KABANATA 4

64 1 0
                                    

Kabanata 4

         ANG BAKLANG SI MIKE NA kanina pa namin hinihintay sa tambayan ay napag-alaman naming nasa loob na pala ng classroom namin. Naka-ob-ob lang siya ng madatnan namin.

Agad si Mike nilapitan ni Kent at sumunod naman si Joros na naki-isyoso din. Sumunod na lang din ako sa dalawa.

Napahinto ako bigla ng matanaw kong lalapit sa'kin si Eyton. Kilala niyo na siguro si Eyton, 'di ba? Siya 'yung lalaking kulot na nakapag-bighani sa puso ko. Gumising sa natutulog kong puso. Tumunaw sa nag-ni-nyebe kong puso. Ano? Ten Years Gap lang ni OWWsic?

Going back. Napahinto nga ako. Tumigil ako sa paglakad ng tumingin siya sa'kin. 'Yung tingin na.. "wait! Gusto niya ba ako? Crush niya rin ba ako? Kung, oo, dapat sa bahay niya ako ligawan. Kasi strict ang parents ko. Ehe!"

Matapos niya akong tingnan na sa kalkula ko'y limang segundo ay iniwas na niya ang kaniyang tingin. Tapos nilampasan na rin niya ako.

At dahil doon, muntik na akong mahimatay ng lampasan niya ako. Don't get me wrong. Hindi siya si G'waho.

Muntik na nga akong mahimatay ng lampasan niya ako. Bakit? Kasi naman, ang bango niya. Oo, punyemas. Ang bango talaga niya. Parang nabasa na 'yung panty kong suot. Ay, naka-brief nga pala ako. T'saka naisip ko. Wala nga pala akong Kipay.

Grabe! Puta! Ba't ganun? Ang bango talaga niya? Ang bango niya. Wait! Nahihilo ako. Buhatin mo'ko, Eyton. Dalhin mo'ko sa k'warto niyo. Mag-ano tayo. Ohhhh! Minor moments.

Nakalimutan kona tuloy kung ano ang gagawin ko. Nalaman kona lamang ng makita ko 'yung tatlo kong kaibigan.

Nilapitan ko sila at umupo na rin ako sa tabi nila.

"Be, ano ba kasing nangyare? Bakit ka umiiyak? Anong sinabi sa'yo ni Mrs. Saguid?" animo naawang tanong ni Kent.

Naawa nga ba talaga si Kent? 'Yun ay 'di ko alam. Hindi ko naman nararamdaman ang nararamdaman niya.

"Oo nga be? Ano'ng sinabi sa'yo? 'Di ka tuloy nakapag-reccess." segunda naman ni Joros.

"Wala, be. Wala ito." sambit pa ni Mike na ganiyan habang mahinang humihikbi, tapos lalakas tapos hihina.

"Kung ayaw mo sa'ming sabihin, okay lang. Basta tumigil kana sa pag-iyak, 'di bagay sa'yo." singgit ko sa usapan ng tatlo.

"HAHAHAHAHA." malakas na tawa ni Joros, parang kanina lang ay nagpapakita ito ng awa kay Mike. Tapos ngayon kung makahalakhak parang balyena. "Oo nga be, ang pangit talaga." sabi pa ni Joros na itinuloy ang pag-tawa.

Tumigil naman sa pag-iyak si Mike at masamang binalingan ng tingin si Joros. Inirapan niya ito. "Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan, huh? Tangina mo!"

Kinurot ni Mike si Joros sa braso dahilan para mapapitlag ito sa sakit habang patuloy parin sa pag-tawa.

Parang mga sira-ulo? 'Di ba?

****

      MADALI LANG LUMIPAS ANG mga panahon. Nagka-kilala na kami sa isa't-isa. Lahat kaming mga magka-kaklase. Kaso may iba talaga na hindi namin kayang i-close. Kasi naman, bukod sa maarte ay nakaka-b'wisit din!

Hindi parin kami nag-a-arrange ng seat. Nasa unahan parin kaming apat na sang're, tapos 'yung iba naman ay palipat-lipat lang.

Umaga palang at wala pa si Ma'am Fano. Bale may panahon pa kami para makapag-bonding-bonding. Kami mga sang're.

Narito kaming apat sa paborito naming tambayan, sa maliit na stage.

"Be, ang ganda ng Ecantadia kagabi." pabungad na sambit ni Joros.

Ball To LoveWhere stories live. Discover now