KABANATA 3

81 1 0
                                    

Kabanata 3

LINCOLN POV.

        WALANG MAPAG-SISIDLAN ang kilig na nararamdaman ni Mike ng magpakilala ang maasim na lalaking nag-ngangalang Asher. 'Yon pala ang pangalan ni Maasim.

"Be, crush ko siya. Crush kona talaga siya, promise." sambit pa ni Mike na ibinulang pa sa'kin.

"Sino be?" isyoso ni Kent.

"Si Asher be. 'Di ba ang g'wapo?"

"Oo nga be, bagay kayo."

Hayun. Isa rin pala sa personality nitong si Kent ang pagiging supportive. Kung baga, siya 'yung taong pinapaasa pa 'yung kaibigan niya kahit wala naman talagang pag-asa. Parang siya 'yung tipo ng tao'ng pasubong.

"Be, 'wag kana mangarap. Mukha kang bislad na pusit, 'di ka n'yan magugustuhan." pabulong na singit ni Joros sa usapan ng dalawa. Ako naman itong tahimik lang na ngingiti-ngit dahil ngayo'y pasimpleng kinurot ni Mike si Joros.

"HAHAHA." tawa ko sa aking isip.

"Oy, 'wag na kayong maingay. And'yan na si pabibo. Magpapakilala na." pukaw ko sa tatlo kong kaibigan dahilan para matahimik sila't pagmasdan ang pabibo naming kaklase. Sino pa nga ba? S'yempre, 'yung nagpakita ng kulay kanina.

"Magandang umaga kamag-aral, magandang umaga rin po sa inyo, ang aming magandang guro. Ginang. Fano. Ako po si Mikaella Real, labing dalawang taong gulang. Anak ni Danilo Real at Tina Real. Nakarita sa Banifacio. Ang paborito ko pong gawin ay mag-basa, mag-sulat, mag-aral, marami rin po akong alam na sports. Tsaka marami rin po akong kayang gawin. Sana po maging kasundo ko kayong lahat. 'Yon lang po at maraming salamat."

O? Tapos na pala? Akala ko iku-k'wento pa ang buhay niya. Dapat kin'wento na rin niya. Pabida 'e. Sinama pati paboritong gawin. Hindi rin naman tinatanong kung sinong tatay at nanay pero sinama pa niya.

Ugh! Kairita!

"Maraming salamat, Mikaella." tuwang-tuwa naman ang uto-uto naming guro. God!

Lumipas pa ang iba pa naming mga kaklase na nagpakilala. May mukhang mabaho, may mahiyain, may naka-brace na natural lang. Kasi nagmistulang brace 'yung mga gato-gato niya sa ngipin. Tapos ang lawak-lawak pa ng ngiti niya. Abot hanggang gilagid. Akala mo naman ay maputi ang ngipin. Puro tartar at gato naman.

Isa na naman ang nakapukaw ng aking mga mata. Guess who?

"Magandang umaga po. Ako po si Mark Manay. Labing dalawang taong gulang. Salamat po."

Guess who's Mark Manay?

God! Siya lang naman 'yung lalaking nakasabay ko kanina sa tricycle. Siya 'yung pogi na mabaho ang hininga. Si G'waho. So.. dito pala pumapasok si G'waho? Sucks!

Kapag talaga nag christmas gift, toothbrush at toothpaste ang ireregalo ko sa kaniya. Samahan kona rin ng mouth wash. Sayang 'e. Ang pogi-pogi pa naman. Takte na 'yan.

Si Mark Manay nga pala ay parang hot nerd. Kasi may makapal siyang salamin sa mata, pero g'wapo parin. Mabaho nga lang ang hininga.

Sa ngayon, dalawa na ang natitipuhan ko sa klaseng ito. Si Eyton at si Mark Manay. Kapag naging kami talaga ni Mark, reregaluhan ko siya ng hygiene kit. I swear.

Oh? Minor moments. HAHAH.

Natapos ang pagpapakilala namin sa isa't-isa. At dahil nga grade six na kami. Kami na rin ang lumilipat sa iba't-ibang classroom. Hindi na 'yung teacher. Kami na talaga.

And then.. ano pa bang maganda, bukod sa'kin? Eh, g'wapo pala ako.

'Yun na nga. Wala talagang maganda sa first day of school. Nagmistulan tuloy kaming the repeater, paulit-ulit naming ipinakilala ang aming sarili sa mga guro.

Ball To LoveWhere stories live. Discover now