KABANATA 6

61 0 0
                                    

Kabanata 6

LINCOLN POV.

          "BE, SI KIMBELLE DAW may asthma." pabungad na bulong sa'kin ni Joros matapos niya akong lapitan.

"Oo nga 'e. Narinig ko nga." sabi ko namang ganiyan.

"Naniniwala ka?" seryoso pa 'yung itsura niya habang nagtatanong.

Kung ako ang tatanungin. Hindi ko alam ang aking isasagot. Kasi wala naman ako sa kalagayan niya. Isa pa, hindi ko naman nasusubaybayan 'yung mga kilos niya. Kaya, ayun, I don't know.

"Hindi ko alam, be." sagot kona lamang ganiyan.

"Pag-talaga nakita ko 'yang nagpagod, kokomprontahin ko talaga 'yan." sabi pang ganiyan ni Joros. Mukhang hindi parin nakaka-move-on. "Nagpaka-sunog tayo sa pila tapos siya nandito lang sa loob ng classroom. Ni hindi man lang siya pinagpawisan. Kab'wisit!"

"Ano daw 'yun, be? Sinong inapag-usapan niyo?" singit na tanong ni Mike.

"Ganito kasi.." kay Mike naman lumapit si Joros at hayun nagtalakan na ang dalawang bakla. Heto naman ako. Dahil nga mainit, napilitang ikalma ang sarili at hayaang malunod ng kukurampot na hanging lumalabas sa mini-fan ko.

Maya-maya pa dumating na rin ang aming adviser na si Mrs. Fano. Siyempre, kami mga mukha ng ni-rape, samantalang 'yung teacher namin fresh parin. Nainitan versus nasa lilom.

"Ma'am ako na ho, d'yan. Ako na ho ang magdadala ng bag niyo." at kinuha na nga ni Mikaella ang bag ni Ma'am.

"Salamat, anak." nakangiti namang sambit ng guro.

"Ma'am tulungan kona rin kayo." sabi naman ni Kiara na kaibigan nitong si pabibong si Mikaella. Ito naman ang nagdala ng iba pang mga gamit ni ma'am.

Ang galing 'no? May instant assistant agad si Ma'am. Bravo.

Inilapag na ng dalawang pabibo 'yung mga gamit ni Ma'am doon sa table bago malawak ang ngiti ng dalawang nilisan 'yon.

Maya-maya pa. Namataan kona lang si Mikaella at si Kiara na may dalang tambo at dustpan. Nagwawalis silang dalawa o nagwawalis-walisan dahil nandiyan si ma'am? Ano ba sa dalawa?

"Ma'am dapat may schedule na tayo ng cleaners, kasi ang kalat-kalat 'e." sambit ni Mikaella na ngayo'y doon inunang walisan ang table ni ma'am.

"Kapag mayroon ng schedule ang cleaners, ikaw ang magiging leader, Mikaella, para mag-sunuran 'yang mga ka-gurpo mo." sambit ni Ma'am.

"Salamat, ma'am.

Maya-maya pa, natapos na rin ang pag-e-eme-walis ni Mikaella. Pabida ano?

Kanina noong wala si Ma'am, hindi nagwawalis at nagdadaldalan lang. Tapos ngayon na nandito na si ma'am tsaka naman parang kidlat na may hawak na agad na tambo't dustpan. Sinama pa 'yung kaibigan niyang si Kiara na pabida rin/sipsip.

"Magandang umaga sa inyo, mga mag-aaral."

Lahat naman kami'y nagsipag-tayuan ng bumati na ang aming guro. "Magandang umaga, Ginang Fano." sabay-sabay naming balikbati. Namukadkad talaga ang boses ni Mikaella at ng spawn niyang si Kiara.

"Umupo na kayo.."

At nagsipag-upuan na nga ang lahat.

"Ngayon, ako ang magiging guro ninyo sa buong tanghali. Hindi na kayo lilipat pa. Bakit?" my teacher paused for a minute. "dahil naatasan kaming, ayusin na ang ating classroom. Kailangan na na'ting magkaroon ng halalan para sa silid aralan na ito. Pagkatapos, i-a-ayos kona rin 'yung mga permanenteng upuan ninyo na dapat ninyong kalagyan. Once, na, naisayos kona ang dapat ninyong upuan, ay hindi na kayo dapat lumipat pa. May tao akong uutusan na maglilista ng mga lumilipat ng upuan. Minus 5 sa'kin."

Ball To LoveWhere stories live. Discover now