KABANATA 7

146 2 0
                                    

Kabanata 7

MIKE'S POV.

        SA LAHAT NG MAGKAKA-IBIGAN ako na siguro ang pinagkaitan ng s'werte. Ganda lang siguro 'yung ibinigay sa'kin. 'Yung gandang wala ang iba, ako lang ang meron. Oo na! Pangit na ako. Masaya na kayo?

Siguro ng magsabog ang nasa Itaas ng kagandahan ay natutulog ako sa pansitan o baka naman hindi pa ako nasisilang. Siguro maling proseso ang pagkakagawa sa'kin. O baka naman maling posisyon?

Ano ba kasing posisyon ang ginawa ng mga magulang ni Lincoln para maging ganoon ka g'wapo ang mukha niya? Tapos ang ganda-ganda pa niya kung naging babae siya. Bakit ba naman kasi hindi nagtanong ang mga magulang ko ng magandang posisyon kapag nagtatalik para maganda rin ang lumabas? Ayan tuloy, 'yung ganda ko'y parang nanuno.

Wala rin naman kasing paghahanapan. Reject din naman ang pagkakagawa sa mga magulang ko. Tulad ng mga magulang ko'y pangit din sila. Ayaw konang magbuhat ng bangko kasama ang lamesa, mas'yadong mabigat.

At bukod sa pagiging d'yosa ko ng kagandahan, ay pinagkaitan pa ako ng ginhawa sa buhay.

Lumaki ako sa mahirap na pamilya, well hanggang ngayon naman mahirap parin kami. Ano bang bago?

Nakakapang-liit nga sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan kong bakla. Si Kent, si Joros, at si, Lincoln, may mga magagandang hanap buhay ang kanilang mga pamilya. Kung hindi nga dahil kay Lincoln ay mahihirapan akong pakisamahan ang iba pa.

Si Lincoln lang ang nagparamdam sa'kin na hindi problema ang estado sa buhay, mahirap man o mayaman, pantay-pantay.

'Yung pakiramdam na may kasama akong mga mayayaman, kailangan talaga isabay ko 'yung sarili ko sa kanila. Minsan nga napapagod na rin akong lumebel sa kanila kahit hindi ko naman sila ka-level.

Kumbaga langit ako lupa sila. I mean, lupa ako, langit sila.

Dama niyo ako? 'Yung pakiramdam na kailangan mong gawin ang lahat, makasabay kalang sa kanila.

I'm not inggetera. Hindi ako inggetera talagang minsan lang naiisip ko, bakit ganon? Bakit kailangan pang ako 'yung pagkaitan?

Ganon pa man, no one will have the right to bully me. Sa usapang tapang ay palaban ako. Hindi ko hahayaang matapak-tapakan ako. Hindi porke't mahirap ako'y magpapa-alila na. Hindi dapat ganon. Sabi nga ni Lincoln dapat pantay-pantay. Kaya kung pa'nong tinatrato niyo ang mayaman, dapat ganoon din ninyo itrato kaming mga mahihirap. Let's be fair. Oh, 'di ba? Lagic?

"Ang halalan para Class treasurer ay bukas na.." anuns'yo ng aming guro.

Doon lang bumalik ang aking diwa. Treasurer. Sino ba ang magaling mag-tago ng pera? 'Yung hindi sana binubulsa 'yung class fund, tsaka 'yung iba pang nakukurakot sa noisy at standing.

"Paalala. 'Yung mag-halal ng class treasurer na magaling humawak ng pera, hindi magaling mambulsa." paalala pa sa'min ng gurong si Ginang Fano. 'Yung pagpapa-alalang pabiro ngunit may laman.

Si Ma'am Fano. Bale mabait naman si Ma'am Fano. Siya 'yung tipo ng taong hindi mahilig mag-saway. Matanda na kasi, bukas-bukas ay mag-re-retired na siya. Kaya siguro hindi na lang pinapansin kapag makukulit ang kaniyang estudyante. Para siguro hindi na makadagdag sa stress nito.

'Yan, tama naman. Tama naman si Fano.

"Kiara.." pagtawag ng guro namin kay Kiara.

"Tumaas na ng kamay si pabibo. Mukhang ihahalal ang kaibigan niyang pabida. Si Mikaella." pabulong na sambit ni Joros na hindi ko alam kung kanino niya sinabi 'yon. Kung kay Lincoln o sa'kin. O baka naman sa kaniyang sarili? Ewan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ball To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon