Chapter 20

11 0 0
                                    

" Ano ito?"

Takang tanong sa akin ni Caius nang ibigay ko ang cellphone ko na napaglumaan na sa kaniya. Ayos pa naman iyan, kaya lang ay hindi ko na nagagamit, kaysa naman bumili ako ng bago.

" Oo, iyan. Gagamitin mo iyan para makapag usap tayo kahit hindi tayo magkasama sa condo mo." Pinindot pindot niya na ang telepono na bigay ko, ilang oras ang inabot namin para magamay niya ang paggamit niyon.

" There you go!"

" Ayon! Ang galing mo, Caius!" Nakipag apir ako sa kaniya nang matawagan niya nang kusa ang aking telepono, ngumiti naman siya sa akin, at saka siya tumingin sa akin.

" Nga pala, nagkausap na ba kayo ng kaibigan mo?" Bigla akong nalungkot sa tanong niya. Umiling ako kaagad sa kaniya, at saka ko ibinaba ang telepono ko sa katabi naming table.

" Hindi pa. Gusto niya akong makausap kahapon, kaya lang ay wala akong gana." Tumango siya sa sinabi ko.

Hinawakan ni Zyne ang aking kamay, at saka siya ngumiti sa akin.

" Caius, pasensiya ka na talaga, ha? Ayaw ko mang malaman niya pero galit na galit na siya sa akin kahapon, natatakot akong baka magalit ka sa akin." Umiling siya sa sinabi ko, at saka siya tumayo.

" Gusto mo bang makita ang mga kaibigan mong sirena?" Lumiwanag ang aking mukha sa sinabi niya. Tumayo ako sa kaniya, at saka ko kinuha ang mga gamit ko. Niyakap ko siya kaagad.

Hindi naman siya gumalaw nang yakapin ko siya.

" Gusto ko, Caius. Samahan mo naman ako. Sige na, please?" He chuckled in my ears. Nanayo ang balahibo ko sa kaniya.

" We'll go there if you want. Tara na?"

Agad na napapikit ako nang maamoy ang simoy ng hangin at dagat. Nakakamiss naman bumalik dito. Agad na tumingin ako  kay Caius na kabababa lang ng sasakyan ko. Lumapit ako sa kaniya.

" Nasaan na sila?" Tanong ko kay Caius.

" Nandoon na." Turo niya. Agad na napasigaw ako sa tuwa nang makita ang mga kaibigan kong nakatingin na sa akin at inaabangan na akong magpunta sa kanila. Kumaway ako sa kanila, at saka ako tumakbo sa kinaroroonan nila.

" Namiss ko kayo!" Sigaw ko sa kanila. At saka ko siya nilapitan.

" Xandra!" Inalalayan ako ni Caius nang muntikan akong mahulog sa tubig nang tuluyan at mabasa ang aking buong katawan.

" Caius.."

" Nakapag umpisa na ba kayo ng Prinsipe?" Umiling ako sa tanong nila sa akin, at saka ako naupo sa batong malaki.

" Hindi pa e. Bukas palang, nag aadjust pa kasi si Caius sa buhay sa siyudad, sinasanay ko muna siya para kahit papaano ay alam niya ang gagawin kahit na hindi niya ako kasama, siguro naman may mga oras na hindi ko siya masasamahan, kaya dapat ay alam niya na ang gagawin mag isa." Ngumiti sila sa sinabi ko. Nakapalibot sila sa akin, nagmamasid naman si Caius sa paligid para makita kung may ibang tao na parating.

Hinawakan ng isang sirenang babae ang kamay ko.

" Narinig namin mula sa perlas na suot mo na umilaw ang mata ng prinsipe?" Nagulat ako sa tanong nila sa akin, pati pala sila ay naririnig ang sinasabi ko kapag nakasuot saakin ang perlas?

Tumango ako.

" Oo, totoo ba ang sinabi niya sa akin?"

" Oo, Xandra. Totoo nga. Matagal na naming hinihintay na umilaw ang mga mata niya para sa ibang babae. Kahit noon pa, inilapit na siya ng mga magulang niya noon sa iba't ibang sirenang prinsesa, pero hindi kailanman umilaw ang mga mata niya. Sayo lang iyon umilaw, kaya malamang ay ikaw na ang hinahanap niya." Lumingon ako kay Caius na nakatayo at paikot ikot ang tingin sa paligid. Napangiti ako nang may hawak siyang mga bato, at saka niya ito inihahagis sa tubig.

" Tao ako, impossible naman atang mangyari iyon. Hindi ako pwedeng mamuhay sa tubig."

" Pwede kang maging sirena habang buhay, at pwede siyang maging tao habang buhay, kayo lang ang may karapatang magdesisyon kung ano ang dapat ninyong gawin para magkasama kayong dalawa habang buhay." Nakita kong papalapit na sa amin si Caius kaya lumayo na sila sa akin.

Tumingin si Caius sa mga sirenang kaibigan ko.

" May paparating na mga bangka. Bumalik na kayo sa kuweba, baka mapahamak pa kayo." Hinawakan ko ang kamay nila at saka ako kumaway.

" Salamat. Ingat kayo."

" Mag iingat po kayo, Mahal na prinsipe. Xandra."

Lumungkot ang mukha ko nang bigla silang lumangoy palayo sa aming dalawa ni Caius. Tumingin ako kay  Caius na nakatingin din pala sa mga sirena na nakalayo na.

" Caius, ako nga ba talaga ang nakatakda para sayo?" Tanong ko sa kaniya habang bumabato sa tubig.

" Susubukan kong alamin. Base sa sinabi mo ay dalawang beses mong nakitang umilaw ang mata ko nang mahawakan kita. Naguguluhan ako, pero pag aaralan ko at pilit kong aalalahanin kung anong ibig sabihin niyon." Lumapit ako sa kaniya. Tinignan kong muli ang mga mata niya, at saka ko nakitang umilaw iyon. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi ko na sinabi sa kaniya.

" May nakita na akong mga libro na tungkol sa katubigan, baka makatulong iyon, kukunin natin sa bahay ko." Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse ko, at saka kami nagmaneho pauwi sa bahay namin.

Habang nasa byahe ay nakaramdam akong sumakit ang ulo ko.

" Ahh.." Daing ko. Napapailing pa ako sa sakit.

" Ayos ka lang ba?" Tanong saakin ni Caius. Hindi ako makalingon sa kaniya dahil masakit ang ulo ko at napapapikit ako sa sobrang sakit.

" Caius.."

" Hindi pwedeng mangyari ito.." Bulong niya sa sarili niya. Nagtaka ako sa biglaan niyang pagbulong.

Anong ibig niyang sabihin?

" Anong sinasabi mo?" Hinawakan niya ang kamay ko, at saka siya may inilabas na perlas sa kamay niya. Ibinigay niya ito sa akin.

" Inumin mo iyan, Xandra. Makakatulong iyan para makontra ang lason." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

" Lason?"

" Nakakilala tayo ng sirena habang nasa labas tayo, naamoy niya ako at nalaman niyang sirena ako. Alam niya din na tao ka, kaya nilason ka niya gamit sa pagtitig mo sa kaniya nang aksidente. May natatandaan ka bang nakatitigan mo kanina?" Agad akong nag isip, mayroon nga.

Isang babaeng matangkad, at makinis din ang balat kagaya kay Caius.

" Iyong babae na iyon.."

Hiding His Mermaids Tail Where stories live. Discover now