CHAPTER 9

13.9K 270 5
                                    

Pagkatapos ng shocking proposal ni Macky sa rooftop may kasunod pa pala sya surpresa sakin. Wala ako idea na naihanda na nya ang lahat at planado ang bawat detalye.

Maluha luha ang mga mata ko ng makarating kami sa beach. Di ko makakalimutan ang beach na to dahil dito ko huling nakasama si Marquise. Masakit na ala-ala pero ayoko kalimutan.

'Baby I know malungkot na memories ang meron sa

"Mom are you ready?" tanong ni Mariam sakin hawak kamay ang kamay ng kapatid nya.

"Yes baby." hinawakan nila ang mga kamay ko para ihatid ako sa harapan ng manmade altar, sobrang ganda ng pagkakaayos sa tabing dagat halatang pinagplanuhan mabuti.

"We love you mom." sabay sabi ng mga anak ko ng marating namin ang altar. "I love you more..." inabot nila ang mga kamay ko kay Macky.

"Relax my love." nanlalamig ang mga kamay ko at tumango kay Macky. "Mamaya pa kita kakainin." kailan pa naging flirt ang lalaking to?

Sumeryoso ang mukha ni Macky na tumitig sakin.

"I know kahit di mo sabihin sakin, pinili ko ang lugar na ito dahil gusto ko burahin sayo ang ala ala ng kapatid ko, dinala kita dito at dito ko napili dahil alam ko na may halaga sayo ang lugar na to, dito ko pinili dahil gusto ko madagdagan ng magandang memories ang lugar na to, mahalaga din sakin ang lugar na to dahil lahat ng memories na kasama ko si Marquise karamihan nandito." pagpapaunawa nya.

Ngumiti ako at marahang tumango. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Macky. Parehong mahalaga at mahal namin si Marquise at parehong wala kaming balak na burahin sya sa mga ala ala namin.

"We can start the ceremony Father." pagbibigay paalam ni Macky.

'Bago ko simulan ang seremonya ng kasal, meron ba tumututol sa pagiisang dibdib ng parehang nasa harapan nating lahat?' tanong ng pari.

Tahimik na tahimik ang buong paligid, biglang may kabang bumundol sa dibdib ko, di ko maipaliwanag kung bakit. Walang tumutol at nagumpisa na ang pari.

"Dearly beloved, we have been invited here today to share with Mackenzie Weiss and Airam Elle Lucas a very important moment in their lives, their love and understanding have grown and now decided to live their lives together as husband and wife."

Opening prayer...

Wedding Vows...

"I, Mackenzie Weiss, take you Airam Elle Lucas to be my lawfully wedded wife, my partner in life, my one true love, I will cherish our union and love you more each day than I did before, I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good and bad times, I give you my hand, my heart and my love, from this day forward for as long as we both shall live."

My turn, "I, Airam Elle Lucas, take you Mackenzie Weiss to be my lawfully wedded husband, my constant friend, my partner and my love from this day forward.I offer you my solemn vow to be your faithful partner in sickness and in health, in good times and in bad, in joy as well and in sorrows, I promise to love you unconditionally, to support you in your goals, to honor and respect you, to laugh and cry with you, and to cherish you as long as we both shall live."

Exchange of rings...

Lightning of unity candles...

Declaration of Marriage...

Nagsasalita palang ang pari ay may pumalakpak na.

Sabay sabay kaming napalingon sa likuran ng may marinig kaming pumapalakpak.

Lumingon kaming lahat at nakita ang babaeng maganda na parang model ang katawan, nakapulang dress at kitang kita ang bawat curves ng katawan nya, parang diyosa, nakatayo sa dulo ng carpet, pumapalakpak at nakangiti ng nakakaloko. Nagtatakang napatingin ako kay Macky, namumutla sya na para bang nakakita ng multo.

Hinawakan ko ang kamay ni Macky, tumingin sya sakin at nagtatanong ang mga mata ko kung ano ang nangyayari. Mas lalo ako kinabahan sa nababasa ko sa mga nya.

"Macky bakit di mo ako inimbitahan? Nakakapagtampo ka naman. Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanilang lahat? Lalo na sa babaeng katabi mo?" tanong nito kay Macky.

Agad ako napalingon kay Macky. "Macky?"

"Airam let me explain please." nagmamakaawang sabi ni Macky, mas lalo ako naguluhan, sana mali ang pakiramdam ko, alam ko na yun mga ganitong eksena.

Sana nagkakamali lang ako ng pakiramdam. Kung kailan tinanggap ko na si Macky sa buhay ko saka pa ba magkakaron ng problema...

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now