Chapter 3

2.2K 38 4
                                    

"love is unfair"

"ako na magdadrive"protesta ni Jl. Peru di parin ako nagpatalo. "I let you drive if you can exceed on my speed on driving" seryoso kung sabi. "baka ihulog mo ulit si Cj matuluyan talaga yan" protesta parin nito.

"Jl hayaan mo na si Aly,mas magaling talaga at mabilis sa pagdadrive yan."paliwanag naman ni Jasper.

"tsk" yon lang ang sagot niya at hinaya-an narin akung magdrive. "hug me honeybunch"sinunod naman niya ako at pinagitna niya lang si Cj.

Anu ba kasing katangahan pumasok sa isip ng isang to at gustong magpakamatay? Siya naman pinili ni Mj ah. At yon si Mj iyak ng iyak. Tss. kasalanan to ng love eh.

Pagdating namin sa hospital sa bayan namin. Agad naman kaming tinulungan ng nurse para dalhin sa emergency si Cj. Nakarating din naman agad ang iba naming mga kasama.

"alis bili muna tayo ng damit" woah, he had new nick name for me. " wow honeybunch, you really give me new nick name?" tsk na naman ang sagot. Sumunod nalang ako sa kanya. Puno kasi ng dugo ang likurang bahagi ng damit ko ky Jl naman sa harapan.

"magjeep lang tayo,ayoko pang mamatay" tumawa nalang ako sa kanya. Takot talaga siya pag ako ang nagdadrive. Haha nagka phobia ata, pwede naman na siya na magdrive eh. Haha

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatigil ako sa pagtawa. At sumunod nalang sa kanya sa paglalakad.

Habang nasa loob kami ng jeep. Umupo kami sa magkabilang upuan at magkaharap kami ni Jl. My dalawang lalaking tumabi sa akin. Tapos my umupo din sa guilid ni jl.

"miss akin na pera at selpon mo" my naramdaman din akung nakatusok sa magka bilang bewang ko.

"i'm sorry dude, I don't know that selpon. And here, I have 1 peso. It's all yours" nakangiti kung sabi.

"aba't! L*ntik na babae to, wag mo nga akung ma inglis inglis. Akin na telepono mo kung ayaw mong mabutas tagiliran ugh!.. Napasinghap nalang lahat ng pasahero maliban sa dalawang katabi ko kanina na naka tihaya na sa daan.

Nakita ko akmang tatayo ang isang lalaki na katabi ni Jl na my hawak na kutsilyo. Peru di pa tuluyang nakatayo ay humawak ako sa steel na hawakan na nasa bubong ng sasakyan at pwersahang sinipa ko palabas ng bintana ng jeep ang lalaki. Ang resulta bulagta din siya sa daan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng jeep. Kumaripas naman ng baba ang isang lalaking naka upo sa dulo kahit patuloy sa pagandar ang jeep.

Nakatulala naman ang lahat na nakatingin sakin. Lalo na si Jl na parang nanigas sa kina uupuan. Pati narin ang naka-upo sa tabi ng driver. Ang driver naman panay silip sa rearview mirror niya. Ngumiti muna ako bago nagpaliwanag. "hehe napanuod ko lang sa movie, ginaya ko lang hehe" mukhang di pa sila kumbinsido at nagbulung bulongan pa. Peru di ko na sila pinansin pa.

Nakarating kami sa tindahan ng mga damit ng di nagsasalita si Jl. Nanuno ata to. Pumili nalang ako ng damit. Kinuha ko rin ng damit si Jl dahil mukhang nasa pluto ang kaluluwa niya.

Ako narin nagbayad at bumalik na kami ng hospital para doon nalang magbihis. Pagbalik namin nagtricykle naman kami. Matiwasay naman kaming nakabalik sa hospital at nagbihis agad.

Pagdating namin sa private room ni Cj ay nagsisigaw na si Mj.
"kulugo, bumangon ka jan, huhuhu" hala, patay na ba si Cj?. Hindi yon maaari.

"anu kaba balyena, hayaan mo muna siya magpahinga. Gigising din yan. Masyado lang yan napagod sa kaingayan mo" napatigil naman sa kadramahan ang pinsan ko at tinitigan si Christine na nagsalita.

"gusto mo magpahinga rin Pusa?" naku, naging dragon naman itong pinsan ko.

"hehe,sige tuloy mo lang pala,para magising siya agad" sagot ni Christine. Tsk! Galitin niyo lang ang bagong gising wag lang ang pinsan kung walang kain.haha

" hoy kulugo! Bangon na sabi,liligawan mo pa ako diba? Sasagutin na kita eh. Bangon na!huhuhu"parang nanunuod lang kami ng telenovela na ang bida ang pinsan kung si Mj at si Cj na nacoma. At kaming lahat Jl, Nova, Gerome, Jasper at pati narin si Christine ay tumahimik nalang at pinanunuod namin si Mj na parang baliw na sinisigawan si Cj.

"ang unfair naman eh,kung kelang pwede na tayo saka kapa naaksidente" sabi ni Mj at humagulhol ulit sa iyak.

"unfair nga talaga, kasi mahal mo nga, iba naman ang mahal" awts! Tagos. Tinamaan ako don ah. Parehu pala kami. Hay pag-ibig ang unfair mo. Or duling lang si kupido? Iba ang pinana niya?

#Aly-Jl-Mj-Cj
#ReynaPasaway
#SCM

(complete) She's Chasing MeWhere stories live. Discover now