Chapter 6

1.6K 33 16
                                    

Dedicated to: razel99
Love! Love! Love! Everyone wants that.

"honeybunch I have good news" nandito kasi kami ngayon sa hospital, binabantayan namin si Cj. Dahil boring daldal nalang ako ng daldal.

"anu naman yon?"bagot na sagot nito nang di manlang ako nilingon. Badtrip na siguro to dahil sa kadaldal ko. Wala naman kasi kaming pwedeng gawin eh.

"mage-enroll na ako sa school niyo" deri-deritsong sagot ko. Nilingon niya ako ng my gulat sa mukha. Saka bumuntong hininga. Hala ang cute niyang makatanggap ng goodnews, nagugulat tapos napapa buntong hininga.

"good news ba yon?"walang ganang sabi nito. Napanguso tuloy ako. Akala ko pa naman maging masaya siya sa balita ko. Ngumiti din ako kaagad para hindi niya mahalatang naapektohan ako sa reaction niya. Binigyan ko pa siya ng matamis na ngiti bago sabihing "oo naman".

Naging tahimik naman kami pagkatapos kung sumagot sa kanya. Wala ni isang nagsasalita. Gusto ko pa sana siyang kausapin ng kausapin pero natatakot naman akong lalo lang siyang mainis.

Ilang minuto pa ang lumipas ng maisipan kong kausapin sana siya ulit ay 'di na ako nakapag salita, dahil tinanong ako ni Jl ng "bakit mo ako mahal?" nabigla man ako sa seryosong tanong niya ay sinagot ko parin ito. "ewan ko ky kupido" masamang tingin naman ang ipinukol niya sakin kaya natawa ako.

Ang sarap niya talagang asarin, lalo kasi siyang gumagwapo pag seryoso ang mukha at ang super cute pag naiinis. "sige tawa pa jan babustedin kita"don na ako napatigil sa pagtawa at gulat siyang tinitigan dahil sa sinabi niya.

"anu sabi mo? BABUSTEDIN mo ako? Ibig bang sabihin noon my pag-asa ako sayo" napangiwi naman siya sa sinabi ko. "ganyan pala ka corny pagmanligaw kaming mga lalaki?" parang walang kamuwang-muwang namang pahayag nito.

"Buti alam mo" sabi ko sabay tawa. Masamang tingin ulit ang ipinukol niya sakin kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko para hindi matawa.

"yong kaninang tanong ko, bakit mo ako mahal?" seryosong saad nito. "hindi ko alam, ganyan naman pag true love diba? Walang explanation kung bakit mo siya minahal" paliwanag ko. Napatango-tango naman siya. Siguro naniniwala siya sa akin.

" pano naman yong minahal mo siya dahil siya yong dream boy/girl mo?" hala totoo ba to naguusap kami ng masinsinan? Di talaga ako mapakali kaya kinuha ko ang kamay niya at tinampal sa noo ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko at kumunot ang noo niya saka tinitigan ako.

"anung ginagawa mo?nababaliw kana ba?" nagtatakang tanong niya, habang hawak hawak niya ako sa dalawang balikat. " oo, nababaliw na ako sayo"sagot ko naman na 'di nakatingin sa kanya. Nag tsk lang ito.

"Sana di nalang kita kinausap, wala naman akong matinong sagot na nakukuha sayo"saad nito ng di na nakatingin sakin.

"grabe ka naman, 'di lang kasi ako makapaniwala na kinakausap mo ako. Masyado kang madrama alam mo ba yon" saad ko at dinugtungan ko ng tawa.

"alam mo para ka talagang lalaki, yang mga style mo ng panliligaw, panlalaki eh. Inaasar muna ang nililigawan niya para mapansin sila. Tsk!... Basagulera kapa, nakikipag ayaw ka kasi sa mga lalaki, yong ginawa mo nakaraan sa jeep. Lalaki lang ang kayang gawin yon. Tapos kung magdrive kapa ng motor para kang walang puso, di ka kinakabahan. Baka naman nagpa retoke ka lang ha" natatawa naman ako sa mga sinasabi niya.

"honeybunch thank you sa compliment"nakangiti kung sabi, napa-iling naman ito ng di ko mawari ang dahilan.

"bakit honeybunch?" para kasi itong napasukan ng insekto sa tenga na walang tigil sa pag-iling.

"maganda ka sana, mukhang matalino ka naman, kakaiba ka pa nga eh,kaya lang baliw ka." tuwang-tuwa na pahayag nito. At tumawa siya ng tumawa, kaya sinabayan ko nalang siya sa pagtawa at mas nilakasan ko pa ang tawa ko dahilan para mapatigil ito sa pagtawa at tinignan ako ng masama.

"nakaka hawa kasi yang tawa mo honeybunch kaya tumawa din ako" paliwanag ko sa pagsabay ng tawa sa kanya na ako naman ang pinagtatawanan niya.

"tsk! Ewan ko sayo" tumayo ito at bubuksan na sana niya ang pintuan. Pero dahil mabilis ako ay hinarang ko ang katawan ko at hinarap siya.

Napamulagat pa kami pareho dahil sa sobrang lapit na pala ng mukha namin.

"ah, honeybunch... Diba hindi mo pa ako sinasagot? But hahalikan mo na ako?" kahit halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito ay nagawa kong sabihin ang mga yon.

"tabi ka na jan, my bibilhin lang ako sa labas" sagot nito sabay iwas ng tingin.

"sama na ko honeybunch, baka magahasa ka sa labas. Mahirap na, 'di pa kita napapasagot eh" saad ko na hindi umaalis sa pagkaharang sa pintuan.

Umiling naman ito at nag tsk! ng ilang beses.

Kahit nakaharang ako sa pintuan ay inabot niya parin ang door knob. Kaya ang resulta parang magkayakap kaming dalawa. Kumabog lalo ang dibdib ko na halos di na ako makahinga.

" 'di ka parin ba aalis jan?" halos malawan na ako ng malay ng ibulong niya iyon sa tenga ko. Mas lalong nagwawala ang puso ko na parang tinakasan ako ng kaluluwa ko dahilan para hindi ako makagalaw.

"tsk! Nanaching ka ano? Kaya ayaw mong umalis" nakangiting saad nito.

Doon na ako natauhan at umalis ako sa pagkakaharang sa pintuan.

Binuksan nya din agad ang pintuan at lumbas.

Dali-dali naman akung naglakad para maabotan ko siya.

A/n: double posting po.di kasi makita ng iba. :-(

(complete) She's Chasing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon