Chapter 10

1.5K 29 9
                                    


Dedicated to: razel99

Love? Itulog ko nalang yan

Honeybunch saglit! Kasi naman, ang bilis niya maglakad eh. Kaya hinihingal tuloy ako sa kakahabol sa kanya.

Mabuti naman at tumigil na siya. Nasa tapat na pala siya ng C.R. "ito na ang C.R." bagot na sabi nito. "ah, akala ko kasi Canteen yan eh" masamang tingin naman ang pinukol niya sakin. "hehe joke lang. Masyado kang highblood honeybunch, kamag-anak mo siguro si sir ano?" tanong ko rito. Pero "tsk!" lang ang sinagot kaya pumasok nalang ako ng C.R. para bigyan buhay ang kalikasan sa pamamagitan ng aking mahiwagang tubig galing sa aking laman.

Pagka tapos ko magdonate sa kubeta ay naghugas muna ako ng kamay, walang sabon. Nagtitipid ang school ata. Wala na ayos ayos. 'di uso sakin ang suklay eh.haha

"oh honeybunch, hinintay mo talaga ako? Ang sweet mo naman" pero nag tsk lang at nauna ng maglakad. Kaya naglakad narin ako papuntang room.

Pagdating namin ng room wala na si Sir HB. (short for highblood) Yong mga kaklase kong kanina nag chismisan ng makita akong papasok ay agad silang lumapit sakin.

Di ko nalang sila pinansin at nagtuloy- tuloy nalang ako sa upuan ko na katabi ulit si Jl.

"Aly, astig ka talaga!"
"Aly, idol na kita, ikaw palang my kayang gawin yon"
"grabe Aly,di ka natakot kanina ky Sir? Terror pa naman yon"

yan ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Pero di ko sila pinapansin. Nagtulog tulogan nalang ako.

Maya-maya ay natahimik din silang lahat . Andiyan na siguro ang prof para sa next subject pero dahil feel ko matulog. Kasi nagsusungit naman honeybunch ko ay nag ulog tulogan nalang ako.

Grabe naman tong prof na to, first day of school discuss agad. Nakaka-antok naman tinuturo niya kaya naka pikit parin ako. Maya maya lang ay natahimik sila. "anu kaya nangyari?"tanong ko sa sarili ko.  Ah bahala na inaantok parin ako. Hindi kasi ako kinakausap ng honeybunch ko eh.

Maya-maya lang ay nagpalakpakan ang mga kaklase ko.Umayos ako ng upo kahit naka pikit parin ako at pumalakpak din. Na kunwari nakikinig talaga ako. Mas lalong lumakas ang palakpakan at tumatawa pa ang iba. Nilakasan ko din ang palakpak ko. Mas lalong lumakas ang tawanan nila. Tinatamad kasi akong imulat ang mga mata ko.

Ang tagal naman matapos ang palakpakan nayan. Sobrang galing siguro ng tanong ni Prof. Buti naman at tumigil na sila. Bumalik ako sa pagkaka-ub-ob sa arm chair ko.

"Miss Alyson Monteclaro what is managerial finance?" wika ni sir. Wala namang sumagot. Sino bang Alys... Takte ako pala yon. Dali-dali naman akong tumayo at napamulat. Narinig kong nakabungisngis ang mga kaklase ko kaya nilibot ko ang tingin ko sa kabuo-an ng class room. Lahat sila nakatingin sakin at naka-ngisi.

"ang lakas kasi ng loob matulog eh. Pinalakpakan na, 'di pa napadilat ng mata."rinig kong sabi ng kaklase ko. "ako pala yong pinagtatawanan? Tsk!"  tumingin ulit ako ky sir at ngumiti.

"pardon sir" pinagtawanan naman ako ng kaklase ko kaya sinigawan sila ni Sir na manahimik. Tumahimik naman sila agad.

"what is managerial finance miss monteclaro?" tanong ni Sir.

"Managerial finance, is... provides a perspective on the value creation framework in the context of private and public companies. It surveys all core aspects of financial management including investment, funding, and distribution decisions as well as implications for corporate governance and risk management. More specifically, topics covered include financial analysis, financial planning, working capital management, capital budgeting, capital structure and cost of capital, and dividend policy." deri-deritsong sagot ko.

Nakanganga lang na nakatingin sakin mga kaklase ko. Umupo nalang ulit ko. "sabi ko na nga ba matalino ka" biglang sabi ni Jl na katabi ko.

"so sasagutin mo na ako honeybunh?"tanong ko rito. Umiling naman siya. "aw! Basted parin" natulog nalang ulit ako.
Pumalakpak ulit mga kaklase ko kaya  napamulat agad ako.

"good aly, you can sleep again." sabi ni sir kaya natulog ulit ako. Inutos na ni Sir eh.

A/n ; sorry lame update. Super antok lang talaga.

(complete) She's Chasing MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin