Final chapter

3.4K 61 19
                                    

Love? no exact definition.

Magdadalawang linggo narin ang nakalipas na sa kauna-unahang pagkakataon pumatak ang luha ko sa harap ng ibang tao.

Wala akong nasabi noon dahil sa reaksiyon ni Jl na gulat na gulat. Kaya imbes na magsalita,  ay tumakbo nalang ako paalis. Para  saan pa ang paliwanag ko kung hindi rin niya ako pakikinggan.

Kaya ngayon nagugulohan ako. Diba dapat ako ang nagtatago? Kasi ako ang nasaktan, ako ang napahiya. Pero hindi ko naman ugali magtago eh. At bakit ganoon ang reaksiyon ni Jl. Gulat na gulat  siya.

Haist! Bakit ko pa ba iniisip 'yon? Kailangan ko ng makapag-move on.

"Aly, sumama ka muna sa'min... Si Jl kasi...." kunot noo ko namang nilingon ang dalawang kaklase kong lalaki. "bakit?"takang tanong ko.

"sumama ka nalang please" kinakabahang sumama naman ako sa kanila.

. . . .

"andiyan siya sa loob" nagtaka naman ako dahil tinuro niya ang stock room. Wala namang ilaw sa loob. Parang wala namang tao. Pumasok ako para silipin kung andiyan nga si Jl pero bigla nalang sinara ang pintoan. "pasensiya na Aly,napag utosan lang" sigaw ng isang kaklase ko na naghatid sakin dito.

Ano pa nga ba magagawa ko? Hindi naman masyadong madilim dito kasi waliwanag pa sa labas at kakatapos lang ng klase namin.

Mahigit isang oras na akong naghihintay pero wala namang pumunta dito sa'kin.  Sino kaya my pakana nito? Ay bahala sila. Matutulog nalang ako.
. . . .

Nagising nalang ako ng my narinig akong pag-unlock ng door knob. Binubuksan na ata nila ako. E-salvage na ata ako.

"Aly, pwede kanang lumabas" saad ng kaklase ko na naghatid sa'kin kanina dito.

"tsk! Ang tagal niyo naman akong e-salvage" talak ko. Napamulagat naman siya ng mata sa sinabi ko.

"hindi ka namin e-salvage ah! Grabe ka naman... Ito palang bulaklak para sayo" paliwanag nito. Tinanggap ko rin agad ang bulaklak.

My lumapit pang isang kaklase ko at binigyan ako ng bulaklak. Pagkatapos hinawakan ako sa braso at inalalayan maglakad. Ipinasa ako sa isang kaklase ko na binigyan din ako ng bulaklak. Ganoon din sa mga sumunod pa. Hanggang dumami ang bulaklak na hawak ko. Parang isang boquet na nga. Binitbit pa ang iba ng isa kong kaklase na babae.

Nagpatuloy lang ang pagbibigay nila sa akin ng bulaklak at pagpasa-pasa sa'kin hanggang makarating ako sa harap ng stage. Iniwan ako ng huling umalalay sa'kin sa gitnang banda sa baba ng stage.

Pinalibutan ako ng mga kaklase ko na my dalang kandila bawat isa at nagformation sila na hugis puso.  Dahil medyo mag-ga-gabi na ay makulimlim na ang kalangitan kaya kay gandang pag-masdan ang nakapalibot na kandila na hugis puso at ako ang nasa gitna.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Siguro sI Jl my pakana nito. Gusto niya lang bumawi sa akin. Ambisiyosa lang te?kontra naman isipan ko.

Maya-maya lang ay umilaw sa stage. Biglang lumabas si...  "Dexter?" naibulalas ko. Dahil hindi ko inaasahan na siya ang my pakana nito.

My dala siyang guitara.

Lumapit siya sa mikropono na andoon sa stage at sinimulan ang pag togtog ng guitara.

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya

Pagsismula niya. Pero tulala lang akong nagkatitig sa kanya.

Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na

(complete) She's Chasing MeWhere stories live. Discover now