Chapter 20

1.6K 27 2
                                    

Love? Simple lang yan. L.o.v.e.

"Mj apo, ano ginagawa mo sa bobong ng bahay? Baka mahulog kang bata ka" sigaw ni Lola Minerva na nasa labas ng bahay kaya nakikita niya ako dito sa taas.

"naka-upo lola"maikling sagot ko. "ikaw talagang bata ka, kako bakit nandiyan ka sa bubong?" sagot naman nito na nakapa-meywang pa.

"ah! Nag-e-internet la" saad ko na patuloy lang sa pagkalikot ng cellphone ko.

"bakit kelangan diyan pa sa taas ng bubong?"tanong ulit nito. Hindi talaga makulit 'tong lola ko.

"lola, alangan naman sa ilalim ng bubong? Eh wala ako ma-upuan, maglambitin po ako?" paliwanag ko naman.

"susmaryosep kang bata ka,eh di sa loob ng bahay" sigaw parin ni Lola. "hala baba na jan" dagdag pa nito.
"lola naman, walang signal sa loob ng bahay"paliwanag ko naman, nagre-research kasi ako paano umakto ang mga babae.

"nako na bata ka, bakit hindi mo sinabi agad, sumakit pa lalamunan ko kakasigaw sayo." sigaw parin nito.

"hindi ka naman po nagtanong" sagot ko ulit. Hindi ko na alam kung ano pa mga sinabi ni lola dahil umalis na ito. Kaya nagpatuloy narin ako sa pag-re-research.

. . . . Kinabukasan. . . .

"goodmorning" magiliw na bati ko ky Jl. "ganyan kaba magalit, nawawala ang tawag mo sakin?" kunot-noong tanong ni Jl kaya napangiti ako na mas lalong kumunot noo niya.

"bakit namiss mo bang tawagin kitang ganon?"umiwas naman ito ng tingin. "h-hindi ah"nagkanda-utal na saad nito na hindi nakatingin sakin.

"galit kapa ba sakin?"tanong nito pero 'di parin naka tingin sa akin.

"goodmorning sir" bati ko sa aming prof na si Mr. Late. Ang unang prof na sinigawan ako ng first day of school ko. Lahat naman ng kaklase ko nagtatakang nakatingin sakin.

"anong nakain mo Ms. Monteclaro at binati mo ako? At ikaw lang mismong nag-i-isang bumati."pang-u-uyam na tanong ng prof namin.

"puto galing pluto sir" nakangiting sagot ko. "ako ba pinagloloko mo Ms. Monteclaro?"nagbabantang tanong nito.

"totoo naman sir eh. Galing pluto bakery po 'yong puto na kinain ko kanina. Tsaka sir, walang na-u-uto pag walang nagpapa-uto" paliwanag ko naman. Masamang tingin lang ang ipinukol sakin ni sir. Habang ang mga kaklase ko ay ngi-ngiti-ngiti lang.

"so bakit mo ako binati?" matigas na saad nito.

"ay! Ayaw mo ba sir? Bawiin ko nalang ha"kumunot naman ang noo ni Sir sa sinabi ko." ris gninromdoog" dagdag ko pa.

"ano ka allien at kung anu-ano 'yang sinasabi mo?" inis na saad ni sir.

"baliktad lang po yon ng goodmorning sir, para pabalik po sakin bati ko sayo kanina" sagot ko naman na ikinatawa ng mga kaklase ko at ikinagalit ni sir.

"Ms. Montclaro!!!!"hiyaw nito. "get out. To the detention room now!" ako na ang nagdugtong ng sinabi ni Sir dahil hindi na ito makapag salita. Hi-nighblood ata.

Tawa naman ng tawa ang mga kaklase ko ng si Sir na ang dali-daling lumabas ng room. Sari-saring komento naman ang naririnig ko sa mga kaklase ko maliban ky Jl na masama ang tingin sa akin.

Nginitian ko lang ito. Kaya lalo siyang nainis.

. . . .
"hindi kana ba talaga magbabago?" Tanong ni Jl ng matapos ang klase namin sa umaga.

"hindi naman ako gamit na pwedeng palitan ng bago eh"sagot ko naman habang patuloy sa pag-aayos ng gamit ko.

"ay ewan ko sayo, kung ayaw mo'ng makinig sakin bahala ka." inis na saad nito at sinukbit ang bag niya.

"hindi ka naman guro na nagtuturo o pare na nagmi-misa o si lola na nagsesermon para makinig ako"Nakangiting sagot ko naman.

"suko na ako" sukong pahayag nito. Akala ko umalis na siya. Nakatayo lang pala sa likod ko.

"bakit?" tanong ko sa kanya dahil hindi manlang ito nagsasalita. "hindi mo ako pipiliting sumama sayo sa lunch?" tanong nito sakin.

"hindi"maigsing sagot ko na nakangiti. "galit ka parin ba sakin?" malumanay na saad nito.

"yon ang huling gagawin ko sayo kung sakali." saad ko at ngumiti ulit. Lumabas na ako ng room na iniwan siyang tulala.

Pew! Ang hirap pala maging babae. "bakit di ka babae dati alyson?"kontra naman ng isipan ko. Kasi naman ngayon lang ako aakto na babae talaga. Dapat daw lalaki ang maghabol sa babae, lalaki ang nanliligaw, pakipot daw ang babae. Mahinhin. Takte! Mamatay ata ako nito.

Pumunta nalang ako ng canteen para maglunch.

"abah! Himala! Hindi mo napilit si Jl na sumama sayo" biglang sabi ng ni Miss V-fresh, ang ilang beses kong nabangga at sumubsob sa pagkain ko.

Hindi ko nalang siya pinansin. Magpaka babae nga kasi ako.

"ano? Nawalan kana ng dila?"pangungutya nito at tumawa pa. "oh baka naman natauhan kana sa pagiging desperada at malandi mo.

Okey! Last na to. Tumayo ako at hinarap siya. Nginitian ko lang siya at naglakad pero pinatid ko muna siya kaya natumba siya sa mesa ko. Hindi nasubsob ang mukha niya sa pagkain pero nabagsakan na kamay niya ang dulo ng tray kaya tumalbog ang laman nito. Lalo na ang batchoy sa loob ng bowl na pumunta sa ulo nito. Na animoy naging sumbrero nito ang bowl at fake na buhok ang noodles. Kaya ng tumayo ito ay halos magkanda utas sa kakatawa ang mga naroon sa canteen.

"my himala nga!...biglang nagbago kasi hairstyle mo, infairness bagay sayo." nakangiting saad ko. Pero siya ay galit na galit ang mukha nito.

"siya nga pala, oo desperada ako. Pero hindi ako malandi. Mapaghiganti lang" saad ko at ngumisi sa kanya.

Nagtatakbo naman itong lumabas ng canteen.

A/n: thank you sa inyo.

Razel99
InfiniteLaddict
Liztranquill
StupidInlove05
LonelyGirl386
Im_All_yours14

Super busy kaya di ako makapag reply commdnt :-D

(complete) She's Chasing MeWhere stories live. Discover now