KABANATA 5

68 0 0
                                    

Kabanata 5

LINCOLN POV.

         NAGIGING MAASIM NA ang aking mga kaklase dahil sa nakaka-lulang init na dulot ng araw na saktong-saktong tumatama sa aming mga estudyante. Sa kalkula ko'y talagang nangangasim na talaga ang mga kaklase ko. Kasi naman mga pinagpapawisan na. S'yempre maging ako'y ganun din, pero mabango naman ako. Sobrang bango ko kaya.

'Yun na nga, i was thinking about my classmates. Ang init kasi sobra. So.. sino kaya ang may mabahong putok sa mga kaklase ko? Sino kaya 'yung binabagtas na ng pawis ang mga kilikili? Sino kaya 'yung nangangasim na 'yung mga kasingit-singitan? Wala lang naisip kolang natanong.

Natapos na mga ang Flag Ceremony, pero hindi pa doon nagtatapos ang aming pagdurusa sa initan.

Kasi meron pang morning exercise. 'Yung Go-Go, Milo Champ na kanta. T'saka 'yung Girl In The Mirror. S'yempre bago 'yun,ay stretching muna kaming gagawin. Stretching sa kamay at paa, pati ba naman bewang.

Bakit nga ba namin ito ginagawa? 'E gusto lang naman naming mag-aral? 'Di ba?

Tapos ang dahilan pa ng Principal kaya daw kami narito sa initan para daw kuno makakuha ng nutrition ng sikat ng araw ang aming katawan. 'E grabe naman, hindi na nutrition ang makukuha namin sa araw. Pagka-hilo na. Ang taas-taas na kasi talaga ng sikat ng araw. Tsaka ang init-init na talaga. Sobra. Tas ang masama pa roon, siksikan pa kami sa pila. So.. lalong kumukulob ang hangin at lalong nagiging mainit ang singaw.

"Grabe ang init talaga." daing kopang ganiyan kasi naman, ang init-init talaga.

Maya-maya, napakunot na lamang ang noo ko ng may maramdaman akong medyo maaliwalas na hangin sa may bandang likod ko. Ang nasa-isip ko baka may sumingaw lang na hangin. Kaya hindi kona lang pinansin. Ipinikit kona lang 'yung mga mata ko't dinama 'yung medyo preskong hangin.

Then, medyo na-ku-curious na ako. Kasi hindi talaga tumitigil 'yung hangin. So.. nilingon kona.

Medyo nabato pa ako at hindi nakagalaw ng makita kong may dala-dalang pamaypay 'yung teacher namin at siya pala 'yung gumagawa ng hangin.

Kaya pala..

Medyo nag-assume lang ako. Konti lang naman. Konting-konti. Akala ko naman kasi pinaypayan na ako ni Eyton kasi naman siya lang 'yung nasa likod ko. So nag-assume lang naman ako ng konti. Kasi sumigaw ako kanina na sinabi ko ang init. So akala ko naman concern siya't ayaw niya akong mainitan.

Sige na be, tama na ito aking pag-a-assume.

Natapos na ang aming morning exercise, nag-punta na rin sa unahan 'yung teacher namin na kanina lang ay nagpapasagap ng hangin niya.

Akala ko'y tapos na ang pila at magsisibalikan na kami sa aming mga silid aralan, ngunit hindi pa pala.

Kasi may announcement daw ang prinsipal patungkol daw kuno sa kaniyang pamamalakad sa paaralang ito.

Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga. Hanggang kailan ba ito matatapos? Sunog na ang balat ko. Kailangan ba talagang magsalita ng prinsipal sa unahan? P'wede naman niyang isulat na lang tapos ipa-xerox then bigyan kami ng copy at ipamigay isa-isa. Handa naman akong mag-bayad, promise.

Ugh! Kairita!

At dahil wala akong magawa sa aking buhay, tamad din naman akong makinig sa prinsipal dahil wala naman talagang bago. As in. Ganon parin.

Pinagdiskitahan kona lamang 'yung kaklase kong babae na nasa unahan ng babae naming kaklase na katabi ko sa pila.

Ang pangalan ng babaeng napag-tripan kong pag-diskitahan ay si Ryza.

Ball To LoveWhere stories live. Discover now