Chapter 17

1.5K 28 17
                                    

Love? Tibay ng loob ang kailangan.

Sunod lang ako ng sunod ky Jl. Ayaw ko kasing umuwi sa bahay ni Lola Minerva kong saan ako nakatira ngayon.

Malamang, mag-ala father si Lola at sermonan pa ako noon. Kaya sasama muna ako ky Jl at malaman ko ang bahay nila.

Pagdating namin sa bahay nila ay hinarap ako ni Jl. "but ka sumunod? Dapat umuwi kana" malumanay na sabi nito.

"diba itatanan mo ako honeybunch?"nakangiting saad ko. Tinitigan naman ako ni Jl, na halatang nagpipigil lang ito ng galit. Ngumiti lang ako sa kanya. "honeybunch naman, gusto mo bang maging pari si lola Minerva at sermonan naman ako?" paawa na sabi ko.

"ewan ko sayo!" inis na sabi nito at tumalikod para pumasok na ng bahay nila kaya sumunod narin ako. Pero bigla siyang tumigil at hinarap ako.

"ewan mo ang kabaliwan mo dito sa labas ha" seryoso saad nito. Napatango nalang ako bilang tugon. Kaya naglakad na siya papasok ng bahay nila habang ako naka-sunod sa likuran niya.

. . . .

"oh, Jl sino iyang kasama mo? Girlfriend mo?" salubong sa amin ng babaeng nasa singkwenta na ang edad. Agad naman akong lumapit sa babae at nagmano. "ako po si Aly mama, future girlfriend po ng anak niyo'ng si Jl" deri-deritsong sabi ko pagka tapos magmano.

Pero ilang saglit lang ay tumawa ang babae pati narin si Jl. "pagpasensiyahan niyo na po yan tita, dakilang pasaway lang po yan" saad ni Jl habang natatawa parin ito.

"Teka! tita? Tita mo siya honeybunch?"nagtatakang tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"ay! Sorry po tita ha. Akala ko kasi...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ito agad. "ok lang. Mas gusto ko nga mama itawag mo sa'kin. Wala kasi akong anak"nakangiting sabi nito.

"talaga po? Baka gusto niyo po ampunin niyo nalang ako"biro ko rito. Pero biglang sumingit si Jl. "naku tita ma-u-ubosan ka po ng dugo pag inampon niyo yan." saad nito.

"grabe ka naman honeybunch, pwede naman kumulo muna dugo ni tita, 'di naman ako bampira no"sagot ko. Tawa lang ng tawa si Tita.

"alam mo Aly, bagay ka ky Jl kasi ang kulit mo, buti naman at napa sagot ka niya?" tanong ni Tita na parang naniniguro pa.

"hindi ko pa po siya boyfriend, nililigawan ko palang po siya"proud na sagot ko na ikinagulat ni Tita.

Natawa muna ito ng bahagya bago ng salita. "nakakatuwa ka talaga, well goodluck sa panliligaw mo sa kanya" natatawang saad nito at tinapik ako sa balikat.

"inisin mo lang, para magsalita. Hindi talaga yan pala salita" bulong ni Tita na ikinangiti ko.

. . . .

Nasa veranda kami ni Jl kumakain ng meryenda ng bigla itong nagtanong. "bakit hindi ka tumitigil sa paghahabol sakin?" seryosong tanong nito. "hindi naman tayo naghahabolan honeybunch eh. Kumakain tayo. Tapos naka-upo lang" ma'ang ma'angan ko.

"seryoso ako" diing turan nito. "ah seryoso pala, kala ko...." hindi ko na natapos sasabihin ko ng tumayo ito.

"honeybunch, ito na seryoso na... Ikaw ba bakit hindi kaparin tumitigil na umasang mahalin ka ng pinsan ko?"seryong tanong ko.

Noong una, kunot-noo niya ako'ng tinitigan pero sinagot 'din niya sa huli ang tanong ko. "mahal ko siya. Ganoon talaga siguro pag nag-mahal ka, hindi ka tumitigil kahit nasasaktan kana"seryosong saad nito.

"para kalang naghiwa ng sibuyas honeybunch. Kahit umiiyak kana dahil sa paghiwa dito, pero patuloy ka parin dahil alam mo'ng sasarap ang niluto mo pag may sibuyas. Ganoon din sa pag-mamahal, hindi ka tumitigil kahit nasasaktan kana dahil alam mong sasaya ka pag minahal ka rin niya" paliwanag ko dito. Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko.

"parang naghihilod ka rin. Kahit masakit sa balat ginagawa mo parin para pumuti ka" natawa naman siya sa sinabi ko.

"kahit kelan talaga wala kang oras na pinapalagpas para ilabas ang kabaliwan mo"turan nito na umi-iling pa.

"anong oras? Segundo kaya honeybunch. Walang segundo na hindi ako nababaliw sayo" banat ko. Natahimik naman siya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"baliw ka talaga, nanliligaw kaba talaga sakin o nang-aasar?"inis na tanong nito.

"nakikipag-kwentohan?" patanong ko pang saad. Kaya inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"mababaliw talaga ako sayo" mahinang turan nito.

"waaah!!!!" napasigaw ako sa narinig ko kaya tarantang tumayo si Jl at lumapit sakin. Ganoon din si Tita na hingal na hingal ng makalapit ito.

"anong nangyari sayo Aly?"nag-alalang tanong nilang dalawa. At niyugyog pa ako sa magkabilang balikat. "nababaliw na daw si honeybunch sakin" parang tulalang saad ko. Nagtataka namang palipat lipat ng tingin sa aming dalawa si Tita.

"mababaliw ako sa kakausap sayo. Hindi nababaliw sayo" inis na turan ni Jl kaya tumawa lang si Tita at umalis din agad.

"honeybunch naman eh,nagmomoment na ako eh. Binara mo pa" kunwaring pagtatampo ko.

"tsk! Wag mo na akong dramahan. Sanay na ako jan" saad nito at bumalik sa pwesto niya.

"ayaw ko naman mag artista honeybunch eh. Kaya 'di ako nagdadrama. Sayawan at kantahan nalang kita honeybunch gusto mo?" tanong ko rito pero tumayo ito at lumabas ng bahay kaya patakbo ako sumunod sa kanya.

A/n: waley ang update. Super tired

(complete) She's Chasing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon