang pisngi ko nang maalala ang ginawa namin ni Caius.

" Magandang araw po, Ma'am." Bati ni Caius kay Mom,ngumiti naman si Mom kay Caius.

" Sakto at narito ka na. Sumama ka sa amin bukas, mamaya ang byahe namin." Ani Mom. Nagtaka naman si Caius sa sinabi ni Mom, pero agad din siyang tumango sa sinabi nito. Magkahawak ang kamay naming dalawa nang makapasok kami sa loob ng bahay.

" Kamusta ka na, iho?" Tanong ni Mom kay Caius.

" Maayos po ako, sana ay ganoon din po kayo, Ma'am." Ngumiti si Caius kay Mama.

Kahit kailan ay gusto din ni Mom si Caius, magalang daw kasi ito at maganda makisama, iyan pa naman ang gusto ni Mom sa mga lalaki, kaya nga nagustuhan niya din si Zyne para sa akin noon.

" Caius, tataas muna ako, mag aayos lang ako saglit." Paalam ko kay Caius, pinisil niya ang aking kamay, bago niya ako hinalikan sa aking labi, napalunok ako nang makita kami ni Mom.

" Mom, mag aayos lang po ako saglit sa itaas." Paalam ko sa kaniya.

" Go ahead. Ako muna ang bahala kay Caius."

Naligo ako sa kwarto, malagkit ang pakiramdam ko, kaya naman naligo na ako. Habang nasa banyo ay naaalala ko ang ginawa namin ni Caius. Hindi ako hinahawakan ni Zyne nang walang permiso ko, pero bumigay ako kaagad kay Caius. Mahal ko talaga si Caius, dahil madali ko nalang sinusunod ang mga gusto niya.

" Anak.." Tawag sa akin ni Mom sa labas ng kwarto ko, binuksan ko naman iyon kaagad.

" Bakit po-"

" Kanina ka pa hinihintay sa ibaba, anak. Tara na doon." Kinabahan ako sa sinabi ni Mom, akala ko ay sasabihan niya ako tungkol kanina.

Mabilis akong nagbihis at saka na ako bumaba. Naroon parin naman si Caius at naghihintay sa akin.

" Iha, gising na. Aalis na tayo.."

Napadilat ako sa sinabi ni Mom, madaling araw na at anong oras palang pero ginising na ako para makapag ganda na sa pag alis namin, bumangon naman ako kaagad bago ako nagbihis ng aking damit at saka nagpatulong na ibaba ang mga gamit ko.

" Caius?" Nanlalaki ang mata ko nang makita si Caius sa ibaba at may dala na din siyang mga gamit. Tumakbo ako para yakapin siya.

" Good Morning, baby.." Bati niya sa akin, ngumiti ako at pasimpleng humalik sa kaniya.

Baka kasi makita kami ni Mom at Dad.

" Good Morning. Ang aga mo naman, hinintay mo nanaman ba ako?" Umiling siya.

" Kadarating ko din lang, kaya ayos lang."

Tumulong kami sa pag aayos ng gamit sa sasakyan. Ang mga kaibigan ko nalang ang hihintayin namin, sa sasakyan ko ako sasakay kasama si Caius, nasa van naman sina Zyne kasama ang mga kaibigan namin, at sina Mom at Dad naman ay sa sasakyan na gamit nila. Kumain muna kami nang matapos kaming mag ayos, hinihintay nalang namin ang mga kaibigan namin ngayon.

" Siguro kang dalawa lang tayo sa sasakyan mo, baka iba nanaman ang magawa ko doon." Bulong saakin ni Caius habang nasa labas ng bahay at nakaupo sa upuan na narito.

Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinatawa niya lang.

" Caius, malalagot ka talaga sa akin kapag nagiba ang timpla mo mamaya." Ani ko sa kaniya.

" I know my limitations, Xandra."

Bumati ako sa mga kaibigan ko nang makarating sila sa bahay, nakangiti naman si Ari sa amin ni Caius. Bumati silang lahat kay Caius, si Zyne lang ang hindi, ayos lang naman iyon sa akin, baka hindi niya pa rin talaga tanggap. Balang araw ay maiisip din iyan ni Zyne. Si Caius na ang nagmaneho ng sasakyan ko, nagsimula na kaming magbyahe.

Alam kong magiging masaya ang lakad namin. Dahil magkakasama kaming lahat.

" Hindi ka ba naiinitan?" Tanong ni Caius. Sinamaan ko siya ng tingin, at saka ko sinuntok ang braso niya, napakusilap ako sa kaniya.

" Hindi Caius. Malamig. Nilalamig ako. Manahimik ka nga diyan!" Sabay kaming tumawa sa sinabi ko.

Kumain, kumanta, at nagkwentuhan kami sa sasakyan, kapag naman kakain kami sa hihinto kami sa makikita naming kainan, at kakain kami nang sabay sabay. Kung minsan ay natutulugan ko siya dahil sa haba ng byahe, pero nagigising ako kapag nararamdaman ko ang kamay niya sa hita ko. Alam kong may limitasyon, pero hindi ko maitatanggi na gusto kong ulitin namin iyon. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.

" Marami ka bang dalang damit, Caius?" Tanong ko sa kaniya habang nasa byahe parin.

Tumango siya.

" Oo, bakit? Maraming beses mo ba akong huhubaran-"

" Caius, stop." He chuckled. He placed his right hand on my left thigh, and he slightly massaged it. Gusto ko ang sensasyon na nararamdaman ko, kaya naman hinayaan ko siyang gawin iyon.

Naramdaman kong nag iinit ang aking katawan, napapakagat ako sa aking labi at pinipigilan kong huwag hawakan si Caius.

" Caius.." Mahinang daing ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya ako matignan dahil nagmamaneho siya. Nakapasok na ang kamay niya sa shorts na suot ko. Napapakapit na ako sa hawakan ng pintuan ng sasakyan ko.

" You can moan, Xandra.." Pilyong sambit sa akin ni Caius. Napapikit ako sa ginagawa niyang paglalaro sa aking kaselanan.

" Stop the car." Utos ko. Tumaas kaagad ang kilay ni Caius.

" Why?" Tanong niya sa akin. Hawak hawak ko na ang braso niya.

" Stop the car, please..." Daing ko, ungol ang lumabas sa bibig ko, kaya naman pilyong napangiti si Caius.

Naghanap siya ng parking lot at saka ako na mismo ang humugot ng susi para matigil sa paggalaw ang sasakyan.

" Caius, huwag mo akong bitinin–"

" One round then."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now