LA HISTORIA DE FILIPINAS 1915 II

6 0 0
                                    

LA HISTORIA DE FILIPINAS 1915 II

Ako ay binigyan ng matinong kasuotan ni Autolycus; ang diyos na anak ni Hermes. Mukhang balak nito magpunta sa isang pasugalan gamit ang kasuotan ng mga Amerikano. Paniguradong lalong lalala ang away sa pagitan ng dalawang bansa dahil karamihan sa mga Pilipino ay ayaw sa mga Amerikano. Tanging ang mga hayok sa kayamanan ang may kagustuhan na makipagkasundo sa mga Amerikano, lalo na ang mga negosyante.

Maraming kababaihan sa loob ang nahumalig sa hitsura ni Autolycus. Hindi na ako magtataka dahil siya ay anak ng diyos sa bundok ng olympus. Maraming kababaihan ang gusto siyang hawakan at kunin siya ngayong gabi ngunit nakahawak ito sa akin ngayon. Doon sila napapaisip kung ako nga ba ay kasintahan ng lalaking ito.

Isang matabang lalaki at mayroong itim na sumbrero ang sumalubong sa amin. Mayroon itong bagay sa kaniyang bibig na naglalabas ng usok. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ay sigarilyo. Nagdala na rin kasi niyon si Thanatos.

“Kaibigan!” sabik nitong tawag sa kaniya. “Isang Amerikano,” dagdag pa nito.

“My name is Don Hermano De Santiago y Fuerza Elvorostrado. I am the owner of this small casino,” pagpapakilala nito dahil inaakala niyang isang Amerikano si Autolycus.

“I am here for bow and arrow as my prize,” direktang sagot ng diyos na si Autolycus. Ang mga tao ngayon dito ay nagagawang magsugal habang lumalaban ang iba sa labas para sa kalayaan ng bansa nila.

“Oh! I see, I see. Bring out the prize!” sigaw nito sa mga tauhan niyang normal ang mga pananamit. Iba’t-ibang kulay ng kanilang damit ang aking nakikita. Walang disenyo katulad ng mga pananamit ng mga diyos at mga alipin. Kahit pa sila ay alipin ay binibigyan sila ng kasuotang babagay sa kanila. Pare-parehas ang kanilang mga kasuotan at karamihan sa mga kasuotan nila ay mahaba ang kanilang pambaba at maikli sa itaas.

Nakapaninibago sa panahong ito. Kahit ang mga kasuotan ng mga Amerikano. Hindi ko rin akalain na sa paglipas ng maraming taon ay ganito na ang kinalabasan ng pagdami ng tao sa lugar na ito.

Ang lalaking may pangalan na Don Hermano Santiago y Fuerza Elvorostrado ay tumingin sa akin na animo’y nasasabik sa panibagong diyamante na nasa kaniyang harapan.  Binigyan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Doon ko napansin na malagkit ang mga titig ng kaniyang mga mata na dati ko nang nakita mula sa mga mata ng mga babae ni Thanatos sa kaniyang tahanan. Ang mga titig na gustong angkinin ang buong pagkatao ni Thanatos dahil sa ganda ng kaniyang katawan at kakaibang hitsura na kaniyang taglay.

Nakita ni Thanatos na ako ay nag-oobserba mula sa malayo. Pinilit niya akong sumama sa mga babaeng kasama niya at pinaalalahanan pa ako na kung kaya kong lasahan kahit ang isang daliri sa kaniyang kamay ay gagawin niya akong asawa. Hindi ako pumayag sa kagustuhan niya kaya naman mula noon ay hindi niya na ako ginagambala. May mabuting puso rin si Thanatos ngunit masyado lang siyang mahilig sa mga kababaihan.

“Who is this girl with you, sir?” tanong ng matabang lalaki na mukhang may anak at asawa, tinatawag siyang Don Hermano.

Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa labi ni Autolycus at ipinatong ang kaniyang kamay sa aking braso na parang kaniyang ipinapakita na ako ay nasa ilalim ng kaniyang pamumuno.

“She is my wife, Don Hermano. Now, will you give us a way to that prize?”

Maari niya namang sabihin na ako ay malapit niyang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali ang salitang ‘wife’ ay isang asawa. Ang mga diyos sa olimpyano ay mahilig sa paghahanap ng asawa lalo na kung ito ay prinsesa mula sa Griyego, Ehipto, at sa malalapit nitong bansa.

Hinila ng kaniyang mga tauhan ang isang kahon at tinanggal ang itim na tela na nakapatong sa ibabaw na ito upang mapigilan ang liwanag ng aking mga sandata. Ang liwanag na iyon ay mula pa sa liwanag ng araw na mayroong enerhiya na puwedeng magpaalis sa demonyo na magbabadyang bumaba upang kainin ang mundo. Ang liwanag na taglay nito ay hindi kasing-liwanag na mayroon si Gemini (Δίδυμοι) ngunit mas mabilis ang tama nito sa anumang liwanag na mayroon ang planetang ito.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now