Chapter 19

1.4K 24 2
                                    

love? Gala nalang akong mall.

"but andami naman ng order mo? Ilang order ang isang bowl?" tanong ni Jl ng makalapit ako sa kanya.

"tig-i-isang order lang yan"sagot ko naman sabay lapag ng ice cream sa mesa.

"sure ka? Bakit dati noong kumain kami ni Mj ang liit lang, mga kalahating bowl lang. Pero ito halos umapaw na" nagtatakang pahayag nito.

"oh sige balik ko na"sagot ko at tumayo. Kukunin ko na sana ang ice cream pero pinigilan ni Jl ang kamay ko.

"natatanong lang ako" saad nito habang nakahawak din sa ice cream. "seryoso bakit ang dami nito?" dagdag pa niya.

"bakit my joke ba na marami?" sagot ko naman. Kaya ang sama ng tingin sa'kin ni Jl. "isa pa Aly" inis na turan nito.

"ay! Kulang pa? Dagdag pa akong isa?" mas lalong nainis si Jl. Kulang nalang sapakin na niya ako sa inis.

"umayos ka nga!" mahina ngunit diing saad nito.

"hala? Magulo ba buhok ko? Madumi ba mukha ko? 'di naman ako mukhang ni-rape ah" saad ko habang ginagawang salamin ang cellphone ko.

"tsk! Makaalis na nga" pero bago pa maka-tayo si Jl ang pinigilan ko ito. "to naman, binbiro lang naman kita honeybunch eh" saad ko.

"marami talaga yan, kasi syempre mabait ako, kaya dinagdagan ng nagbabantay"naka ngiting paliwanag ko naman. Nilingon naman ni Jl ang nagbabantay at tinitigan ako. Salubong ang kilay nito habang papalit-palit ng tingin sa aming dalawa ng nagbabantay.

"ano naman ginawa mo?" seryosong tanong nito. Pero nginitian ko lang siya at kumain na ako ng ice cream. Napa buga nalang ng hangin si Jl at kumain din ng ice cream.
. . . .

"honeybunch manood tayo ng sine" anyaya ko ky Jl pagkalabas namin ng ice cream shop.

"ah..."hindi na ito nakapag salita dahil nagsalita ulit ako. "ok honeybunch, ako na bibili ng ticket. And hep! Huwag ka nang umangal pa" wala narin itong nagawa kundi tumango nalang.

Masyadong busy si Jl sa kaka-chat sa pinsan kong si Mj kaya ako nalang pumili ng panunuorin namin.

"honeybunch pahiram ng cp mo, chat ko lang si Mj, wala kasi akong net" sabi ko pero hindi ito pumayag. "share mo nalang hotspot mo para maki wifi nalang ako"suhestiyon ko naman dahil wala talaga siyang balak ipahiram ang cp niya.

"hindi ko alam paano"sagot nito na hindi parin naka tingin sa'kin at patuloy lang sa pagcha-chat ky Mj.

"akin na nga" inagaw ko ang cp niya kaya hinayaan na niya ako. "manuod ka lang muna, saglit lang naman to" saad ko at patuloy na kina-kalikot ang cp niya.

"woaah!!!!!!" hiyaw ni Jl. Maya-maya pa ay naligo na ako ng popcorn at softdrinks. Lahat ng tao malapit sa'min ay sari-sari ang reaction. My nakatulala na puno ng popcorn ang ulo,my naka tayo na galit na galit dahil basa ang damit. My napahilamos ng mukha dahil ng facial ng softdrinks at facial scrub ng popcorn at kung anu-ano pa. Lahat ng yan kagagawan ni Jl. Ako naman pigil tawa sa reaction niya. Gulat na gulat ito at maya-maya lang ay parang basang sisiw dahil sa sigaw ng mga katabi namin sa upuan.

Dali-dali ko namang hinila si Jl palabas ng sinehan.

"papatayin mo ba ako sa nerbiyos?" galit na turan ni Jl ng makalabas kami ng sinehan. Imbes na matakot sa mukha niyang parang mangangain ng tao ay tuwang-tuwa pa ako. Pero pinipigilan ko lang matawa.

"bakit hindi mo manlang ako tinanong kung ok lang ba sa'kin na manuod na ganun" inis pang dagdag nito. "ah honeybunch ok lang bang horror-suspense panuorin natin?" nakangiting saad ko.

"argh!!!!!!! Nagtanong kapa... Saan kaba pinaglihi ng nanay mo? At walang katulad ang pagiging pasaway mo?" saad nito sabay hilamos ng mukha sa inis.

"sa tingin mo magugustohan kita pag ganyan ugali mo? Sobra sobra na ang kapasawayan mo Aly. Hindi ka marunong umakto na pang babae. Paano pa kita mamahalin?"doon na ako napatigil sa pag ngiti. Hindi ko rin alam kong pati ang mundo ko tumigil narin ba.

Nakita ko nalang na naglalakad si Jl palayo sa akin.

(complete) She's Chasing MeWhere stories live. Discover now