KABANATA 2

110 5 0
                                    

Kabanata 2

LINCOLN POV.

          NORMAL NA TALAGA sa paaralan na kapag simula ng klase ibig sabihin ay kailangan nating magpakilala, isa-isa, ng ating mga pangalan sa unahan. And take note, magpapakilala tayo bawat subject. Kaya talagang makikilala mo na ang isa't-isa kapag nagkataon.

Tulad na lang ng ginagawa namin ngayon. Ang pagpapakilala sa unahan.

At dahil nga kaming tatlong sang're ay nasa first row, ibig sabihin ay madali lang kaming matatawag upang ipakilala ang aming mga sarili. Bale limang nasa first row sa unahan ang unang nagpakilala isa-isa. Hanggang sa si Joros na ang sumunod.

Kinakabahan at talandi itong tumayo na animo'y isang anghel ngunit ang kalooban naman ay puro kadimonyohan.

"Hi, my name is Joros Servañez, 11 years old. From sitio Morente Ville. And, I, thank you." para itong baklang nasa Ms. Q and A sa paraan ng pagpapakilala nito.

"Pasensya na Ginoong Servañez, maari mo bang ulitin ang 'yong pagpapakilala. Filipino ang asignaturang tinuturo ko, kaya dapat Filipino din ang paraan ng pagpapakilala mo." demanding na turan ni Mrs. Fano.

Pigil naman sa pag-tawa ang iba. Ang iba naman ay hindi na nakapag-pigil, akala mo naman ay may nakakatawa.

"Anong nakakatawa? Huh, estudyante?" singit ni Mrs. Fano dahilan para mapatahimik ang lahat.

"'Yan kasi. Bakit niyo kasi pinagtatawanan, nagalit na tuloy sa'tin si Ma'am. Guys, respect, please." sagot ng babae naming kaklase.

Naku, mukhang alam kona kung sino ang magiging pabida sa silid aralan na ito. Simula palang ng klase'y nagpakita na agad ng kaniyang tunay na kulay, kahit isa rin naman siya sa nakitawa kanina.

"Tama 'yan. Ganiyan dapat. Anong pangalan mo hija?" tanong ni Mrs. Fano sa babaeng pabida/pabibo agad sa first day of school.

"Uhmmm.. Mikaella po ma'am." sambit pa ng babae na bahagya pang nagpakita ng pekeng ngiti.Alam ko naman na peke talaga 'yon, pabibong ngiti lang kung baga.

"Gayahin niyo si Mikaella."

"Hindi ko naman ugaling magpabibo, Ma'am." sambit ko pa sa aking sarili.

Mala-proud na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng pabibong si Mikaella, akala mo'y madali na niyang nakuha ang trust ng aming guro.

"Siya sige, ituloy ang pagpapakilala."

Nahihiyang itinuloy ni Joros ang pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sa lahat ng aming mga kaklase. "Magandang umaga po sa inyong lahat, ako po si Joros Servañez,  Labing one na gulang. Ahhh. Uhmm. Labing.."

Tawanan muli ang mga estudyanteng naroon. Pa'no ba naman, eleven lang, hindi pa alam ng baklang si Joros ang tagalog. Hasyt! Sucks!

"Labing one daw, bobo."

"Sana all, labing one."

"HAHAHA."

"Baklang twoh!"

'Yan, mukhang alam kona rin 'yung mga judger na akala mo naman ay walang nagawang pagkakamali.

"Tahimik po tayo. May teacher po sa unahan." Alam niyo na naman siguro kung sino 'yung pabidang bumunat?

Walang iba kundi si Mikaella at 'yong katabi niyang babae na batid kong kaibigan niya.

"Pabibo.." patagong sigaw ng isang lalaki na hindi namin namataan kung sino. 'Yung pag-sigaw na agad ikinubli ang pagbuka ng bibig at nagmistulang seryoso na akala mo nama'y hindi siya ang gumawa ng tunog.

Ball To LoveWhere stories live. Discover now