SIMULA

240 9 1
                                    

Simula

LINCOLN POV.

        "NAK, GISING NA, MAY PASOK kapa." isang nakakarinding sigaw ni Mama sa labas ng pinto ng k'warto ko habang binabaldag ang pinto ng malalakas nitong pagkatok.

Naniningkit na iminulat ko ang aking magandang mga mata at sinulyapan ko ang alarm clock ko. Hindi pa 'yon tumutunog. Alas quatro pa lang ng umaga. Mga four; thirty yata, pero heto't parang isang armalayt na ang bibig ni Mama, na nagsusumigaw na. Mas excited pa yata siya kaysa sa'kin 'e.

Gayunman, walang salitang bumukas sa bibig ko para respundehan si Mama. Kasi nga, talagang inaantok pa ako. Pa'no ba naman, kagabi lang ay nagpuyat ako, mga ala-una ng madaling araw na yata ako natulog tapos ngayon gigisingin ako ng magaling kong ina? Bale mahigit tatlong oras pa lamang ang tulog ko. Hindi ba p'wedeng ipagpahinga ko muna 'yong mga mata kong namumugto na? Kakapanood ko ito ng mga funny videos sa Facebook, at mga kaldagers boys sa Tiktok. Iyang dalawang apps na 'yan ang kina-aadikan ko, nowadays.

"Anak, gising na!" isang malakas na sigaw pa ni Mama na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa loob ng k'warto ko.

Mabilis akong napabalikwas ng bangon ng makita si Mama na nagpupuyos na sa galit. Namumula pa ang pisngi nito.

Pinagtatakahan ko kung bakit niya nabuksan ang pinto, ngunit ng makita ko ang spare key sa kaniyang kamay. Kaya pala.

"Ma, ang aga-aga pa, four thirty pa lamang nambubulabog kana. Tingnan mo 'yung alarm clock ko." inis kong sabi habang kumakamot pa ng bahagya sa aking buhok. Kainis naman 'e!

Pasalampak akong humiga sa kama at sinakluban ng kumot 'yung buo kong katawan at marahas na ipinikit ko ang aking mga mata.

"Hindi ka babangon o kukuha ako ng mainit na tubig at ibu—"

"Eto na, eto na, babangon na. Kayo naman, Ma, 'e, hindi naman kayo mabiro." agad akong tumalima ng bangon at mabilis na tumakbo patungo sa malinis kong bathroom.

"Bibigyan kita ng sampong minuto, kapag hindi kapa bumaba, kukurutin ko ng pino 'yang kuyukot mo!" rinig kong pananakot pa sa'kin ni Mama hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa loob ng bathroom ng k'warto ko.

Inis na napakamot ako sa aking mabangong buhok.

Kainis naman! Sobrang nakakainis talaga si Mama. Teacher pa ba siya? Ganun ba talaga ang wastong pag-aalaga ng g'wapo nilang anak? Na kapag naging babae ay sobrang ganda? Tch! Kairita.

Napatingin ako sa salamin dito sa loob ng k'warto ko.

"Hala shit!!!" sambit kong ganiyan na animo'y nabigla sa aking mga nakita. "Sino 'yan? Sino 'yan? Pakshet! Ang g'wapo kahit bagong gising, sana ganito din kayo?"

Hinaplos ko ng marahan ang glass skin kong mukha. Hala-shit! Ba't ganito? Woke-up like this. "Ang g'wapo mo boy, ikaw na. Ikaw na talaga. Ang ganda mo siguro kapag naging babae ka. Sana babae kana lang." pagkausap kopa sa repleksyon ko sa salamin na ginagaya lang naman lahat ng mga ginagawa ko. Boses nga lang ang hindi niya kayang gayahin.

At bago pa nga ako mahulog sa pagpapantasiya sa aking sarili. Ikinalma kona 'yon. Mabilis na akong nag-tungo sa shower room ng bathroom ko upang maligo. S'yempre, kailangan ko ng maligo dahil para ng may tunning ang kuyukot ko. Kapag hindi pa ako nakapag-tapos-tapos ng pagliligo't pag-aayos ng sarili'y baka makatikim ang kuyukot ko ng pinong kurot sa mama kong talakera.

Ayaw ko namang magasgasan ang kuyukot ko. Ang puti-puti kaya ng kuyukot ko tapos sasalbehehin lang ng Mama ko. No way!

'Yun nga, after kong maligo na halos kuskos lahat ng kasulok-sulokan ay ngayon mas lalo pa akong bumango. 'Di ba kanina sobrang bango kona? Ngayon naman sobra-sobrang bango kona. Tsaka ang linis-linis ko talagang tingnan, kase nga, bukod sa malinis ako sa katawan, maputi din ako.

Ball To LoveWhere stories live. Discover now