ANG BABAENG KASAMA KO SA LIVE GAME

12 1 0
                                    

ANG BABAENG KASAMA KO SA LIVE GAME

Nagsimula na ang pagbunot ng pangalan sa itim na kahon. Ang dalawang mabubunot na pangalan o tatlo (depende sa bilang ng sumali), ay magkagrupo.

I joined the festival live game because of the prize. Gusto kong supresahin ang girlfriend ko sa darating na first anniversary namin sa susunod na linggo.

Grabe, inaantok na ako hindi pa rin nababanggit pangalan ko.

“Jeyanon Kin!...” Napunta agad ang tingin ko sa harapan. Sa wakas nabanggit na rin pangalan ko! “And Krista Monero! Please raised your hands and walk forward.” Nawala ang mga ngiti ko nang mabanggit ang pangalan ng babae.

Baka mali lang iniisip ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa harapan at laking gulat ko nang makita ko ang girlfriend ko.

Ang babaeng kasama ko sa live game ay ang girlfriend ko!

“I will start the game later. So, here’s the instructions, kada makukuha ninyong flag ay one hundred points. Ang makakapasok sa finals ay ang may puntos na, five hundred to ten thousand. Kapag may na-injure kayo, disqualified agad. Puwede ninyong nakawin ang flag ng iba na walang patayan. We have first, second and third runner up kasama na ang most champion. Ang prize namin ay fifty thousand to one million. So everyone, good luck. Puwede na simulan.”

Nang marinig ni Krista ang paliwanag, ngumiti ito ng nakakaloko at kumindat-kindat pa sa akin.

Agad akong lumapit dito at hinawakan ang kamay niya.

“Babe, saan us pupunta? Dangerous ba there?” conyo niyang tanong sa akin at napailing na lang ako. Hindi ko sinagot ang tanong niya at hinila na siya sa loob ng maze. Live game ang sinalihan naming dalawa. Ibig sabihin niyon, buong district ng Green at Gideon ay makakakita.

Pinapalabas na rin ito sa televisions.

Nang makapasok na kami, huminto si Krista sa paglalakad at ganoon din ako.

“Babe oh, see I have a flag already. White flag oh see mo siya. Fifty points nakalagay.”

What the fuck? Paano siya nakakuha ng flag na ganoon kabilis?

“Where did you get that?”

She pouted, “babe naman, parang ’di ako kilala. Saan ko pa ba nakuha? Edi sa kalaban. Someone is running at our back then I simply stole the flag on her waist. Galing ko ’di ba, babe?”

Napanganga naman ako sa sagot niya. Girlfriend ko ba talaga ’to?

“Dito ka lang. Hahanap pa ako ng points.” Tumango lang siya bilang sagot at nagsimula naman akong maglakad at agad na lumiko.

Umupo naman ako sa may bato nang may makita akong footprints sa lupa.

Agad kong hinukay ang ilalim ng lupa at nakita ko roon ang dalawang flag na nakatago. Posibleng inapak-apakan nila ang lupa at ibinaon ang puntos nila para walang makakita. Pero dahil may alam ako sa mga ganito, madali kong nakuha.

“Babe, i’m here na!” Hindi ko siya nilingon at inabot sa kaniya ang dalawang flag na nakuha ko.

“Hawakan mo muna,” seryosong sabi ko.

Kinuha niya ito mula sa kamay ko at tumayo na at sandaling inilibot ang tingin. Baka may nilagay pa silang flag.

Pagkatapos ng ilang segundo, hinarap ko siya pero wala ng flag sa kamay niya.

“Nasaan ’yong mga flags?” tanong ko at gulat siyang tinignan. Ano’ng ginawa ng babaeng ’to?

“Babe, pinamigay ko.”

“Ano?”

“Pinamigay ko,” sagot niya ulit.

“Ano?!”

“Pinamigay ko! Ulit-ulit ka na, babe!” sigaw niya pabalik. Napasapo ako sa noo ko.

“Bakit mo binigay?” inis na tanong ko at ngumiti lang siya.

“Share your blessings daw sabi niya eh. Baka madagdagan kasalanan ko sa heaven, babe kapag madamot ako.” She pouted again and smiled after.

I crossed my arms as I raised my left eyebrow. “Nagpa-uto ka naman? Ginagago mo ba ako?”

“Hayaan mo na, babe. Ayaw ko pa magkaroon ng kasalanan. Matagal ka ng gago babe. Dumagdag lang  ngayon.”

“Sayang ’yong prize! Ano ka ba!” Kahit kailan ginagalit ako ng babaeng ’to.

“Uto-uto rin naman siya. Sabi ko may flags pa sa may bangin. So they both jumped.”

“Ano?! Bakit mo ginawa ’yon?!” Masama ko siyang tinignan at ngumiti ulit siya.

“Pero babe, nakuha ko rin flag nila. Ito oh, see. Tatlo na flag ko tatlo rin sa kanila. Pasko na rin, babe. Exchange gifts kami.”

Tangkina. Bakit ba pinatulan ko ang babaeng ’to?

Agad akong tumalikod at naglakad. “Layuan mo ako, babae! Kanina pa ako nagtitimpi sa ’yo!”

“Jeyanon Kin and Krista Monero, disqualified na kayo. Nahulog sa butas ang dalawa.”

Napahinto ako at agad na tinignan si Krista.

Tumalon-talon siya at pumalakpak. At may gana pa siyang gumaniyan?

“Yey! Makakapag-shopping at salon na ako! Napilit lang naman ako sumali eh. Thank you, announcer!” malakas na sigaw niya na lalong nagpa-iling sa akin.

“Huwag mo akong kakausapin, Krista ha. Naiinis na ako sa ’yo!”

“Babe, huwag kang ganiyan. It babe oh, ten thousand.” Pinakita niya sa akin ang cash na hawak niya.

“Saan mo nakuha ’yan?” seryosong tanong ko.

“Ninakaw ko sa announcer, babe. May pang-date na tayo kahit disqualified na. Galing ko ’di ba, babe? Congrats mo ako bilis!”

Tangkina...

@derinovem

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now