Chapter 23

2.1K 31 1
                                    

Love? When you realize.

Ky ganda ng umaga. Kasing ganda ko. "Miss brokenhearted gising na po" kakasabi ko lang na ky ganda ng umaga eh. Sino ba naman tong ky agang mangulit.

"bakit talipandas ni hudas?" bungad ko sa taong sumira ng magandang umaga ko.

"ganyan kaba mabrokenhearted,nakilala mo si hudas?" sagot naman ni Christine. Andito kasi siya sa bahay ni Lola. Nagbabakasyon kasi namiss niya daw si Lola. Pero alam ko naman si Jasper lang ang sadya niya.

"try ko nga ibalibag ka sa baba kung hindi karin maging brokenhearted. Baka broken face pa nga eh" sagot ko naman.

" 'to naman, hindi na mabiro" dahilan nito at ngumiti ng alanganin. "ito pala listahan, bilhin mo daw yan sabi ni lola" dagdag pa nito.

Kinuha ko naman agad ang papel at pumuntang tiangge para bumili.

"Aling Feliz Navidad pabili po" dumungaw naman agad ang nagbabantay ng tiangge na naka kunot ang noo.

"Felicidad ang pangalan ko, ikaw talagang bata ka" saad nito na my bitbit pa ng tasa ng kape.

"ay! Akala ko po kasi yong pangalan niyo ang nasa kantang... Feliz Navidad! Feliz Navidad! Feliz Navidad! Prospero año y Felicidad" ikinanta ko talaga ito kaya natawa si Ali.

"naku! Ikaw talagang bata ka. Oh! Siya! Ano bibilhin mo?" inabot ko naman agad sa kanya ang listahan ni lola.

"ovaltine na milo, vaseline na rejoice, champion na tide bar, surf na ariel powder, downy na comfort, bearbrand na alaska... Ano to alis!? pinagloloko mo ba akong bata ka?" inis na saad ni Aling Felicidad.

Napakamot nalang din ako ng ulo. "si lola po kasi my lista niyan eh"sagot ko.

"eh ano pipiliin mo sa mga ito? Tulad nitong ovaltine na milo?" nayayamot na tanong nito.

"lahat po ng pangalawa,kasi parang pagmamahal lang yan, hindi ka hahanap ng ikalawa kung mahal mo ang una" nakangiting saad ko.

"talagang mga bata ngayon, puro pag-ibig inaatupag kaysa pag-aaral" na-i-iling na saad nito habang kinkuha lahat ng bibilhin ko.

Nang ibigay ko ky lola mga pinamili ko ay tama naman daw lahat yon.

. . . .

"hoy babaeng malandi!!!" bungad sa akin ni Miss malas ng makapasok ako ng room namin.

Hindi ko siya pinansin at dumeritso lang ako sa aking upuan.

"talaga bang hindi mo ako kakausapin na malandi ka?" inis na saad nito at pumunta sa harapan ko.

Bali plastic chair ang gamit namin ngayon kasi my activity kaming gagawin dito sa loob ng classroom. Kaya umupo ako sa huling row. Pumunta naman si miss malas sa next row sa harapan ko at doon tumayo.

"wala kabang bunganga Aly?" nagtitimping tanong nito. "meron" tipid na sagot ko na ikina-inis niya lalo.

"aba't! Bakit kanina hindi ka sumasagot?" inis paring saad nito. Hindi ko na siya sinagot at kunwaring busy sa cellphone.

"hoy! Alyson! Bakit Hindi mo ako sinasagot?" inis na sigaw nito.

"bakit? Nanliligaw kaba?" tumawa naman ang mga kaklase ko na naroon sa loob ng room.

Aabutin niya sa ang buhok ko pero tumingkayad ako para hindi niya maabot ang buhok ko. Kaya bumagsak siya sa sahig at natambakan ng mga silya.

Pinagtawanan lang siya ng mga kaklase ko. Walang ni isang tumulong sa kanya. Hindi naman kasi namin siya kaklase inabangan lang talaga niya ako dito.

Hindi ko rin siya tinulongan. Lumipat ako ng ibang upuan sa pinaka dulo malapit sa bintana.

Patuloy lang sa pagtawa ang mga kaklase ko ng biglang pumasok si Jl. Natahimik silang lahat. Kaya nagtatakang tiningnan ako ni Jl.

"babe help me! Huhuhu that bitch Aly, sinaktan ako" pagdadrama ni Miss Malas.

Tumawa lang ako. Ang galing kasi niya gumawa ng kwento eh.

Inalalayan naman siya ni Jl at pina-upo sa silya.

Lumapit agad si Jl sa akin na masama ang tingin. Pagka lapit niya ay hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso. Kinabahan naman ako bigla sa titig niyang galit na galit.

"ganyan kaba ka desperada Aly? Kailangan mo talagang manakit ng tao? Wala kana bang respeto sa sarili mo ha?" sigaw nito sa mukha ko. Sasagot na sana ako ng hinalikan niya ako ng marahas. Mapag parusang halik na kahit pinangarap mong mahalikan ng taong yon kong nasasaktan ka naman sa pamamaraan ng halik niya ay mas gugustohin mo nalang hindi maranasan na makahalikan siya.

"yan ba gusto mo? Ano pa?" sigaw niya sa mukha ko.

Hindi na ako nakasagot. Tulala lang akong nakatitig sa kanya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang mainit na likidong dumadaloy sa aking mukha.

Umiiyak na pala ako. Dali-dali ko ito pinahid. Magsasalita sana ako, pero nabigla ako sa reaksiyon ni Jl.

a/n: next chapter finale na po.:-D
Sorry kung puro ky Aly lang po ang scene dito. One person point of view lang po kasi gamit ko.

My book 2 po kaya maiksi lang siya. Sorry walang kilig scene. Hindi po ako mahilig sa romance.hehe tsaka isip bata po si author. Haha

Anyway-highway-expressway
THANK YOU IN ADVANCE sa patuloy na pagbabasa.

(complete) She's Chasing MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang